The SWORD

455 41 28
                                    

Hi guys!

As usual late na naman ang update😢. Sorry na po ulit.

Nga pala guys gusto ko ulit magshare. Nitong mga nakaraang araw kasi parang ayaw ko ng magWATTPAD kasi parang wala ng nangyayari. Feeling ko kasi nagsasayang na lang ako ng oras ko dito wala naman akong napapala😁😂. Nakakainis mang sabihin pero totoo po yan PERO... BUT! SUBALIT DATAPWAT 😂😄😅😆.

Natuwa ako pagka-OPEN ko ng wattpad ko kanina lang... SABOG ang notification ko and guess what? (TAGNA daw sa bisaya sabi sa post ni Kaye Cal😂)

Ang dami positive comments sa Two Hearts👏👏👏😍. Daming new readers at ang dami ding mga old readers ang nagbasa ulit😁 at nagvote ng bawat chapters kasi nakalimutan daw nila😂.

Ayun lang nashare ko lang. Salamat sa pagbabasa ng mahaba kong intro. Eto na basahin nyo na update ko😂.

Enjoy! Sana kiligin kayo!😂




















*****

MARIA'S P.O.V.

Maaga pa lang nagsimula na akong mag-ayos ng aking sarili. Ngayon araw na 'to magsisimula ang totoong pagsasanay namin ni Kaye. Naglalakad na ako papunta sa silid nya para gisingin sya. Kailangan maaga kami ngayon dahil may dadaanan pa kaming importanteng tao.

Habang naglalakad ako papalapit sa silid nya naalala ko na naman ang pag-uusap namin kagabi habang kumakain kaming apat. Alam kong hindi madali ang pagdadaanan naming dalawa dahil masyadong maigsi ang oras na ibinigay ng hari para sa kanya. Kulang ang isang linggo para masabi kong handa na sya.

Ayaw kong sumugal sa kanya dahil alam kong hindi nya kakayaning harapin si Marcus na higit na mas malakas kaysa sa akin. Nakita na nya kung anung nangyayari sa amin sa tuwing lumulusob ang mga kawal ni Marcus pero nagulat ako na hindi ko man lang sya nakitaan ng takot at pag-aalala. Mas inisip nya pa yung kapakanan ko na mas lalong nagbigay sa akin ng pangamba.

Ayaw kong maging malapit kaming dalawa pero sa sitwasyon naming dalawa mukhang malabong mangyari yun. Itinuturing nya na akong isang malapit at importanteng tao na ayaw nyang masaktan at mawala sa kanya.

"Magandang umaga!" Nagulat ako sa pasigaw na pagbati nya. Nakalabas na agad sya ng silid nya bago pa ako makalapit.

"Magandang umaga. Ang aga mo hindi naman halatang nasasabik kang masyado sa araw na 'to." Sabi ko.

"Oo kasi pakiramdam ko may magandang mangyayari ngayong araw na 'to." Nakangiting sabi nya.

"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun. Tara na para makakain na tayo." Aya ko sabay lakad na palayo sa kanya.

"Anung gagawin natin ngayon? Ganun pa din ba katulad kahapon o may iba tayong gagawin?" Tanong nya habang sumusunod sa akin.

"Marami tayong gagawin ngayon." Sagot ko.

"Gaya ng?" Tanong nya.

"May dadaanan muna tayo bago tayo umakyat sa bundok." Sagot ko.

"May dadaanan? Sinu?" Tanong nya.

"Malalaman mo din mamaya. Kumain na muna tayo." Sagot ko sabay upo sa tapat ng hapag kainan.

"Nasaan sila?" Tanong nya.

"Kung ang tinutukoy mo ay ang hari at si Kael parehas silang nasa pagamutan. Binisita ng hari ang mga sugatan at hanggang ngayon nandoon pa din si Kael." Sagot ko. Nagsimula na kaming kumain.

"Matatagalan pa ba paggaling nya? Masyado bang malaki sugat nya?" Tanong nya.

"Malaki man o maliit ang sugat nya alam kong gusto ng bumalik ni Kael sa pagsasanay pero hindi nya magawa dahil may pumipigil sa kanya." Sagot ko.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon