Chapter 46- Dreams

67.8K 727 52
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

----------------

Ethan's POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Habang lumilipas ang araw, unti-unti ko nang nakikita na namamatay si Elle. Sobrang payat niya na, halos buto't balat na siya. Sobrang putla niya nadin na kahit mag-make up siya wala ng epekto. Unti-unti nading nalalagas yung buhok niya dahil sa pagche-chemo niya.

"Lakasan mo ang loob mo. Andito lang ako." Nakahawak ako sa kamay niya habang tinuturukan siya ng gamot. Halatang nasasaktan siya dahil sa pagpatak ng luha niya at bawat turok sa kanya lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Nung tinanong ko siya kung masakit ba.... Ang sabi niya hindi, nag-iinarte lang daw siya pero halata naman sa kanya na sobrang nasasaktan siya. Ayaw niya lang talaga mag-mukhang mahina...

"Maya maya lang, makakatulog siya. Makakaramdam siya ng konting pagkasakit ng ulo kaya kailangan niya magpahinga." Pagkasabi na pagkasabi nung doctor yun, tinignan ko agad si Elle. Nakapikit na siya pero may mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata.

"Pwede ba kitang makausap?" Kinabahan ako sa tono ng boses nung doctor kaya tumango nalang ako at lumabas kami ng kwarto.

"Tatapatin na kita... Sa nakikita ko, parang hindi tumatalab sa patient ang pagche-chemo niya pero we will do our best pero sa ngayon ibigay niyo na ang lahat na makapag-papasaya sa patient. No one knows kung anong mangyayari." Tinap ng doctor ang balikat ko at umalis na siya.

Nanlambot ako...

Hindi ko na magawang maging masaya....

"Wait doc."

"Oh bakit?"

"Pwede ko po bang ilabas si Elle mamaya pagkagising niya?"

"Sige pero.." Tumingin siya sa wrist watch niya

"5 hours lang siya pwede lumabas at wag mo siya masyadong papagudin." Tumango naman ako at dali-daling tinawagan si Rachel.

Tutal, matagal ko nadin namang pinlano to..

Calling Rachel...

Rachel: Oh bakit?"

Ako: Bantayan mo muna si Elle. May gagawin lang ako.

Rachel: Ano?

Ako: Yung matagal ko ng pinlano.

Rachel: OMG! Sakto ah.

Ako: Oo nga. Bilis-bilisan mo, pumunta ka na dito. May aayusin lang ako saglit. Ayusan mo nadin siya ha.

Rachel: Oo, eto na nga e. Nakasakay na ako ng kotse. Epal ka! Naka-pantulog pa ako. Ang aga aga, nambubulabog ka nanaman.

Ako: Hehehe! Salamat.

Nang makarating si Rachel sa hospital, agad agad na akong umalis. Kapag kasi nagpa-alam pa ako kay Elle, malamang hindi ako papayagan nun.

Elle's POV

"Elle." Lumingon ako sa pintuan at nakita ko si Rachel

"Oh? Napabisita ka?"

"Wala lang."

"Di ka man lang nagpasabi. Edi sana, nakabili si Ethan ng kakainin mo." Nakangiting sabi ko.

"Ahh." Umiwas siya ng tingin.

"Speaking of the sungit. Asan na kaya siya?" Bigla namang ngumiti ng ngiting pang aso si Rachel

"Anong ngiti yan? Nakakatakot."

"Ano ba yan! Nasa hospital ka na nga, nambabara ka padin." Nag-cross arms pa siya. Mukhang bata to si Rachel.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon