The CONFRONTATION

216 20 4
                                    


Merry christmas everyone😊!












*****

KAYE'S P.O.V.

Tulog na si Iya pero nasa tabi nya pa din ako. Nakakaramdam na din ako ng antok pero ayaw ko syang iwan kaya tumabi na lang ako sa kanya. Humiga ako sa tabi nya at niyakap ko sya ng dahan-dahan dahil ayaw kong magising sya.

Maayos na akong nakahiga sa tabi nya at ramdam kong malapit na akong makatulog ng biglang may narinig akong isang pamilyar na tunog. Isang nakakainis na tunog.

Napabangon ako bigla at ganun din si Iya. Nagising sya sa tunog. Alam kong ayaw nya din ng tunog na yun.

"Sasama ako." Sabi nya habang patayo na sya.

"Hindi. Dito ka lang at hindi ka aalis dito naiintindihan mo ba." Utos ko.

"Pero Kaye kailangan nyo ko." Sabi nya.

"Mas kailangan namin na gumaling ka kaya dito ka lang. Iya inuulit ko dito ka lang at huwag ng matigas ang ulo ha." Pagkasabi ko nun dumiretso na ako palabas ng kwarto nya pero napahinto ako ng bigla nya kong tawagin.

"Kaye."

Napatingin ako sa kanya.

"Mag-iingat ka." Sabi nya.

Naglakad ulit ako palapit sa kanya para yakapin at halikan sya para hindi na sya mag-alala ng sobra.

"Babalik ako ng ligtas Iya kaya huwag kang mag-alala at saka isa pa malakas na ko di ba?" Nakangiting sabi ko at tumango lang sya.

"Aalis na ko. Dito ka lang." Pagkasabi ko nun naglakad na ako palabas ng kwarto nya.

Nagmadali ako dahil kailangan kong tulungan ang iba na pigilan ang mga kalaban na makapasok sa loob ng kaharian pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin, parang gusto kong balikan si Iya at parang may nagsasabi sa akin na huwag ko syang iwan mag-isa pero kahit ganun ang nararamdaman ko isinawalang bahala ko na muna dahil mas kailangan ako ng iba ngayon. Hindi naman siguro lalabas si Iya sa kwarto nya lalo na't nanghihina sya.

Pagkarating ko kung nasaan ang mga kasama ko nakita kong nakikipaglaban na sila at gaya ng dati tumulong lang din ako. Kung dati ito ang pinakaayaw kong ginagawa sa lahat pero ngayon parang naging normal na lang 'to sa systema ko, ang lumaban para sa lahing pinoprotektahan ko at para kay Iya. Wala na akong pakialam kung may nasasaktan akong iba o kung masaktan at masugatan man ako basta ang alam ko kailangan kong lumaban.

Hindi na ako katulad ng dati na mahina at kawawa dahil walang alam sa pakikipaglaban pero dahil mahusay magturo si Iya nagbago ako. Hindi na ako yung dating kaawa-awang bata na napunta at naligaw sa isang lugar na mag-isa lang.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kaming nakikipaglaban pero ramdam ko na ang pagod ko. Halos wala na din kaming mga kalaban at nakikita kong nag-aatrasan na silang lahat. Hindi ko alam kung bakit parang naninibago ako ngayon sa mga nakakalaban ko. Mahina lang ba talaga sila o lumakas lang ako dahil hindi ako nahirapang makipaglaban sa kanila.

Tumingin ako sa paligid ko at wala na akong makitang mga kalaban at kahit mga kasamahan ko hindi ko na din makita. Hindi ko din nakita si Kael kanina kahit saglit lang. Nakakapanibago talaga bakit ganun?

"Sa wakas nagkita ulit tayo." May biglang nagsalita.

Hinanap ko sya sa paligid at may nakita akong isang lalaking palapit sa akin. Hindi ko sya masyadong makita dahil madilim at medyo malayo pa sya sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Hindi mo na ba ko natatandaan?" Tanong nya habang palapit sya ng palapit sa akin.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon