The REVELATION

320 25 15
                                    


KAYE'S P.O.V.

Ilang beses na akong kumatok sa kwarto ni Iya at ang tagal kong naghintay sa paglabas nya pero ayaw nya talaga akong kausapin kaya dumiretso ako sa silid ng hari para sya na mismo ang tanungin sa mga nangyari.

"Kaye pasok ka pinapunta ka ba ni Iya dito?" Tanong nya.

"Hindi, nagkusa akong pumunta dito dahil gusto kong malaman kung anong ginawa mo kay Iya." Sagot ko.

"Ginawa ko? Wala akong ginagawa kay Iya. Bakit?" Tanong nya.

"Lumabas sya dito ng may mga sugat kaya imposibleng wala kayong ginawa sa kanya." Galit na sabi ko.

"Sugat? Anong--" Napahinto sya sa pagsasalita.

"Oo may sugat sya sa mukha at braso nya." Sabi ko.

"Nasaan sya?" Tanong nya.

"Tumakbo sya papasok ng kwarto nya. Kumakatok ako pero ayaw nya akong pansinin. Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko.

"Hindi ko alam pero siguro may mga sugat lang sya na dumugo ulit." Sagot nya.

"Pero magaling na sya at wala na akong nakitang sugat sa kanya kanina lalong lalo na sa mukha nya. Halatang sariwa pa yung sugat na yun kaya imposible yang sinasabi mo." Sabi ko.

"Kaye wala akong ginawa kay Iya nag-usap lang kaming dalawa kanina." Sabi nya.

"Pero bakit nagkasugat sya?! Ano yun sasaktan nyang mag-isa yung sarili nya?" Galit na tanong ko.

"Walang bisa ang lunas." Mahinang sabi nya.

"Lunas? Bisa? Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Wala. Mabuti pang bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga ako na lang ang bahalang tumingin kay Iya." Sagot nya.

"May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" Tanong ko.

"Kaye lahat ng dapat mong malaman alam mo na kaya inuutusan kitang magpahinga na dahil malapit na ulit ang susunod na pag-alis ninyo." Utos nya.

"Hindi na ako sasama dito na lang ako babantayan ko si Iya." Sabi ko.

"Hindi pwede. Kailangan mong sumama sa kanila." Sabi nya.

"Bakit hindi pwede? Bakit ba kailangan ko pang samahan sila Kael eh kaya naman nilang gawin ang misyon ng wala ako." Sabi ko.

"Alam kong iniisip mo si Iya pero kailangan mong matutunan ang mga ganitong bagay. Kailangan mong masanay na wala si Iya sa tabi mo. Kailangan mong madiskubre ang ibang bagay na wala si Iya. Alam kong nasanay kang kasama sya pero kailangan mo 'tong gawin para sa sarili mo." Sabi nya.

"Hindi ako sasama." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." Sabi nya pero hindi ko na sya pinansin.

Pumunta na lang ulit ako sa kwarto ni Iya pero habang papunta ako sa kwarto nya may nakita akong tumtakbo palabas ng palasyo. Sinundan ko agad yung tumatakbo at nakita kong sumakay sya sa kabayo ni Iya. Teka! Si Iya? Si Iya yun! Saan sya pupunta?

Nagmadali akong sumunod sa kanya pero sinigurado kong malayo ako sa kanya para hindi nya mapansin ang pagsunod ko. Gusto kong malaman kung saan sya pupunta dahil mukhang importante ang pupuntahan nya  dahil nakakapa pa sya sa papunta doon. Ayaw nya sigurong may makakilala sa kanya.

Nakakalayo na kami ng mapansin ko kung saan papunta si Iya. Madilim ang daan pero hindi ako pwedeng magkamali natatandaan ko kung saan 'to dito ako nagpunta noon. Papunta sya sa dagat pero parang hindi lang sya sa dagat papunta.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon