Chapter Eight *

30K 814 32
                                    

NAHIGIT ni Charry ang hininga nang marinig ang pag-ingit ng gulong ng sasakyan ni Chase. Inapakan nito ang preno bago pa siya madanggil ng nguso ng pickup. Her eyes flew open. She was scared. Very. Naghuhuramentado ang tibok ng puso niya, nanlalambot at nangangatog ang kanyang mga tuhod.

It only took Chase a few seconds para bumaba ng sasakyan nito at lapitan siya. Bago pa siya makakilos, nahawakan na siya ni Chase sa magkabilang balikat at marahas na isinalya sa hood ng pickup.

"Damn you!" galit na galit na singhal nito.

Tiningala niya ang lalaki pero unti-unti itong lumalabo sa kanyang paningin. Pinangingiliran siya ng luha. Totoong kanina, dala ng galit at guilt ay nagawa niya itong hamunin. Pero nang paandarin ni Chase ang sasakyan at marahas na inapakan ang silinyador, that was the moment she realized she so much wanted to live. Sa kahit anong paraan, ayaw niyang mamatay. Muna.

She was stupid. Ang daming realization sa loob ng kulang-kulang isang minuto. Si Carla. She was all that her sister had.

Sabi nila, walang lihim na hindi nabubunyag. Kung sakali mang dumating ang panahon na malalaman ng buong mundo ang sekreto ng kapatid, kung sakaling iwan ito ni Rush David-just as Carla feared, hindi ba dapat ay naroon siya para alalayan ang kapatid hanggang sa tuluyang makalimot?

Sabi niya noon, hindi siya gagaya kay Josefina. Hindi siya dapat maging mahina tulad nito. Mayroon siyang kapatid na kailangang protektahan kahit hindi siya nito itinuturing na dugo't laman.

Si Jiso... ang iilang tao na maaapektuhan kung sakaling mawala siya sa mundo. Hindi niya maaatim isipin pa lang na masasaktan ang mga ito sa mangyayari.

Why did she feel regretful? Bakit si Josefina, hindi nagdalawang-isip? Bakit siya, natakot bigla? Bakit siya, nanghinayang sa sariling buhay? Bakit sa huling sandali, gusto niyang takbuhin ang tabing daan at iwasan ang sasakyan ni Chase? Pero ang nanay niya... bakit hindi?

Kahit ba sa huling sandali ng buhay nito, ang tatay lang niya at ang sakit sa didbib na gusto nitong takasan ang inisip nito? Hindi siya, hindi si Carla-silang mga anak nito na nangangailangan ng kalinga ng isang ina.

Perhaps Josefina believed she was the only one who was hurting. Na wala itong karamay. Hindi naisip ng kanyang ina na ang sakit na nararamdaman nito dahil kay Domingo ay dama rin niya bilang anak nito. She cried silently when she was hurting, she grieved a lot more when she was grieving... Lahat ng sakit, naipasa ni Josefina nang doble sa kanya nang hindi nito napapansin.

When Josefina chose to end her own life, maybe she thought the pain already ended. Hindi nito naisip kung gaano kalalim ang sugat na iniwan nito sa kanya... Sakit na hindi maghihilom kahit anong paglimot ang gawin niya.

Naramdaman ni Charry ang pagtulo ng makulit na mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pain was squeezing her chest. She could barely choke back her own sobs, bagay na hindi nakaligtas sa pandinig at nagliliyab na mga mata ni Chase.

He gritted his teeth. Suminghap siya nang padarag siya nitong pakawalan.

"Fuck!"

Tinalikuran siya ni Chase, nagpupuyos ang dibdib pero hindi naitago ang bahagyang paglambot ng ekspresyon sa mukha. Isinabunot nito ang mga daliri sa sariling buhok dahil sa pinaghalong galit, guilt, at frustration.

Hindi alam ni Charry kung kanino siya dapat mas naaawa. Sa sarili ba o sa lalaki? Ilang buwan na ang nakararaan mula nang mailibing si Trish, pero sa nakikita niya, kahit kaunti ay hindi pa nakaka-move on ang lalaki. But how could he anyway? Gayong alam nito na malayang nakakagala ang mga kriminal na pumatay kay Trish.

Kung saan nanggagaling ang malakas na urge na nag-uudyok kay Charry na abutin ang lalaki, hindi niya alam. Pero mas pinili niyang ipako ang sarili sa kinatatayuan. Masakit ang dibdib niya sa pagkakaalala sa ina, pero mas mabigat pa rin nang di-hamak ang sakit na pinagdaraanan ni Chase.

Men in Tux 1 : Falling For Mr Cruel (Wattys 2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon