Chapter 2- Deal

172K 2K 177
                                    

Bumaba agad ako ng kotse ko at sumandal doon tapos nagsi-babaan na sila. Oo, sila. Lima sila pero hindi pa bumababa yung nasa driver's seat so I guess, anim sila? Mga nagsisi-tawanan at naga-apiran pa paglabas ng kotse.


Nung lumabas na yung nasa driver's seat. Dali dali ko siyang nilapitan at hinarap. Magtutuos pa kami neto. Kaaga-aga, pinapainit ang ulo ko. Hindi niya ba alam na masamang badtripin ang taong pinilit lang na gumising.


"Move." Hinawakan niya ang balikat ko at tinulak ako palayo sa dinadaanan niya.

"Hey Mister, can't you read? Can't you see that someone already owns this parking slot?"

"Obviously, I can."


Tumingin siya sa mga kasama niya at tumawa pa sabay naglakad ulit palayo.Hindi na ako nakapagpigil at hinubad ko na yung heels ko. Ready for take off na siya papapunta dun sa lalaking yun. Boom! Headshot! Humarap siya sakin na may maitim na aura.


Naglakad siya pabalik sakin at kinorner ako sa may pader. Nilapit niya sakin yung mukha niyang namumula sa galit.


"Sino ka para batuhin ako?"

"Sino ka din para magpark dito sa parking space ko?"

"I'm Ethan Hernandez and no one dares to mess up with me."

"I can mess up with you and now, alisin mo na yang bulok mong kotse sa parking space ko kung ayaw mong sipain ko papuntang Mars."


Nagpalakpakan yung mga estudyanteng naka-tambay lang na para bang may pinapanood silang action movie. Napa-tss nalang siya at umiling sabay pumasok na sa kotse niya at umalis sa parking space ko.


"Sorry for Ethan's actions. I'm Chase"


Wow ang gwapo. Nakatitig siya sakin at mukhang sincere sa sorry niya. Nakangiti pa. Nakakasilaw naman 'tong nilalang na'to. Mukhang angel na bumaba sa langit.


"Miss? Hello?"

"Ah-eh. He-he-he. O-okay lang yun. I'm Elle."


Inoffer niya yung kamay niya for shake hands. Mukha namang wala siyang hidden desire, mas mukha pa nga akong may hidden desire e.


"Dude, tara na. Nakahanap na ng sarili niyang parking space si Ethan." Sabi nung isang kasama nila.


Sino kaya ang nabiktima niya? Nagwave ng hand sakin si Chase.


"Ethan! Parking space ko yun!" Sigaw ng isang nerdy sa malayo kila Ethan.

"Finders keepers, losers are shts." Sigaw pabalik ni Ethan.


In a far far away land, there's a princess whose mood is ruined just because of that stupid guy who took her parking space but in the other hand she also met a oh-so-hot-prince-charming. Kamuntik na akong mabilaukan kaka-isip kung pano ko ita-translate sa mala-fairytale na way yung nangyari sakin ngayong umaga.


-Ethan Hernandez's Point of View-

Elle. Elle. Err. She's getting into my nerves! Ang tapang niya para sagutin ako ng ganun.


"San na nga yung assigned room natin?" Tanong ni Kevin habang nagpapacute sa mga babaeng nagcu-cutting na nasa cafeteria ngayon.

"Let's ditch our classes. Badtrip na ko. Saan ba pwede?"

"Condo ko nalang, madami akong stocks ngayon dun." Tumayo na si Chase habang naglalaro padin ng iPad niya.

"Pre, alam mo bang mukhang natamaan ang parekoy nating si Chase dun sa babaeng matapang kanina. Yung mahaba yung buhok na sexy tapos matangkad. Witwiw! Chicks na chicks talaga lalo na nung sinagot ka niya. Ang cool, bro." Inalis ko ang pagkaka-akbay ni Xavier sakin.


Teka, may naisip akong paraan para makaganti.Panigurado kasing hindi magpapatalo yun kung pagtri-tripan ko lang siya,baka ako pa ang mapahiya ulit. Masyado siyang matapang para magpatalo kaya idadaan ko nalang sa laro. Larong hindi niya alam laruin. Sa larong paniguradong hindi ako matatalo


"Pre, may tanong ako."

"Ano?"

"Type mo ba yung babae kanina?"

"Bakit, pre? Pano kung oo? Na-love at first sight ata ako"


Tinapik niya ang balikat ko na mukhang tinamaan nga siya ng pana ni kupido.Nakakasuka 'tong si Chase. Parang bakla, may nalalaman pang "na-love at first sight ata ako" Anak ng--


"Ikaw?"

"Asa naman.Tsk. Nga pala, I have a deal for you. Let's court her. Kung sinong matalo, yun yung magpro-provide ng 6 months allowance para sa nanalo."

"Deal." Napangiti ako sa sagot niya.


Let the games begin. Makikita mo lang, Ms. Skandalosa, iiyak ka din nang dahil sakin. Hindi mo kilala ang binangga mo.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon