Chapter 14- GINAGAWA kasi yan

92K 931 25
  • Dedicated kay Jasmin Bernardo
                                    

-Jaime Ramos' Point of View-

Nagising ako ng maaga, hindi ko alam kung bakit. Lumabas muna ako sa villa para maglakad-lakad. Di pa naman kasi mainit. Maganda dito sa villa nila Luke. Malaki tsaka maganda yung view, tanaw yung Taal Volcano kaya masarap ang simoy ng hangin.


"AHHHHHHHHHH!" Nagunat unat ako

"Ba't ang aga mo ata?" Si Dylan

"Nagising ako ng maaga e. Ikaw? Ba't ang aga mo?"

"Trip ko lang." Tapos nag-peace sign siya, "Gusto mo mag lakad lakad muna tayo?" Pagyayaya sakin ni Dylan

"Sige, ok lang."


Tapos habang naglalakad kami, nagkwe-kwento siya tungkol sa kanilang magbabarkada. Bata palang pala sila, magkakasama na sila. Kinwento niya din kung bakit ganun ka-sungit si Ethan. Ang dami kong nalaman. Ang saya kasama ni Dylan, napaka-komportable niya kasama. Siya yata yung pinaka-masiyahin sa kanilang lahat. Siya ang pinaka-childish. Pero sabi nga nila, opposites do attract diba? Edi may pag-asa. Hahaha! Char!


Nakarating kami dun sa may garden ng villa nila Luke. Ang ganda dito, ang daming mga bulaklak. Iba ibang kulay at klase. Nakakamangha.


"Wow! Ang ganda nito. Eto pa oh! Tapos eto! Tas yun! Tapos... tapos lahat!"

"Oo nga e." Tapos hinawakan ni Dylan yung kamay ko tapos tumakbo kami sa buong garden, nilibot namin.

"Wait oy, napapagod nako." Sabi ko. E bat ba? Di naman ako sanay sa takbuhan no.

"Eto! Tara bike tayo."

"Ehh, hindi ako marunong e." Nalulungkot kong sabi

"Walang problema yun, iaangkas kita. Dito sa sumakay oh." Tapos tinuturo niya yung sa likod niya

"Diyan?" Alangan kong tanong

"Oo, wag kang mag-alala, marunong ako mag-bike. Di kita pababayaan magka-galos. Tiwala lang." Sabi niya sabay kindat

"Sige na nga!" Tapos umupo na ako dun sa likod niya.

"Humawak ka ng mabuti ah?" Sabi niya. Edi humawak ako sa damit niya

"Hindi diyan." Tapos nilagay niya yung kamay ko na parang nakayakap sa kanya, "Yan, much better." 

"Ang sarap nga hangin!" Sigaw ko, napaka lamig ng simoy ng hangin dito lalo na pag umaga, fresh na fresh.

"HAHAHAHAHAHA! Oh diba nakaka-enjoy?" Tuwang tuwa niyang sabi, "Gusto mo matuto mag-bike?" 

"Hah? Ako?" Sabay turo ko sa sarili ko

"Yup! Ikaw nga."

"Sure ka? Hindi ako fast learner e."

"Ok lang yan, matsaga naman ako e. Pag natuto ka, kakantahan kita. Dun oh!" Tinuro niya yung kubo sa di kalayuan na nasa gitna ng garden, "Pupunta tayo dun sa may kubo." 

"Sure ka? Kakantahan mo ako?" Naninigurado kong tanong baka mamaya inuuto lang ako nito

"Oo, swerte mo nga kung sakali e. Ikaw ang kauna-unahang babae na kakantahan ko, kung sakali na matuto ka." 

"Challenge accepted!" Sigaw ko


Ang hirap pala matuto mag-bike lalo na kapag matanda na. Nakakatakot kasing sumemplang at magalusan pero habang tinuturuan ako ni Dylan, kapag pasemplang na ako ay sinasalo na niya agad. Matagal-tagal din bago talaga ako nakakuha ng tamang balance.

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon