The STORY

640 51 2
                                    

KAYE'S P.O.V.

"Whoow Bro! Kailan ka pa nahilig magbasa ng mga libro? Nahawaan ka na ba ng kapatid mo?" Mapang-asar na tanong ni Jake.

"Sira. Hindi no! Binigay lang sa akin 'to." Sagot ko.

"Binigay sayo? Nino? Patingin nga." Sabi nya sabay hawak ng libro sa kamay ko pero hindi ko binigay sa kanya.

"Wag na! Baka masira mo pa eh." Sabi ko sabay tago ng libro sa likuran ko.

"Titignan ko lang eh. Teka. Siguro babae nagbigay sayo nyan noh kaya ingat na ingat ka. Sinu yan ha? Chicks ba?" Nakangising tanong nya.

"Oo babae pero hindi chicks. Sige na una na ko sayo magbabasa pa ko." Sabi ko sabay lakad na palayo sa kanya.

Narinig kong nagsasalita at isinisigaw ni Jake yung pangalan ko pero hindi ko na sya pinansin.

Nagmadali na akong naglakad papunta sa LRT station para makauwi na dahil gusto ko na talagang magbasa. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng excitement basahin 'tong libro na 'to.

Sayang lang talaga kanina dahil nawalan ako ng time basahin sya dahil sa nakakainis na Prof ko na nag-extend pa ng oras nya sa klase.

Habang naglalakad ako sinadya ko talagang dumaan doon sa pwesto nung matandang babae na nagbigay sa akin ng libro para makapagpasalamat at magdala ng pagkain sa kanya pero sa kasamaan palad wala na sya sa pwesto nya.

"Nasaan na kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahanap sya sa paligid dahil baka lumipat lang sya.

Ilang minuto ng lumipas hindi ko na talaga sya makita baka nga talagang umalis na sya dito kaya naglakad na lang ulit ako at ibinagay sa ibang pulubi yung dala kong pagkain.

Pagkauwi ko pumasok na agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit ko. Pagkatapos ko humiga na agad ako sa kama ko at sinimulan ng basahin ulit yung libro.
























Hingal na hingal na tumatakbo si Maria. Halos isang oras na syang tumatakbo at wala pa syang pahinga. Nararamdaman nya na yung pagod kaya unti-unti na syang bumabagal pero kahit ganun pa man nagpatuloy pa din sya sa paglalakad hanggang sa tuluyan na syang napahinto at nawalan ng malay.

Hindi alam ni Maria na nakapasok na sya sa nasasakupan ng kabilang  kaharian. Nakita sya ng mga taong tinutukoy ni Anna na naghihintay sa pagdating nya. Nagmadali silang kinuha si Maria at dinala sa kaharian nila.

Hindi madali para sa kanila ang pagkatiwalaan si Maria dahil alam nilang kapatid ito ni Marcus, ang mortal nilang kalaban pero dahil na din sa utos ng kanilang hari ay napilitan silang tanggapin at patuluyin sa kanilang kaharian si Maria.

"Gising na sya!" Sigaw ng nagbabantay kay Maria.

Nagising si Maria sa loob ng isang silid na napapaligiran ng mga rehas. Nakatali ang kanyang mga kamay na para bang isa syang preso na nakagawa ng isang malaking kasalanan.

"Sinu kayo? Bakit nakatali ako? Pakawalan nyo ako!" Sigaw ni Maria habang pinipilit nyang tanggalin ang mga tali sa kamay nya.

"Tumigil ka!" Sigaw ng isang matipunong lalaki sa kanya.

"Kael hayaan mo sya. Pakawalan nyo sya. Hindi sya preso para ikulong nyo. Bisita ko sya." Utos ng hari sa kanila.

Agad-agad naman nilang pinakawalan si Maria at inimbitahan ito ng hari para sabayan sya sa pagkain.

Masama ang tingin ng mga tao sa paligid kay Maria. Ramdam ni Maria ang galit nila sa kanya dahil sa kagagawan ng kanyang Ama at Kapatid.

"Ikaw ang hari nila. Natutuwa ako at nakilala kita. Nandito ako para tulungan kayo." Sabi ni Maria sa hari.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon