Introduction

913 56 28

Naranasan mo na bang makakita ng isang tao na hindi mo pa kilala pero parang nakita mo na sya noon at hindi mo lang matandaan kung saan at kung paano?

Naranasan mo na din bang mapunta sa isang sitwasyon at masabi sa sarili mong "Parang nangyari na 'to."?

Isa ka din ba sa mga taong hindi mapakali at may gustong gawin pero hindi nila alam kung anu yun at kung paano sisimulan ito?

Alam kong madami kayo, madami tayo ang nakakaranas na ng ganito.

Sabi nila kaya parang pamilyar sayo ang isang tao na ngayon mo pa lang naman nakita ay dahil kilala mo na daw talaga sya dati sa past life mo at kung bakit may mga pangyayari ngayon sa buhay mo na parang nangyari na noon sayo ay dahil ayun daw yung mga nangyari sayo noon sa unang buhay o sa unang pagkatao mo. At kung bakit hindi ka mapakali at parang may gusto kang gawin pero hindi mo alam kung anu, ayun yung mga bagay na gusto mong gawin dati na hindi mo natapos o di kaya hindi mo nagawa noon.

Ang weird di ba?

Reincarnation ang tawag ng iba dyan, sa paglipas ng panahon mamumuhay ka at mamatay at muling mabubuhay sa ibang katauhan.

Naniniwala ka ba dito o Maniniwala ka pa lang?

Maraming paniniwala at kuro-kuro ang mga tao pero alin at anu nga ba ang totoo? Anu nga ba ang dapat paniwalaan mo?

Ikaw.

Kung ikaw ang tatanungin, anu sa tingin mo?
































_____________________________________________________________________

Hi guys!!!

YES!! I'm back!! 

Another story na naman and this time gawin nating mas malalim at mas kakaiba, kakaiba as in hindi ko alam kung nangyari o nangyayari ba talaga ito sa totoong buhay hahaha.

First time kong gagawa ng FANTASY, A Modern Fantasy at sana magustuhan nyo guys.

Hindi ko alam kung short story lang ba ito o hahaba gaya ng mga nauna kong story pero sana... Hoping and praying na magustuhan nyo para mapahaba ko sya.

Keep on voting and write your comments or suggestions para malaman ko kung gusto nyo yung story at para malaman ko din kung anung gusto nyong mangyari hehehe.

THANK YOU GUYS!!!

This is it! Simulan na natin.

ENJOY!!!!!

Fall In TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!