FINAL CHAPTER

78.3K 960 298
                                    

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

-------------

Ethan's POV

Have you ever liked someone with all your heart? Your head and mind are full of that person. If she smiles, you smile, and when she cries, you get teary. Just being by her side makes your life feel complete and you feel safe...

I thought our love was perfect..

It seems that destiny always finds a way to tear us apart...

Dati, ang lagi naming iniisip ay 'there's always a rainbow after the rain' pero kahit minsan hindi nasagi sa isip namin na 'there is always a tendency to rain again after the rainbow'...

Minsan na akong naniwala na meron talagang fairytale...

Pero pinaasa lang ako nito..

Totoo pala talaga na ang 'happily ever after' ay sa fairytale lang meron...

Hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay merong happily ever after ang bawat storya...

Totoo din ang promises are made to be broken...

Bakit ko nasabi?

Tried, proven and tested ko na...

May isang tao kasing nangako sakin na hindi niya ako iiwan pero hindi niya ito tinupad...

Iniwan niya akong nag-iisa at umaasa na babalik pa siya..

Umaasa akong babalik siya kahit alam ko naman sa sarili ko na kahit anong gawing iyak at dasal ko ay hindi na siya babalik...

Sampal sakin yun kasi malabong malabo ng mangyari...

Andito ako ngayon sa lugar kung saan kami naglagay ng love locks at kung saan namin sinaboy ang abo ng pinakamamahal kong babae.

7th death anniversary niya ngayon pero hanggang ngayon hindi ko padin matanggap ang lahat ng nangyari...

Na sa isang iglap lang...

Nawala na ang babaeng minamahal ko...

Pumikit ako saglit at nakita ko siya na nakatayo malayo sakin...

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin...

Didilat pa ba ako o mananatili nalang akong nakapikit at inaalala siya...

Tumakbo ako papalapit kung nasan siya at agad siyang hinawakan sa kanyang kamay pero inalis niya ito...

Masakit... Dahil kahit sa ilusyon ko ay iniiwan niya ako...

"Elle." Tumingin siya sakin. Sa loob ng 7 na taon, ngayon ko lang ulit nakita ang maamo niyang muka.

"Come with me. Still, take my hand please." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Umaasang kukunin niya ito at sasama siya sakin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gusto kong manatili nalang akong ganito kahit alam kong ilusyon lang itong lahat.

At least, kahit sa ilusyon man lang ay makasama ko ulit siya...

Nakatingin lang siya sa kamay ko. Tila nagiisip siya kung tatanggapin niya ba ito hangga't sa may tumulong luha sa kamay ko na galing sa kanya. Hanggang sa ilusyon ba naman ay napapaiyak ko padin siya? Nasasaktan padin siya?

Hinawakan niya ito gamit ang kanyang dalawang kamay pero kakaiba. Yung hawak na nagpapaalam. Yung hawak na tinatanggihan. Yung hawak na binabalik niya ito sakin.

"Masyado nang malayo ang narating natin, Ethan. Wag na tayong lumayo pa lalo." At dahan dahan niyang inalis ang mga kamay niyang nakahawak sakin.

"Bye." Tumalikod na siya at naglakad palayo sakin. Naiwan akong mag-isa at nakatulala. Kahit alam kong hindi totoo ito.. Bakit ang sakit? Bakit hanggang dito iniiwan niya ako?

A Rose between Two Thorns (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon