Chapter 37: Day 1

79 1 1
                                    

Pagkamulat ng mga mata ko, hapon na at panandaliang nawala sa isipan ko na may alzheimers na pala ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang text na galing kay mama,kenneth,at cheska.

Mama
    May pagkain na sa lamesa, magpahinga ka lang muna :)

Kenneth
   Hindi ka manlang nag i love you too :(

Kenneth
   Nananaginip ka na ba ngayon babe?

Kenneth
   Goodafternoon! Smile ka lang palagi

Kenneth
   Boyfriend mo ako ha :)

Si kenneth ang kulet! Natatatndaan ko pa siya malamang, may isa pang text kaya binuksan ko na

Cheska

Bakit hindi ka pumasok? Nag meeting kanina about sa feedback ng concert ni britney, ikwento ko nalang sayo mga nangyare bukas okay.

May sakit ako! Waaaah kailangan ko ng isearch to. Kinuha ko agad agad yung laptop ko at sinearch yung mga different types ng alzheimers. Iba iba may mild lang, may malala at may temporary lang. Mga preventions? Wag magpapakastress. Madami, alin dito ang akin. Hayyy kailangan ko ng isulat ang lahat. Kumuha ako ng sticky note at sinulat lahat dun ng mga kailangan kong tandaan.

Wala naman akong nararamdaman na kung ano, nagsesearch lang ako ng may mga kinalaman sa alzheimers hanggang sa napunta na ako sa mga movies. 50 first dates. One liter of tears na series. Pinanuod ko at iyak ako ng iyak. Ganito na pala ang mga mangyayare sakin. 5pm natigil ang panunuod ko ng biglang may nag doorbell, inayos ko muna ang mukha ko baka may bakas pa to ng luha at agad ng bumaba, andito na si kenneth kaya naman tuwang tuwa akong binuksan ang pinto kaya lang pagkabukas ko, si cathy ang nakita ko. 

"Uy" yun lang ang nasabi ko, nagulat siya at nag uy din siya bilang response, para siguro hindi maging awkward.

"Hmm pasok ka" sabi ko sakanya at binuksan ng maigi yung pinto, nag nod naman siya at pumasok.

"Sorry ha"  sabi niya

"Para saan?" tanong ko at sabay kaming naupo sa sofa

"Sa pakikipagkita ko kay kenneth ng hindi sinasabi sayo" sabi niya at naisip ko nanaman na lagi ko nga silang nakikitang magkasama

"Ay oo nga, ikaw ha. Nilalandi mo si kenneth! Wala na tampo nako agad" pagtatampo ko pero syempre joke lang

"Hala mali ka ng iniisip hindi ko talag--" sunod sunod niyang sabi

"Joke lang! Eto naman" sabi ko at biglang tumahimik at sabay kaming natawa "Hmm naipaliwanag na sakin ni kenneth lahat"

"Sorry andrea, okay ka na ba?"

"Wala naman akong nararamdaman ngayon"

"Kung meron ka mang maramdaman, tawagan mo lang ako. Pwede akong tumulong for free, kaya pa natin mapigilan yan" nakangiting sabi niya.

"Pero diba wala ng gamot dito?"

"Wala pa pero pwede siyang mawala kung may mental treatment, kailangan lang isanay yung brain mo sa daily activities" nag nursing nga pala tong si cathy.

"Ah teka, gusto mo ba ng maiinom? Makakain?" tumayo na ako para kumuha kaya lang pinigilan niya ako tumayo na din siya

"Hindi na, alis na din ako. Gusto ko lang talaga mag sorry at tumulong sayo" magkatapat na kami ng tayo ngayon at niyakap ko siya

"Waaah maraming salamat cathy ah, kahit na hindi tayo okay dati tinutulungan mo pa din ako" niyakap niya din ako pabalik.

"Feeling mo naman lalasunin ko utak mo sige" sabi niya at sabay kaming tumawa at nagyakapan pa ng mahigpit. Pagkatapos nun ay umalis na din siya.

Maya maya pa ay dumating na sila mama at mario. At nag usap lang kami ng normal na usapan.

Kenneth's calling...

'Andeng?'

'oh?'

'Sorry hindi ako makakapunta, madaming pinapagawa samin kailangan namin mag overtime'

'ganun ba, sige okay lang. Ingat ka diyan ha'

'galit kana ba sakin?'

'ano ka ba kenneth hahaha ang arte mo, okay lang yan para naman mamiss mo naman ako'

'miss na miss na kita bebe'

'haha baliw i love you'

'i love you too'

Nanuod nalang ulit ako ng one liter of tears. Nakakaiyak pala ito, tapos meron dito sinusulat niya lahat ng nangyayare sa kanya sa isang notebook. True story pala ito. Ay gusto ko pag nakalimot din ako, magiging movie din kwento ko! Tama tama.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now