Chapter 49- Wishes

70.3K 784 111
                                    

Ethan's POV

"We've done everything we can do pero wala nang talab ang pagche-chemo sa pasyente." Napayuko nalang ako sa sinabi ng doctor

"Ibigay niyo na lahat ng gusto ng pasyente. Ibigay niyo na lahat ng bagay, pagkain o ano man yan. Ibigay niyo na lahat ng pakapagpapasaya sa mga huling araw niya." Tinap nung doctor yung balikat ko at iniwan akong mag-isa na nakatayo sa hallway ng hospital.

Eto na ba yung point na...

Kailangan na naming sumuko...

At tanggapin ang lahat ng mangyayari...

Tinawagan ko ang barkada para sabihin sa kanila ang plano at kung anong gagawin....

Pumasok ako sa kwarto ni Elle at tinitigan siya mula sa plastic na naka-harang sa kanya. Habang nakatitig ako sa kanya, may tumulong luha na galing sa kanyang mga mata habang natutulog.

Sobrang nahihirapan na ba siya?

Na pati sa pagtulog ay lumuluha siya...

Elle's POV

"Elle." Nasa heaven na ba ako? Bakit may nang-yuyugyog sakin? Kung nasa hospital ako, bawal akong lapitan. Shemay! Baka nasa heaven na nga talaga ako.

O.-

-.O

O.O

Pagkamulat ko ng mata ko, si Ethan na naka-ngiti ng sobrang lapad ang tumambad sakin.

W-wait!

Nasa tabi ko siya!

"You crossed over the line." Sabi ko sa kanya

"Oks lang yun." Nag-thumbs up pa siya. Pinakitaan ko lang siya ng nalilitong mukha.

*clap clap*

Biglang pumasok si Mommy na may dala-dalang..

RED VELVET CUPCAKE!

Pero ang saklap...

Alam kong bawal ako diyan. -_____-

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Ayaw mo ba?" Tanong sakin ni Ethan habang hawak hawak ang baba ko.

"Gusto ko, pero nangiinis ka ba talaga? Bawal ako diyan e. *pout*"

"Pwede ka dito. Tinanong ko sa doctor! Say ahhh."

Iba na yung pagsasalita ni Ethan...

Parang pinipilit niya nalang maging masaya...

Parang may dapat akong malaman...

"AHHHHH!" Sinubo niya sakin yung cupcake pero siyempre hindi buong buo

Napatingin ako kay mommy kasi habang nakatingin siya samin ni Ethan ay may tumutulong luha galing sa kanya.

"Bakit ka umiiyak, ma?" Sabi ko habang ngumunguya.

"Ahh, wala anak. Napuwing lang ako." Sobrang benta nitong palusot na to. Kahit ako ginagawa ko yan e.

Bakit kaya?

Malapit na siguro akong mamatay...

Narararamdaman ko yun....

Hirap na hirap na nga ako e...

Gusto ko ng magpahinga...

Tumango nalang ako at ngumiti ng pilit dahil alam kong may problema sila. Problema na tungkol sa akin..

Nang maubos ko na yung red velvet cake, pumalakpak nanaman si Ethan at pumasok si Jaime na may dala-dalang chocolate cake. Pagka-ubos ko nun, pumalakpak nanaman siya at pumasok si Blaze na may dala-dalang blueberry cheesecake. Pagkatapos nun, pumalakpak nanaman ang gwapong nilalang na katabi ko at pumasok si Charmaine na may dala-dalang banana split. Shemay! Bakit ganto? Hindi ko mapigilan ang sarili kong kumain. Alam kong bawal sakin tong mga pagkain na to pero hindi naman ako pinipigilan ni Ethan na kumain, sinusubuan niya pa nga ako e. Pagkatapos ng banana split...

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon