Chapter 44: Andrea

36 0 0
                                    

"Ano yung huling naaalala mo?" tanong sakin ng isang babae, tinatawag siya ni mama na cathy. Andito pa din kami sa hospital at nakahiga pa din ako, may lalakeng nandito nung isang araw parang kilala ko siya pero parang hindi ko alam kung saan. Boyfriend ko daw siya. Pinaliwanag sakin ni mama lahat ng nangyare, nawalan daw ako ng malay habang patawid nung pauwi ako sa pagkakahatid kay mario. Muntikan pa daw akong masagasaan buti daw natama lang yung ulo ko pero nagkaroon naman daw ako ng amnesia.

"Hmm, nasa bahay lang ako. Alam ko bakasyon ko ngayon sa school"

"Hindi mo ako naaalala andrea?" tanong niya sakin.

"Ikaw yung nurse na palaging nagpupunta dito diba?" tanong ko sakanya at yung mukha niya ay nagtataka na nalulungkot

"Hindi, hmm nakaka sad naman tita hindi niya ako nakikilala"

"Sorry pero sino ka po ulet?" tanong ko sakanya "Medyo familiar nga face mo eh hehe"

"Ako to si cathy ortino" nakangiting sabi niya habang may sinusulat sa hawak hawak niyang papel.

"Ikaw yung kapatid ni mark ortino?" tanong ko sakanya. May kaklase ako dati mark ortino yung pangalan na may tatay na mayaman.

"Oo ako yun, so nakikilala mo pala kami!" nakangiting sabi niya

"Nakikwento ka sakin ni mark ortino, klasmeyt ko yun dati nung highschool ako pero iba na kase yung school niya nung college na" Yung mukha niya nagulat at iginagalaw galaw niya yung mga kamay niya.

"Omg. Omg tita" sabi niya at tumingin siya kay mama. "Yung last memory na naaalala mo is nag aaral ka pa ng college? Then yung mga taong natatandaan mo lang ay yung mga taong siguro 5 years mahigit mo ng kilala, ang galing naman ng brain mo. Ibig sabihin hindi mo naaalala si kenneth?" tanong niya, bakit ganun siya magsalita? English-tagalog?

"Oo hehe atsaka alam ko magpupunta ng ibang bansa sila mama kasama si tita joan?"

"Anak graduate ka na at nung last year pa kami nakapunta ni joan sa ibang bansa" pagpapaliwanag sakin ni mama.

"Wait lang tita, diba mag bestfriend kayo ng mommy ni kenneth? So how come na hindi kilala ni andrea si kenneth nung bata pa sila?" sabi ni cathy, ganito pala talaga magsalita yung kapatid ni mark. Teka graduate na ako? Ibig sabihin wala na akong iintindihing mga assignments at thesis ang saya saya pala! Napapangiti ako ngayon ng onti habang naririnig yung sinasabi ni mama kay cathy.

"Hindi naman sila nagkikita dati, naipunta samin si kenneth pero isang beses lang yun nung buntis ako kay mario at mga bata pa sila nun kaya hindi na din nila naaalala" sabi ni mama. Kenneth? Kenneth? Sino ka ba? Bakit parang andaming nangyare sa buhay ko, 20 yrs.old na pala ako.

"Anong date na ngayon ma?" tanong ko kay mama kase alam ko october ngayon kase wala talaga akong pasok at bakasyon ko

"Teka" sabi niya at kinuha ang cellphone niya "October 3 ngayon, bakit anak?"

"Tama nga october" sabi ko

"October ngayon pero 2018 na andrea, mahigit dalawang taon na ang nakakalipas" sabi ni mama. Naguguluhan ako

"Madami na bang nagbago? May trabaho na ba ako?"

"Ikikwento ko sayo lahat andrea pero ngayon magpahinga ka muna" nakipag usap na muna si mama kay cathy at maya maya pa ay pumasok na ang bestfriend ni mama at pinagkikwentuhan nila kung ano ang mga nangyare at kung pano naging amnesia yung dati kong sakit na alzheimer. Posible ba yun? Baka naman ulyanin lang talaga ako pero anong mga nangyari sakin netong mga nakaraang taon?

1 week later

"Andrea, andito si kenneth" sabi ni mama, andito nanaman yung lalakeng sinasabi nilang boyfriend ko. Halos araw araw siyang bumibisita. Tinignan ko siya pero hindi ako ngumingiti. Pumasok siya sa kwarto, nandito na ako sa bahay at pinagpapahinga muna ako nila mama kaya palagi lang ako nandito sa kwarto.

"Hello" sabi niya

"Hi?" sagot ko at naging tahimik na ulit. Naaawkwardan ako kase hindi ko naman siya maalala.

"Kamusta ka na?" umupo siya sa gilid ko

"Ayos lang" sagot ko at natahimik na ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako kaya inalis ko agad.

"Sorry, nasanay lang ako na hinahawakan kamay mo" sabi niya at hindi na muling hinawakan, may dala siyang pagkain sabi niya isa daw yun sa mga gusto namin palaging kainin kapag lumalabas kami pareho. Hindi pa din ako nagsasalita.

"Okay lang naiintindihan ko naman kung naiilang ka sakin, pwede mo naman tayo maging magkaibigan nalang" hindi pa din ako nagsasalita, hanggang sa maya maya pa ay umalis na din siya.

Bigla nalang dumating yung isang araw na wala ng bumibisita sa bahay.

Naglalakad lakad na din ako sa labas ng bahay at bumibili ng mga pagkain. Meron palang bagong kainan na puro cupcake. Nag order ako dun at nakangiti lang sakin maigi yung nagbebenta, kaya nginitian ko din siya.

"Kamusta ka na?" tanong sakin ng lalake na nagserve ng inorder ko.

"Okay lang" sagot ko baka friendly lang sila sa mga customer. Umalis na din ako at naglakad lakad.

Nung pauwi na ako, napansin ko na parang kilala ko yung lalaking andun sa kanto. Si kenneth, alam ko kenneth pangalan niya. Kumakain siya dun sa parang mga fishball at umiinom ng buko. Madadaanan ko siya kaya baka mapansin niya ako.

Nagsimula na akong dumaan, pero parang hindi niya ako napansin. Hindi niya ako nakita? Hindi ko alam pero bakit parang gusto ko magpapansin. Bumalik ako sa kinakainan niya at bumili ng hotdog na nasa stick.

"Magkano po dito?"

"15 isa" sabi ni manong, magkatabi na kami ngayon ni kenneth. Pero wala pa din siyang kibo, may headset siya kaya baka hindi niya din ako nadidinig pero imposibleng hindi niya ako nakikita.

"Pagbilhan nga po ako ng lima" binigyan na ako ni kuya at habang kinakain ko yung isa, pagkalingon ko sakanya wala na siya. Naglalakad na siya palayo. Bakit ganun? Kinain ko nalang yung binili kong mga hotdog habang naglalakad.

Pagtapos nun lagi ko pa din siya nakikita sa ibang mga lugar na dinadaanan ko minsan sa grocery store minsan sa park pero hindi naman siya taga dito. Hindi din naman niya ako pinapansin. Simula nun hindi ko na ulit siya nakita.


730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now