Chapter 23: Being a mother

213 14 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon para maghanda sa unang araw ko sa trabaho ko. Yehey may trabaho na talaga ako at alam niyo ba kung ano yon? Ako yung mga mag aassist sa mga tutuluyan ng mga international singer na magpeperform at mag c.concert dito sa pilipinas. Ang astig noh! At pano ko nakuha yung posisyon na yon? Ganito lang yon.

Flashback..

Buti naman at hindi na ko natatae, sinamantala ko na ang pagkakataong mag apply habang healthy pa ang tiyan ko. Naglakad na ako papunta sa company na pag aapplyan ko, kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang pangalan ng kompanya pero sa kasamaang palad. Nabura ko! Kainis naman ><. Sa pagkakatanda ko nagsisimula yun sa letter E, hala ano ba naman yan nakalimutan ko pa.

Andami namang building dito,alin dito yung papasukan ko?! Teka naiihi na ako, kanina pa ako nagpipigil ng ihi. Pumasok ako sa isang building at syempre para maka ihi ako, kunware alam na alam ko yung pinasukan ko. Nag goodmorning pa sakin yung si kuyang guard haha hindi niya alam na makikiihi lang naman ako. Pumasok na ako kaso nga lang anlaki! Hindi ko alam kung saan dito yung banyo nila. Parang busy na busy ang mga tao dito. Pumasok ako sa elevator.



"Anong floor?" tanong nung lalaking nakaupo dun. Bakit naman nakaupo siya dun? Sosyal naman niya, naka elevator na nga. Nakaupo pa hahaha.  Hmm, mukhang andami namang floor netong building kaya makapanghula nalang ng number.


"18 po kuya" napatingin sakin yung lalake, kami lang dalawa andito. Hindi ata nag eelevator mga tao dito.



"Hanggang 10 lang ang meron dito miss" parang badtrip yung lalake.


"Ay sorry! HAHAHAHAHA sige five nalang" sabi ko naman at pinindot niya na. Ang sunget naman nun. Bumukas na ang pinto at lumabas na ako. Buti nalang pagkalabas ko may nakita akong c.r haha ansaya! Kaya pumunta ako agad at umihi na. Pagkatapos kong umihi, lalabas na sana ako kaya lang bigla akong nahilo. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa nagsuka na ako, ayoko ng idescribe pa yung suka ko kase ang panget, yung mga laway na malalagkit pinagsama sama na parang may sipon na parang corn soup. hayy diba dapat hindi ko na dinescribed. Lumabas na ako at aalis na sana sa building kaya lang may narinig ako na mga babaeng nag uusap.


"Sana matanggap ako dito bes, para may chance naman ako maipakita yung pagiging stalker mode ko"


"Goodluck satin bes"


bes bes besh, ang aarte. Pero mukhang mga mag aapply din sila ng mga trabaho. Tumingin ako sa paligid ligid.

"Entertainment inc." eto kaya yun? Letter E! Baka eto yung tumawag sakin na company. 

"Bakit ba kase nabura ko yung message" naglakad nalang ako at sinundan yung mga applicant. Tapos ang bilis ng mga pangyayare, biglang napasok na ako agad. Sabi nung babaeng nag interview sakin. Ang gaan daw ng loob niya sakin kumpara daw sa mga nauna saking mga nag apply. Bagay na bagay daw akopara sa trabaho, urgent hiring pala sila. Tapos nung pagkaalis ko dun, dun ko lang nalaman na assistant pala ako sa mga nag mamanage ng mga mag coconcert dito sa pilipinas.



At habang palakad ako pauwi, nakita kong nakaupo si kenneth at napakaseryoso niya. Hayyy ano kayang iniisip ng boyfriend ko? Bakit parang ang lungkot lungkot niya? Kaya naman nilapitan ko na siya at tinakot hehe.



Pagkauwi ko ng bahay , nasuka na naman ako. Nahihilo talaga ako. Siguro pagod lang ako dahil sa byahe na napakahaba. At lakad pa ako ng lakad. Tinititigan lang ako ni mama habang nagpupunas ako ng bibig.


"Ma, okay ka lang?" tanong ko sakanya. Parang nagugulat siya na nalulungkot na hindi ko alam kung anong expression yun. Tumango lang siya, sabi ko punta lang muna ako sa kwarto ko. Mamaya ko nalang ikikwento sakanya na may trabaho na ako para surprise. Si mama, sobrang laki ng utang na loob ko sakanya ay hindi pala sobrang nagpapasalamat ako kase hindi niya kami pinabayaan ni mario. Alam na alam niya kapag naiinis, natutuwa, o natatakot ako. Minsan nag aaway kami kapag may hindi pagkakaintindihan pero, nagkakaayos din naman agad. Ngayong may trabaho na ako. Tutulungan ko siya pati sa pagpapa aral kay mario para naman medyo nakaka proud akong anak haha. Nagpahinga na muna ako kase nahihilo na talaga ako.



"Ate! ate"  nagising ako dahil sa paulit ulit na nagsasalita, pagkamulat ko si mario.


"Bakit? natutulog ako mario" sabi ko at nagtakip ng unan sa mukha.



"Kwarto ko kaya to, bakit ba dito ka natulog?" maya maya pa ay minulat ko ulit ang mata ko at nakita kong kwarto niya nga, kaya tumayo na ako agad.


"Ay sorry, lilipat na ako" sabi ko at lumipat na sa kabilang kwarto at natulog na ulit.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now