Chapter 36: ALZHEIMER

91 1 0
                                    

"Anak? Okay ka na ba? Gusto mong kumain muna?" si mama sa harapan ko, mas tangkad siya sakin, sakanya lang nakatingin ang mga mata ko. Tahimik ang paligid,sinubukan kong tignan ang mga nasa paligid pero lahat nakagilid. Nakahiga pala ako. Nasa ospital at may naka inject sakin na hindi ko alam.

"Pasensya kana anak ha" lumapit siya at tumabi sa kama na hinihigaan ko.

"Bakit mama? Bakit ako nandito?"  pinipilit kong isipin kung ano bang nangyare bago ako mapunta dito pero biglang may pumasok sa kwarto, isang lalake at may hawak hawak na mga plastic na may mga lamang pagkain.

"Kenneth"  naaalala ko na. Nag flashback lahat ng nangyare at bumalik nanaman ang emosyon na nararamdaman ko.

"Andrea, lahat ng sinabi ni kenneth sayo kagabi lahat yon totoo, hinabol ka nya pero nawalan ka na daw ng malay" sabi ni mama, hinahawakan ang kamay ko.

"Alam mo? Kelan pa? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin?" nagsisimulang sumikip ang dibdib ko na parang may tumutusok sa akin, at para akong naiiyak.

"Highschool graduate ka nung natuklasan naming meron kang chance magkaroon ng alzheimers o pagkakalimot, natakot ako. Hindi ako naniwala na totoo yun kase wala naman tayong history ng ganun kaya hinayaan ko nalang at baka nagkamali lang ang doctor" nakatingin ako kay kenneth na nakatingin din sakin, yung mata niya. Sinasabing magpakatatag ako.

"Hanggang sa netong nakakaraang buwan, lagi kong nababalitaan na may mga nakakalimutan ka, antagal mo minsan magresponse, pasensya na kase wala pa din akong ginagawa. Hanggang sa isang araw kinausap kami ni kenneth. Naospital ka pala, dun niya nalaman na may sakit ka. Nakiusap ako na wag pa din ipaalam sayo kase ayokong mag alala ka"  naiinis ako.

"Ano sa tingin niyo ang gusto kong maramdaman? Dapat ba matuwa ako? Dapat ba maging masaya ako na balang araw makakalimutan ko kayo?" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Niyakap ako ni mama bilang pagpapakalma habang si kenneth nakatayo pa din sa malayo at nakatingin lang. Nag h.hysterical na ako kaya nilagyan muna ako ng pampatulog.

Nung mga panahong lagi kong nakakalimutan ang mga bagay bagay. Nakakatuwa nga lang ang mga nangyayare pero hindi ko alam may sakit na pala ako.





Nagising ako ng nararamdamang may nakahawak sa kamay ko, humuhuni siya, isang kanta na parang ngayon ko lang nadinig. Idiniin ko ang hawak ko sakanya at nung maramdaman niya agad niya akong niyakap. Malungkot siya kitang kita sakanyang mga mata ang lungkot niya.

"Sorry, sorry bebe sorry talaga mahal na mahal kita sorry sorry sorry" paulit ulit habang nararamdam ko ang katawan niyang nakayakap sakin, hindi ko na mapigilan at tumutulo na ang luha ko.

"Maghiwalay na tayo kenneth" lumayo siya sakin at hindi ko siya tinititigan, nakatingin lang ako sa pintuan

"Wag mo namang gawin yan andrea" nagmamakaawa siya at hinawakan ng maigi ang kamay ko, tinignan ko siya ng may lungkot sa mga mata ko. Alam kong, kahit anong oras dadami ang luha sa mga mata ko.

"Makakalimutan lang kita balang araw, bakit mo pa ako mamahalin? Iwanan mo na ako at maghanap ka na ng iba" nangangatog na ang boses ko hudyat na tutulo na ang mga naiipong luha sa mga mata ko, akala ko okay na ang lahat. May sakit pala ako.

"Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan, wag mong gawin to be. Kaya nga ako nandito para tulungan ka, hindi kita iiwan" niyakap nanaman niya ako habang hinahalikan ang pisngi ko, ramdam ko ang mga luhang pumapatak mula sa mata niya.

"sorry." sorry kase naisip kong hiwalayan ka kenneth, lumuha na ako ng tuluyan at niyakap din siya ng mahigpit "gulong gulo lang ang utak ko sorry kenneth mahal na mahal kitaa" niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa bibig. Mahal na mahal kita.

"Magsimula tayo ulit, lahat ng masasayang bagay gawin natin hinding hindi kita iiwan andrea" sabi niya sakin at dun natapos ang usapan namin.

Kinaumagahan pwede na pala akong umuwi sa bahay. Kasama namin siya sa pag uwi sa bahay kasama ang mga magulang niya. Napag usapan namin lahat na wag munang ipagsabi sa iba. Sabi naman ng doctor may pag asa pang malunasan ang ganitong kaso lalo na kung hindi pa naman masiyadong natitrigger yung sakit. Tungkol sa pagtatrabaho ko, tatapusin ko lang yung 3 months contract at magreresign na.

Nakatingin ako sa salamin ngayon, direktang nakatitig ang aking mga mata sa refleksyon na nakikita ko sa salamin. Ramdam ko ang lungkot at takot sa lahat ng pwedeng mangyare, nagulo lang ang aking isipan ng biglang tumunog ang aking cellphone

"hello?"

"I love youuuuu. Punta ako sainyo mamaya bebe. Wag ka ng malungkot ha mahal na mahal kita"

"kakagaling mo lang dito kanina kenneth, magpahinga kana muna"

"ayaaaaaw, sige na magpahinga kana muna diyan goodbye"

"okay"

Nagdasal muna ako at natulog.

730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon