Chapter 21: Result

262 12 0
                                    

Binuksan ko ang letter at binasa ang nakasulat. Maraming nakalagay sa sulat at merong nakakuha ng atensyon ng mata ko.

"Positive" kay andrea ba talaga to? Baka naman nagkakamali lang sila. Hindi ko alam kung malulungkot o matatakot ba ako sa nabasa ko. Nagmadali akong umalis at dumiretso agad ako sa bahay nila para kausapin siya kaya lang wala siya dun, sabi ni tita nakaalis na daw. Umalis na din ako agad sakanila at nagsimulang maglakad.

"Kung meron akong nakakamatay na sakit, hindi na ako magmamahal at gagawin ko na lahat ng gusto kong gawin"

Naalala ko bigla si andrea, pero bakit nangyare yon? Masyado pa kaming bata para dun. Gulong-gulo na yung utak ko.

Kriiiing
Kriiing
Kriing

"Mario, ikaw nga sumagot ng telepono"

"Sige po ma" dumiretso na agad si mario para sagutin ang telepono, nagpunta dito kanina si kenneth na parang kinakabahan. Hinahanap niya di andrea, sakto namang umalis na si andrea.

"Hello? Sino po sila?"

"Mario? Ako to si tita joan, andiyan ba si mama mo? "

"Ay tita, andito po. Tawagin ko lang po"

"Maaaaaa, si tita joaaaaan" lumapit ako papunta kay mario at kinuha ang telepono.

Tinanong sakin ni joan kung nagpunta ba dito si kenneth kanina, sabi ko naman ay oo pero umalis din agad.

"mare, hindi kaya buntis si andrea? "

"Ha?! Bakit? Paano mo naman nasabi? " medyo naiinis kong tanong, masyado pang bata si andrea. Twenty years old palang siya.

"Nakita ko kase si kenneth kaninang umaga sa kwarto niya, may binabasang papel parang test result sa ospital"

"tapos? "

"bigla siyang nagsalita ng positive tapos tinabi agad yung papel at nagmadaling umalis"

"Positive?!"

Napagkasunduan namin ni joan na pagmasdan muna sila kenneth at andrea. Buntis ang anak ko?!

Andrea's POV

"May trabaho na ako sa wakaaaaaaaaas" grabe hindi ko mapigilang ngumiti, naglalakad na ako pauwi samin. Ansaya saya ko talaga. Sakto namang nakita ko si kenneth, malungkot ang mukha niya at nakaupo lang siya sa may swing dun sa park. Gabi na, bakit nandito pa siya? Naglakad ako ng dahan dahan para hindi niya ako makita.

"HAPPY MONTHSARYYYYYYYYY" sigaw ko sa likudan niya habang siya naman hindi pa din lumilingon, antagal naman niyang lumingon. Ang init kaya sa mukha netong maskara

"Uy kenneth"

"oh? " nakatalikod pa din siya at seryoso ang boses. Nagkaaway ba kami? Parang hindi naman, lagi nga lang kami tumatawa siguro dahil minsan nakakatulugan ko siya dahil pagod na ako, pero siya nga madalas tulugan ako pag nag uusap kami.

Ayaw pa din niya akong lingunin.

"Ano bang ginagawa mo diyan, umupo kana sa tabi ko" umupo ako sa katabi na swing..

"HELLO BABY" sabi ko sakanya at humarap ako sa mukha niya

"WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH" napatayo siya sa inuupuan niya at tumakbo ng sobrang bilis, grabe pwede na siyang manalo sa takbuhan HAHAHA. Nagsuot kase ako ng maskara na parang dun sa killer clown hahaha ang mahal kaya neto 100pesos. Pero nakakatakot yung hitsura

"HAHAHA kenneth hahaha bumalik kana nga dito" yung hitsura niya grabe nakakatawa haha, inalis ko na sa mukha ko tong maskara. Anlayo ng tinakbo niya kaya naglalakad na siya pabalik habang ako naman ay tawa lang ng tawa.

"Baliw ka talaga! " sabi niya sabay yakap sakin, nararamdaman ko yung tibok ng puso niya na sobrang bilis.

"Bakit ba kase ang lungkot lungkot mo? " tanong ko sakanya

"Hindi naman, may iniisip lang" bumitaw na siya sa pagkakayakap. Madilim na tas mahangin pa, tamang tama ang pagsesenti niya dito.

"Andrea" eto nanaman seryoso na naman yung boses niya

"oh? Alam mo ba may traba--"

"Mahal kita, mahal na mahal" hindi niya ako pinatapos at nagsalita agad.

"Mahal na mahal kita, bakit ba parang ang lungkot lungkot mo. May problema ka ba? " hinawakan ko yung dalawang pisngi niya, ngumiti lang naman siya at yumakap ulit ng mahigpit. Ano bang meron kenneth?

"Teka be" humiwalay ako sa pagkakayakap "Ang luwag na naman netong seatbelt ko" inayos ko ulit, kanina ko pa inaayos to laging lumuluwang. Narinig kong natawa siya.

"Belt tanga" sabi niya at natawa ulit

"Ay HAHAHA oo nga pala hahahaha" belt nga pala! Kahiya. Tumawa nalang kami ng tumawa hanggang sa makauwi.

730 Days with Andrea SantosNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ