The CHARACTER

625 47 11
                                    

Hi guys!

CHILLAX. HINGA MALALIM.😁😂

Alam ko may pinagdadaanan ang Team ngayon pero... wala eh genern telege SIKAT na si SUPREMO natin kaya hayaan na lang natin silang makita yun. Smile na lang and be proud😊.

Anyways! May ishare lang ako sa inyo nakakatuwa lang kasi😁😄. Kaninang umaga kasi habang iniisip ko yung update na gagawin ko ngayon may bigla akong narinig na kanta.

Nagandahan ako kasi naisip ko lang bagay na bagay sya sa story😄. Kinikilig na naiiyak ako kanina habang pinapakinggan yung kanta kasi naiimagine ko yung buong story habang pinapatugtog yung kanta hehe.

Anyways! Ayun lang naman nashare ko lang haha alam ko di nyo ko nagegets sa ngayon kasi nga naman hindi nyo pa alam yung takbo ng story 😂😄. Inattached ko yung kanta dito sa chapter na 'to para malaman nyo kung anung kanta yun😁 at pati yung picture ng bagong kapartner ni KIKAL😊.

Okay back na sa story. As I promise another update.

Enjoy!!!!







*****

KAYE'S P.O.V.

Late na akong nagising kanina kaya sobrang nagmadali akong pumasok at nawala sa isip ko yung libro, hindi ko sya nadala wala tuloy akong magawa ngayon. Dalawang oras pa naman hihintayin ko para sa susunod kong klase.

"Kaye!" Tawag ni Jake.

"Bakit?" Tanong ko pagkalapit nya sa akin.

"Bakit nandito ka? Wala ka bang klase?" Tanong nya.

"Mamaya pa." Simpleng sagot ko.

"Wow ha ang tipid mo na ngayong sumagot. Anung nangyari sa dila mo? Umurong na ba? Teka. Nasaan na nga pala yung librong dala mo kahapon? Tapos mo na bang basahin? Pahiram naman ako parang maganda eh." Nakangising sabi nya.

"Hindi pa ako tapos." Sagot ko.

"Oh nasaan na? Bakit hindi mo dinala?" Tanong nya ulit.

"Naiwan ko nga sa bahay eh nagmamadali kasi ako kaninang pumasok." Sagot ko.

"Sayang naman wala ka tuloy ginagawa ngayon. Teka alam ko na sama ka na lang muna sa akin." Aya nya.

"Saan?" Tanong ko.

"Lalabas lang ako ng campus tatambay lang dun sa bagong coffee shop dyan sa tapat. Anu sama ka?" Tanong nya.

"Sige. Tara." Sagot ko.

Pumayag na lang din akong sumama sa kanya dahil wala din naman akong gagawin at mapaglilibangan sa loob ng dalawang oras.

"Nabalitaan mo na ba nangyari kanina?" Tanong nya habang naglalakad kami.

"Nabalitaan ang alin?" Tanong ko.

"Hindi mo alam? Anu ka ba naman usap-usapan na kanina pa sa school hindi mo pa din alam." Sabi nya imbes na sagutin ako.

"Hindi nga eh anu ba kasi yun?" Tanong ko.

"Kanina kasi merong weird na babae sa school yung palakad-lakad. Nakita ko nga din eh grabe super weird nya. Ang gara ng suot nya tapos parang kakaiba syang kumilos pero infairness naman sa kanya maganda sya." Sagot nya.

"Talaga? Taga-school ba yun?" Tanong ko.

"Feeling ko hindi eh. Hindi nga din namin alam kung bakit sya nakapasok sa loob. Pinalabas sya ng mga guard kanina ewan ko lang kung nasaan na yun ngayon." Sagot ulit nya.

"Baka naman naligaw lang yun. Anu bang itsura?" Tanong ko.

"Maganda sya ang weird nga lang ng suot nya. Alam mo yung parang prinsesang character sa mga story pero hindi naman sya totally naka-gown pero parang ganun kasi yung mga nakikita ko sa mga palabas eh." Sagot nya.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon