Chapter 44- Sign

66.1K 679 49
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

------------------

Isabella's POV

Yes! Sa wakas! Meron nadin akong POV. Asenso nadin ako. Hahaha!

Andito kami ngayon sa resthouse nila Kim. Bakasyon kuno daw sabi ni Elle, bakasyon pero half day lang. -_____-

"Wifey, tignan mo si Ethan kung saan nakatingin." –Blaze

Tinignan ko naman si Ethan na nasa malayo, hindi siya nakikihalubilo samin tulad ng dati, palagi siyang nakatulala at walang kibo. Nakatingin siya kila Elle at Chase na nagpupunasan ng pawis dahil sa paglalaro ng volleyball

"Alam mo hubby, tanga din tong si Ethan e. Alam niya ng masasaktan siya, titignan niya pa."

"Siyempre mahal niya yang bestfriend ko. Ewan ko ba diyan kay Elle kung anong nangyari diyan. Samantalang dati nung nasa California kami, laging si Ethan yung iniisip niya kahit magka-away sila. Hindi ko na talaga mabasa kung anong iniisip ng bestfriend ko ngayon." Umiling iling pa si Blaze

Naawa ako kay Ethan kasi mukhang umaasa pa siyang magkakaayos at babalik pa si Elle sa kanya pero mukha namang wala nang pag-asa dahil kung titignan mo si Chase at Elle, they are really madly inlove with each other.

"Hay, hayaan na nga lang natin sila Hubby. Kung sila naman talaga, ay sila talaga kahit ano pa mang mangyari. Sa ngayon, mag-ihaw muna tayo ng---"

"PENGENG HOTDOOOOOG!" Tumakbo papunta samin sila Kimberly

"Oy oy! Di pa luto. Daldal kasi ni Belle." Sabi ni Blaze

"Ako pa ah? Ikaw kaya yun!"

"Ikaw."- Blaze

"Ikaw."

"Ikaw."-Blaze

"Ikaw."

"Hay nako lovebirds! Mamaya na nga kayo magturuan diyan at tutulungan na namin kayong mag-ihaw niyan para maka-kain na tayo." –Jaime

Buong barkada ay tulong tulong nang nag-ihaw dito. Ang sarap nilang makasama, para silang isang pamilya. Thankful ako na nakilala ko sila.

"Asan si Chase at Elle?" –Xavier

"Si parekoy?" –Dylan

"Baka naghe-heart-to-heart-talk, man-to-man-talk at girl-to-girl-talk sila." –Kevin

"Dami mong alam kevin." –Kimberly

"Aba siyempre, combo ako e. Matalino na nga, pogi pa." Nag-pogi sign pa siya. -____-

"Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa isang kengkoy. Palaka ka talaga!" –Kimberly

"Baboy ka naman! Kimbaboy!"-Kevin

"Anong sinabi mo?!" Sigaw ni Kimberly. Grabe, parang uusok na yung ilong ni Kimberly sa galit.

"Kimbaboy." At sumayaw sayaw pa si Kevin ng pang-asar. Nakakatawa silang dalawa. Sila yung couple dito na mukhang magpapatayan na pero sweet pading tignan.

"PATAY KA SAKIN PALAKA KA!!!" At ayun sila, naghabulan. Mukhang magpapatayan pa ata.

Ethan's POV

Nakita kong pumunta si Elle sa may kubo at pumasok naman si Chase sa resthouse, may kukunin siguro siya. Nakaramdam ako ng konting saya nang makita ko si Elle na nagi-isa. Chance ko na siguro to na lumapit at ibigay sa kanya to.

"Elle." Tawag ko sa kanya kaya naman napalingon siya sa kinaroroonan ko.

Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng magandang ngiti pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon