Chapter Seven *

30.1K 926 36
                                    

KAGAT-KAGAT ang mga labing niyakap ni Charry ang sarili. May ilang minuto na siyang naglalakad sa madilim na daan palabas ng villa. Twenty to twenty-five minutes na pero pakiramdam niya, mababaliw na siya sa bawat huni ng panggabing ibon at pagtama ng ihip ng hangin sa kanyang mukha. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag na parang doon niya hinuhugot ang lakas na unti-unti nang nawawala sa kanyang mga tuhod.

Napapatigil siya sa paglalakad tuwing may naririnig na kaluskos sa nagtatayugang damuhan at punong-kahoy sa magkabilang bahagi ng sementadong daan. Pero kung pakikinggan o paniniwalaan ang sinabi ni Chase, safe pa siya hangga't hindi pa nakakalabas ng villa.

Sinubukan niyang tawagan si Jiso, pero namatay na ang cell phone niya bago pa man mai-dial ang number ng kaibigan.

"Sagutin mo para ma-save ang battery mo. You will need that later, believe me..." naalala niyang sabi kanina ni Chase. Paano nito nalaman na paubos na ang battery ng cell phone niya? Sinubukan ba nito iyong buksan? Kinakailangan ng password bago nito iyon ma-access.

Ilang minuto pa, tanaw na ni Charry ang guardhouse. Tahimik siyang umusal ng pasasalamat nang makitang may ilaw sa bahaging iyon. Lakad takbong lumapit siya roon. Magmamakaawa siya sa mga guard na itawag siya ng tricycle na puwedeng sumundo sa kanya at maghatid sa terminal ng bus.

Pero saglit lang, gumuho ang mundo niya. Wala kasing katao-tao sa guardhouse. Naghintay siya roon, sampu hanggang labinlimang minuto pero wala pa rin. Nanlumo siya. Sinadya ba ni Chase na paalisin ang security para wala siyang mahingan ng tulong kung sakali? Nilingon niya ang paligid. Paglampas ng guardhouse, sasalubungin na naman siya ng kadiliman.

Ang relief na naramdaman ni Charry kanina, napalitan uli ng takot. As fear crept in, unti-unti na namang umaahon ang awa sa sarili. Gusto niyang magalit kay Chase pero alam niyang mas may karapatan itong magalit sa kanya. Ipapain siya nito sa mga masamang loob. Naatim nito na paglakarin sa gitna ng dilim ang isang babaeng kagaya niya. Wala itong pakialam sa kung ano man ang mangyari sa kanya. Whether she got killed or got raped ay okay lang kay Chase. He hated her that much.

Mabigat ang loob at may malaking takot sa dibdib pero mas pinili niyang ipagpatuloy na ang paglalakad palabas ng Villa DeMar. Tatakbo siya kung kailangang tumakbo. At kung may susulpot na masamang loob ay gagawin niya ang lahat para makatakas at mailigtas ang sarili kagaya ng ginawa niyang pagtakas noon sa mga kidnapper.

Pilit na tinatagan ni Charry ang loob. Pero hindi pa man siya nakakalayo, sinalubong na agad siya ng kadilimang doble sa dilim ng daan na nilakad niya kanina. Nakagat niya nang mariin ang ibabang labi. Walang street lights sa magkabilang bahagi ng daan. Paminsan-minsan ay nakakapanood siya ng balita sa TV. Marami-rami ang napanood niyang report tungkol sa murder at rape cases sa Laguna—hindi lang niya alam kung saang lugar partikular but it was freaking her out.

Mabilis ang naging takbo ng imahinasyon ni Charry dahil sa kawalan ng ingay. Ang tanging naririnig niya ay ang ihip ng hangin, panaka-nakang huni ng panggabing ibon, at kaluskos sa kung saan. Binabalot siya ng pangamba na ano mang sandali ay may hahablot na lang sa kanya para gawan siya ng masama. Strange people sometimes lingered around isolated areas. Pinanginginigan siya ng mga tuhod isipin pa lang na may matalim na mga matang sasalubong sa kanya oras na lumingon siya sa kakahuyan.

Napapitlag si Charry nang makarinig ng malakas na kaluskos. Na parang may mga paang mabilis na tumatakbo papunta sa sementadong daan mula sa kaliwang bahagi ng daan. She went still. Pigil ang hininga at nanginginig ang baba na dahan-dahan niyang nilingon ang kakahuyan. Naipit ang tili sa lalamunan niya nang mula sa damuhan ay biglang lumitaw ang isang itim na asong ligaw sa harap niya. Umangil ito nang makita siya.

The huge stray dog stared and snarled at her for what felt like forever before it quietly went towards the opposite way. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa kahit ilang minuto nang wala sa paningin niya ang asong gala. It took her another minute before she realized she was trembling and crying at the same time.

Men in Tux 1 : Falling For Mr Cruel (Wattys 2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon