Chapter Twelve

29K 837 57
                                    

PALIHIM na sinulyapan ni Charry si Chase. Nakapikit, tuwid, at kampante ang lalaki sa pagkakasandal sa upuan nito. Naisip niya, darating kaya ang araw na magkakasama sila sa isang lugar na hindi siya nito inaangilan, tinitingnan nang masama, o sinusumbatan?

It was too much to ask, she knew. At sa tingin niya, mas maiging huwag na niyang hilingin pa na magkrus ang mga landas nila.

But Chase was not the kind who would give up easily. Alam niyang hindi ito matatahimik. He was actually very persistent. Kita mo nga at nabaril na at lahat, pero hindi pa rin tumitigil.

Napapitlag si Charry nang tumikhim si Chase. Bago pa siya makaiwas ng tingin, nakadilat na ito, nahuli ang pagtitig niya.

"The first time I met you, I know you're a curse, Charry. Lahat ng taong dapat ay malapit sa 'yo, nilalayuan ka. Ngayon naman, lahat ng bagay na nahawakan mo, nasisira."

Kumunot ang noo niya. Mag-uumpisa na ba ang away ng aso at pusa? "Mas mukhang minalas ako dahil dito ka pa sa bus na ito sumakay. Worse, katabi pa kita," ganti niya.

Ngumisi si Chase. Iniatras niya ang ulo nang umalis ang lalaki sa pagkakasandal at hinarap siya. Dumukwang ito nang kaunti dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. Ilang pulgada na lang ang layo ng kanyang mukha sa lalaki.

"Kung hindi hinawakan niyang mga kamay mong may dalang sumpa ang pickup ko, hindi 'yon masisira," mariin nitong sabi, hindi pinansin ang patutsada niya.

"Ano'ng pinagsasasabi mo?" patay-malisyang tanong niya, pasimple pang lumayo. Alam ba ni Chase na siya ang salarin ng vandalism sa bintana ng sasakyan nito?

A wry smile twisted his lips. "Ide-deny mo ba na ikaw ang nag-vandalize sa bintana ng pickup ko?"

Natigilan si Charry. Umilap ang mga mata niya pero sinubukan pa ring itago iyon sa lalaki. Itinaas niya ang mukha, umaasang makukumbinsi ito na wala siyang kinalaman sa inaakusa nito. "May pruweba ka ba, Chase? Nakakasanayan mo nang magbintang. Hindi maganda 'yan."

Bahagyang tumalim ang tingin nito sa kanya. At sa nanunuyang boses, "You're good at lying, Charry. Trained and talented ka pagdating sa pagsisinungaling."

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip kanina. Basta, naisip niya bigla na pagkakataon na iyon para makaganti. It was childish, na-realize niya iyon nang makasakay na sa jeep palayo. Dinamay niya ang walang kalaban-labang bintana ng kotse ni Chase sa inis niya.

"Hindi ko gagawin 'yon kung tinitigilan mo na 'ko. Sinusundan mo 'ko hanggang sa pagkain ko sa fast-food chain..."

"Do not flatter yourself. At hindi kita sinusundan. Kaya ako nandoon ay dahil may kinita ako sa katabing restaurant-" Lumalim ang kunot sa noo ni Chase. "Why am I explaining, anyway? Kapag kasalanan mo, hindi ka rin naman umaamin."

Tiningnan niya ito nang masama. "Babayaran ko na lang ang pagpapalinis o pagpapagawa para matigil ka na."

A muscle on Chase's jaw jerked. His gaze annoyed. "Feeling guilty over my car pero hindi sa pagkakapatay kay Trish? May pambayad ako sa sasakyan ko, Charry. Hindi ko kailangan ang pera mo." Numipis ang mga labi niya. Ano ba talaga ang gusto nito? Umamin na nga siya, may nasabi pa rin ito. "'Buti na lang pala at hindi ka mayaman. Kung sakali kasi, baka pati pagkakapatay kay Trish ay presyuhan mo ng pera."

Bumuka ang bibig niya para sumagot pero mas pinili niyang itikom na lang iyon at tumahimik. Mali ang napili niyang pananggalang sa pagkapahiya. Lalo lang nagalit si Chase.

Iniiwas ni Charry ang mga mata at itinuon na lang iyon sa labas ng bintana. Madilim pa sa labas, halos wala pa nga siyang maaninag. Pero mas maigi pang doon niya ituon ang tingin kesehodang maduling siya. Pakiramdam niya ay tumatagos sa kaluluwa niya ang galit na titig ni Chase.

Men in Tux 1 : Falling For Mr Cruel (Wattys 2018 Winner) Where stories live. Discover now