Special Chapter- ChaCha

44.6K 572 73
                                    

A/N: Dahil malakas sakin si par (OP ni Chase sa twitter) at may kasalanan pa ako sakanya, gagawin ko na yung special chapter nila Chase at Charmaine. Hahahaha!

Set up: Wala pang anak si Ethan at Elle dito. Kababalik lang nila galing states.

Charmaine's POV

Valentines day ngayon at may goodnews ako sa inyo, hapon na at hindi padin ako niyayaya ni Chase mag-date! Hindi man kapani-paniwala dahil saksakan yun ng romantic genes sa katawan pero totoo! Ni hindi pa siya tumatawag para batiin man lang ako. Nakakainis! Kanina pa ako naghihintay ng magdodorbell tapos may surprise o kaya naman may tatawag at sasabihing "mag-ayos ka na. May date tayo, I'll pick you up"

Sa loob ng tatlong taon na naging kami, ngayon lang nangyari to kaya naninibago ako pero wag niyong isipin na mage-emo ako at iiyak ha! Hindi bagay sakin yung ganun. *flips hair*

"Ma'am bakit po kayo lumuluha?" Napatingin ako dun sa maid namin at inirapan lang siya.

"Hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako. Pengeng tubig!" Pinunasan ko yung sinasabi niyang luha kahit wala naman!

Tatawagan ko ba siya? Pero diba dapat siya yung unang tumawag? Pero gusto ko na siyang tawagan. Ah basta! Tatawagan ko na siya.

Kinuha ko na yung phone ko na kanina pa nasa tabi ko. Tatawagan ko na siya pero naunahan niya ako kaya naman nanlaki yung mata ko at pinatagal muna yung pagri-ring bago ko sagutin. Inaasar ko lang siya! A bitch will always be a bitch!

"BAKIT NGAYON KA LANG TUMAWAG HA? NAKALIMUTAN MO NA BA KUNG ANONG MERON NGAYON?!"

"The owner of this phone is in the hospital right now and he's in danger. Nabunggo yung sasakyan niya at malakas ang tama nito. Ikaw ang tinawagan ko kasi ikaw ang nasa recent contacts ng patient."

Binigay niya kung saang hospital naka-admit si Chase at agad agad naman akong pumunta dun. Kahit naiinis ako sakanya kanina, hindi ako nagdalawang isip para puntahan siya. Hindi naman ako loka no!

Nang makarating ako dun, agad kong hinanap sa nurse kung asan siya. Muntik ko na ngang makwelyuhan yung nurse sa sobrang kaba ko at peste! Ang emo ko ngayon dahil totoong naluluha na ako!

Nadatnan ko ang buong barkada dun sa room na tinuro nung nurse. Lahat sila nakayuko at tinatakpan ang muka gamit ang mga kamay nila kaya lalo akong kinabahan.

Ethan's POV

Umiinit yung ulo ko sa kakornyhan ni Chase! Pati ako nasali at isa pa ako sa main cast! Nakng! Kung hindi lang talaga ako pinagbantaan ni Elle, hindi ko gagawin to.

>>Flashback<<

Nagda-date kami ni Elle sa amusement park dahil nga Valentines day ngayon. Kung ano anong pinapagawa sakin! Gusto niyang kuhanan ko siya ng teddy bear na malaki e samantalang pwede ko naman siyang bilhan nalang, bakit kailangan pang pahirapan ako.

"Hindi ka makakatabi sakin kahit kelan kapag hindi mo kinuha yon!" Galit na galit na pagkasabi niya at mukang seryoso siya! Napaka-galing talaga mamblackmail neto.

"Elle naman!"

"Ah basta! Di ka na magkakaron ng anak!"

"Elle!"

"Teddy be---teka lang may tumatawag"

Kung sino man yung asungot na yun, papatayin ko siya mamaya sa pagsisira ng date namin! Ay hindi, paparusahan nalang pala kasi niligtas niya yung kinabukasan ng mga magiging anak namin.

At talaga namang lumayo pa sakin si Elle para kausapin yung asungot na yun! Kapag lalapit ako, ipapakita niya yung kamao niya sakin at kilig na kilig pa siya sa kausap niya. Langya! Sakin lang dapat siya kinikilig e!

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon