Esperanza, Pilar, Sorsogon

502 8 0
                                    

Back to present...

Vice's pov

Wala pang isang taon kaming magkasama ngunit ang dami dami nang nangyari.

"Babe, ang dami naman niyang dadalhin mo. Para ka namang maninirahan na doon."pagpuna ko kay Anne. I mean sa asawa ko. Halos hakutin na kasi niya ang buong damit niya. Pansin kong sobrang excited siya. Lumapit siya sa akin at kumandong. Lakas talaga magpakilig nitong asawa ko.

"Babe it's 3 weeks. Marami tayong pupuntahan at gagawin doon. For sure, mag ienjoy ka at magugustuhan mo doon."paglalambing niya sa akin.

"I know pero baka hindi tayo nito makaalis babe."pag papahiwatig ko sa kanya. Ngunit nginitian niya lang ako at hinalikan sa pisngi. "Bukas na lang kaya tayo umalis."tugon ko sa kanya with a seductive tone.

"Nope! Kaya bilis na. Mahaba haba pa ang byahe natin."sabay nose to nose niya sa akin.

"Pano ba yan, mas gusto ko kasi dito sa mga bisig mo."at niyakap ko siya. I want to cuddle. Hehe tumayo na siya sabay halik sa noo ko at bumalik sa pag eempake.

"I need to finish this na. I'm so excited na. Miss na miss ko na yung hangin doon. Lalo na sina nanay flora."tugon niya sa akin.

"Hindi masyadong halata babe. Haha okay dadamihan ko na lang din ang dadalhin ko."inayos ko na ang mga gamit ko at dinagdagan pa ito. Pwede naman sana kaming magplane kaso mas gusto ni Anne na bumyahe nang matagal. Gusto niya daw kasing makita ang bawat tanawin na daraanan namin. Knowing my wife she really loves watching beautiful sceneries. Maski man ako mas gusto ko yung ganon. Enjoying the view lalo na't ito ang unang beses na magkasama kaming dalawa na magtatravel. Basta kung ano ang gusto ni Anne, yun na din ang sa akin. Yun na rin ang gusto ko. Lalo na kapag ngumingiti siya, hanep sa ganda! Daig pa ang ganda ng boracay, coron palawan, batanes ,ang mt. Mayon at kung ano pang magagandang tanawin. Sapat na sa akin yung ganda niya. Tulog man o gising. Nakasimangot man o nakangiti. Umiiyak man o nakatawa. Halos di na siya natulog sa byahe namin kakatanaw sa mga bituin sa langit. Ang ganda nga naman talaga. Ngunit wala nang mas tatalo pa sa ganda niya. Sabi niya mas gusto niya raw bumyahe sa gabi kesa sa umaga. Pag gabi daw kasi tahimik, ramdam mo yung ganda ng pinagmamasdan mo. Malamig at sariwa ang hangin, walang tambutso na nakikipag agawan sa hangin. Higit sa lahat gusto niyang pagmasdan yung mga bituin. Ako ang driver, tinatanong ko lang siya kung tama ba ang dinadaanan namin.

"Where are we na ba babe? What place is this na ba?"tanong ko sa kanya habang nagmamaneho.

"We're in Naga na babe. Malapit na tayo."sagot niya sa akin mukhang ang saya saya niya.

"Okay babe."wika ko at hinawakan ko ang kamay niya. "Kain muna tayo babe."

"Buti pa nga. I want hot soup. Ah cup noodles na lang babe. Sakto sa malamig na hangin."suggestion niya.

"Oo na boss, basta ikaw."dumaan muna kami sa 7/11. Kain muna then after byahe na ulit. Lumalabas na si haring araw. Andito na kami sa Ligao, hindi naligaw o ligaw kundi Ligao. Isang lugar dito sa albay.

"Babe, wait!"wika niya. Nagulat tuloy ako.

"Bakit babe?"tanong ko.

"Can you make tabi muna the car. Please."bigla niyang tugon. Ha? Bakit kaya?

"Oo naman. Bakit? Naiihi ka na ba? Hanap na lang tayo ng CR babe."

"Hindi. Basta itabi mo muna babe. Sige na please."ayan na naman siya sa pagpapacute niya. Kaya tuloy hindi ako makatanggi tanggi sa kanya.

"Oh sige na nga."at inihinto ko muna ang sasakyan at itinabi. Buti na lang hindi dito tulad sa manila na traffic at maraming sasakyan. Na kapag huminto ka at humarang sa daan, kulang na lang ay kuyugin ka ng mga tao.

EVERYDAY I LOVE YOU ( viceanne )Where stories live. Discover now