Chapter 8: Deep Talks

370 20 1
                                    

Nag-ayos muna ako, naghilamos, nagtoothbrush at bumaba. Dahan-dahan lang ako baka kase magising sila mama. Baliw talaga tong si kenneth, dahan-dahan kong binuksan yung pinto at nakita ko siya na may dalang isang box at makapal na book. Nakapambahay lang siya.


"Talagang tinotoo mo yung 3:33 am?" nakatayo pa din ako katabi ng pinto at nasa tapat ko siya


"Syempre seryoso ako, 3:40 na nga oh. Antagal mo kase" nakangiti niyang sabi, may seryoso bang nakangiti?


"Nag toothbrush pa ako, tara pasok ka"


"Dito nalang tayo sa labas baka magising pa sila tita" sabi niya


"Natatakot ka? Sumbong kita diyan kay mama" natawa lang siya at naupo kami sa lapag habang nakasandal sa pinto



"Pizza" sabi ko, hindi ko mapigilan yung ngiti ko. Hindi pala ako nakakain ng gabihan. Sakto mainit pa siya at grabe yung mga cheese, nakatitig lang ako ng todo sa pizza.



"Hindi ko alam kung bakit paboritong-paborito mo yung pizza. Oo nga masarap siya pero nakakaumay siya kapag nakalagpas ka na ng dalawa hindi tulad ng iba na kapag nagkagusto, hindi nagsasawa kainin tulad ng fries or oreo" nagmomonologue na naman tong si kenneth



"May cheese kase" tipid na sagot ko



"Yung cheese talaga ang gusto mo hindi ang pizza" hm. napaisip naman ako sa sinabi niya.



"Kenneth kase ganito yon, nagustuhan ko siya kase may cheese siya lalo na yung melted cheese, oo nakakumay na din kapag madami at yung cheese lang yung palagi kong hinahanap pero kase sa pizza lang tumutugma yung perfect taste ng cheese. Diba kapag gusto natin, inuunti-unti pa natin para mas malaman at malasahan natin ang sarap neto" nakatingin lang siya sakin ngayon



"Ahhh" ang hilig niya sa ganyan sa ahh. Kumuha ako ng isang pizza


"Alam ba sainyo na nandito ka?" kumuha din siya ng isa



"Tulog silang lahat"


"Malamang 3am"


"May tanong ako andrea" seryoso naman yung boses niya


"Oh?"


"Hanggang anong oras yung curfew niyo dito?"


"Hindi noh, malapit na kase eleksyon kaya busy sila"


730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now