The SNITCH

352 37 14
                                    

MARIA'S P.O.V.

"Nesa!" Sigaw ko habang tinutulungan ko si Kaye sa paglalakad.

"Nesa!" Sigaw ko ulit habang kumakatok sa pintuan ng bahay ni Nesa.

"Wag kang sumigaw. Tulog na mga tao sa paligid at saka okay lang ako kaya ko naman eh." Sabi ni Kaye.

"Hindi mo kaya." Madiin na sabi ko.

"Kaya ko nga at saka wag ka ng maingay hindi nila pwedeng malaman 'tong nangyari sa atin." Sabi nya.

Napatingin lang ako kanya at biglang napaisip. Tama sya. Hindi nila pwedeng malaman nangyari sa aming dalawa dahil sigurado akong parehas kaming mapaparusahan dahil sa pagsuway sa utos ng hari.

"Iya? Kaye? Anung ginagawa nyo dito?" Tanong ni Nesa pagkabukas nya ng pinto ng bahay nya.

"Kailangan ka namin Nesa." Sagot ko.

"Bakit? Anung nangyari? At saka bakit ganyan ang itsura nyong dalawa?" Tanong nya imbes na papasukin na kami.

"May sugat sya kaya kailangan nya ng magamot kaagad." Sabi ko.

"Sugat?! Bakit? Anu bang nangyari sa inyo?" Gulat na tanong ni Nesa.

"Mamaya ko na ipapaliwanag papasukin mo na muna kami bago pa may makakita sa amin." Sagot ko.

"Sige pumasok na kayo. Ihiga mo na muna sya kukunin ko lang mga gamit ko." Utos ni Nesa.

Hindi na ko nagsalita at tinulungan ko na lang si Kaye na pumasok na sa loob. Pinahiga ko sya agad sa higaan ni Nesa at saka tinulungan si Nesa sa mga gamit nya.

"Anu bang nangyari sa inyo at puro sugat kayo?" Tanong ni Nesa habang nagsisimula na syang ayusin yung mga gamit nya.

Hindi ko alam kung anung isasagot ko sa kanya. Hindi nya pwedeng malaman kung anung nangyari sa aming dalawa ni Kaye.

"Iya?" Tawag ni Nesa. Hinihintay nya na sumagot ako.

"Wala. Nagsanay lang kami at nasugatan ko sya." Pagsisinungaling ko.

"Hindi ako naniniwala sayo." Sabi nya pagkatingin nya sa sobrang laking sugat ni Kaye sa likuran.

"Gamutin mo na lang sya. Wag ka ng magtanong kung hindi ka din naman maniniwala sa sagot ko." Naiinis na sabi ko.

Hindi na sya nagsalita at nag-umpisa ng gamutin si Kaye. Halata sa itsura ni Kaye na sasaktan sya sa ginagawa ni Nesa.

"Aray! Dahan-dahan lang!" Sigaw ni Kaye.

"Tiisin mo lang. Masyadong malaki ang sugat mo kaya makakaramdam ka talaga ng sakit." Sabi ni Nesa sabay tingin sa akin.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya at sinimulan ko na ding linisin yung mga sugat ko.

"Wala na sanang makaalam nito Nesa." Pakiusap ko.

"Ang alin ang hindi nila dapat malaman Iya? Ang pagkakaroon nya ng malaking sugat na gawa mo o ang pagpunta nyo sa ipinagbabawal na lugar?" Tanong nya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." Pagmamaang-maangan ko.

"Kahit hindi mo sabihin alam kong hindi ikaw ang may gawa nito sa kanya kaya sabihin mo na yung totoo Iya." Sabi nya.

"Oo tama ka nagpunta nga kami ni Iya doon." Sabat ni Kaye.

Napatingin kami sa kanya.

"Pero walang kasalanan si Iya. Ako lang talaga nagpumilit na pumunta dun." Dugtong ni Kaye.

Hindi na nakapagsalita si Nesa napabugtong hininga na lang sya at tinapos na ang paggamot sa sugat ni Kaye.

Hinintay ko lang na matapos sila. Sana lang gumaling agad ang sugat nya dahil malaking abala ito sa pagsasanay nya.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon