Chapter 43: 730 days with Andrea Santos

134 1 3
                                    

Sumakay ako sa tricycle dahil may bibilhin ako at kilala ko tong driver, taga dito siya saamin kaya naman kilala ko siya.

"Kuya sa may plaza lang" nakangiti kong sabi at nagsimula ng umandar ang tricycle.

"May tao ba sainyo?" tanong sakin ni kuya at tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa

"Hmm wala naman po" sagot ko at naiilang ako sa kakatingin niya

"Ihatid na din kita pagkauwi mo" sabi niya at pumayag naman ako. Nakangiti lang siya sa akin pero parang ang creepy, hindi ko alam pero bigla nalang akong tumatakbo habang umiiyak habang hinahabol ako nung driver para bang pagsasamantalahan niya ako. Pumasok ako sa bahay namin at tumakbo agad sa kwarto, duon ay nakita ko ang daddy ko natutulog. Daddy? Pero patay na ang daddy ko. Niyugyog ko siya ng maigi

"Daddy tulungan mo ko da da da may rapist daddy huhuhu" ayaw magising nag daddy ko! Bakit ganon hanggang sa nasa harapan ko na yung lalake at.

"Andrea? Bangon ka na" minulat ko ang mata ko habang humihingal ng maigi at tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Tumingin ako sa paligid at nananaginip lang pala ako, ano yun?! Nagising ako sa katok sa pinto ni mama. Inayos ko ang mukha ko at binuksan ang pinto, bumaba na si mama.

Tinignan ko yung cellphone ko at nakita kong may text si kenneth.
Salamat daw sa nangyare kahapon.

To: Kenneth:
Sorry pero anong nangyare kahapon?

Sent!

1msg. Received

Fr: Kenneth:
Nag e.k tayo kahapon drea :)

Napaisip ako at ilang minuto pa bago ko maalala, parang ang tagal na nun, kahapon lang pala nangyare.

To Kenneth:
Sorry. :(

Sent!

1msg. Received

Fr:Kenneth:
Okay lang po :) i love you so much :*

To Kenneth:
I love you too ;*

Sent!

Hindi na muna kami nag usap kase start na ng trabaho niya at ako naman ay kumain na, sinamahan ko si mario at ako ang maghahatid sakanya sa school.

"Mario?"

"Bakit?" sagot niya habang naglalakad na kami ngayon sa labas.

"Gusto mo mag jeep nalang tayo?" sana naman pumayag siya.

"Eh malapit na tayo sa sakayan ng tricycle ate"

"Sige na please" naisip ko lang yung panaginip ko kanina at ayaw kong magkatotoo yun.

"Okay" sabi niya at sumakay na kami sa jeep. Pagkasakay namin, sumakay na din ang ibang mga tao at naginng siksikan.

Bayad nga makikisuyo, senior sa bayan lang

Bayad po dalawa sa mcdo

Bayad estudyante.

Kinuha sakin ni mario yung bayad at nagbayad siya.

"Ate ako nalang magbabayad" sabi niya sakin

"Sigurado ka?" tanong ko sakanya

"Opo ako na, baka makalimutan mo pa eh" sarcastic niyang sabi, tinignan ko lang siya ng masama. Inabot ko na sakanya yung pera at iniabot niya na, andito kami nakaupo sa dulo sa ng jeep.

"Bayad nga po" sabi niya at nakangiti pa siya, akala mo naman talaga alam niya.

"Saan to?" tanong ng konduktor sakanya.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now