Chapter 25- Day 4

80K 808 35
                                    

Day 4

Elle's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Jaime at pinuntahan niya ako dito sa bahay ng sobrang aga. Mga 6 o'clock. Duh? Gigising palang ata ako ng ganung oras. -_______-

"Hoy babae, bakit kaba pumunta dito? Namiss mo ba ako masyado kaya hindi mo na nahintay yung pagkikita natin sa school?" Magkikita din naman kasi kami, binulabog pa ang pagiging sleeping beauty ko.

"Oo nalang ako." Matinong kausap. -____-

"Alam mo ba yung six andito kana?" Sabi ko habang nagsusuklay

*tango then irap*

"Tara na nga!" 6:45 nadin kasi.

"Maya-maya na. Tinatamad pa ako." Bigla siyang pumunta sa kama ko at biglang humiga

"HOOOOOY! Malalate na tayo. Aber."

"Wag kang mag-malinis Elle. Parang hindi ka naman sanay na nala-late? Araw araw ata late ka."

"Ouch! Aray! Tagos! Ouch! Wag mo na ngang pagdukdukan sakin." Asar to. Pinapahiya ako. >.<

"Tahimik! Ang ingay!" Reklamo niya

"WOW HA?! Bahay mo to?"

"Sinabi ko?"

"K. Wala kang sinabi. Alis na kasi tayo!"

"Atat much? 7:15 palang. Maaga pa."

"Sige na nga, papalitan ko muna tong bag ko. Parang ang luma na nitong gucci na to. Sa tingin mo?"

"Oo nga, mukhang patapon na. Gano katagal mo nabang gamit yan?"

"1 week."

"Palitan mo na."

"Sabi ko nga, etong bagong padala nalang ni mommy na Louis Viutton."

After 15 minutes...

"DONE! Ano? Di paba tayo aalis?" Tanong ko sa kanya, Aba! 7:30 na.

*beep beep* Biglang may nag-text kay Jaime

"Tara na! Tara na!" Bigla niya akong hinila papunta sa Montero ko.

"Teka lang! Tinatamad ako mag-drive. Yung family car nalang namin yung gamitin natin, papa-drive tayo kay Manong."

"Bilis bilisan mo."

"Fine. Manooooong!" Pagtawag ko kay Manong

"Bakit po Princess?"

"Pag-drive mo naman kami papuntang school."

"Ano pong gagamitin na kotse?"

"Yung family car nalang." Hindi ko pinapahawak kahit kanino ang mga babies ko no. ^_~

"Sige po."

Habang nasa kotse...

"Kanina ayaw mo pang umalis tapos may nagtext lang sayo bigla ka nalang manghihila at magyaya pumasok? What happened to you? Alam mo, kaibigan mo ako. Pwede mo namang sabihin sa akin kung nasisiraan ka na. Don't be shy." Sabi ko kay Jaime habang hinahagod-hagod pa yung likod niya

"Don't touch me." Sinamaan niya lang ako ng tingin tapos binatukan ako. -______-

"Whatevaaaaaaah!" Inartehan ko talaga yung pagsasalita para mainis siya sakin. HAHAHAHA!

Ethan's POV

6 o'clock palang andito na kami sa school. As usual, para ayusin na ang gagamitin para sa surprise ko kay Elle. Psh! Sabi naman sa inyo e, EFFORT KUNG EFFORT! ^____^

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon