The LABO SONG

405 36 15
                                    

The LABO SONG!☝️🤓

Sinu nakinig at kinilig kanina??? Taas paa hahaha. At dahil ma-LABO ang usapan ngayon.. ibabagay ko ang update kong ito kaya asahan nyong ma-LABO 'to di nyo 'to maiintindihan😂🤣😃😄.

Okay back na sa story!!!

Enjoy!!!!



*****

KAYE'S P.O.V.

Umaga na pero hindi pa din ako bumabangon. Wala akong balak sumama sa pagsasanay ngayon dahil masakit pa din yung katawan ko pati na yung sugat ko at isa pa hindi ko din gusto yung bagong tagapagsanay ko.

Hindi na si Iya ang magtuturo sa akin at aaminin ko nalungkot ako nung sinabi nya yun. Oo nagalit ako sa kanya pero hindi ko naman gustong huminto sya sa pagtuturo sa akin. Ayaw kong palitan sya ni Kael dahil unang una sa lahat hindi ko sya gusto. Alam kong malakas sya pero si Iya pa din talaga ang gusto ko.

Nalulungkot pa din ako sa tuwing naalala ko mga nangyari kahapon at kung paanu ako nagmukhang kawawa sa harapan nilang lahat. Natalo ako ng madayang Simon na yun. Sobrang dumi nyang lumaban at hindi na ako magtataka kung saan nya natutunan yun. Kung wala lang siguro akong sugat malamang natalo ko sya pero wala eh si Iya na din nagpamukha sa akin na talunan ako at mahina ako.

Ayaw ko pa talagang tumayo maiintindihan naman siguro nila kung di na muna ako sasama sa kanila para magsanay. Pumikit na lang muna ako para bumalik sa pagtulog pero lumipas na ang ilang oras hindi na ako makatulog lalo na't naiisip ko si Iya. Anu kayang sinabi sa kanya ng hari? Napagalitan kaya sya kaya tinanggal na sya bilang tagapagsanay ko? Kahit galit ako sa kanya nag-aalala pa din ako. Alam ko naman na kaya nya nagawa yung kahapon ay dahil nag-aalala lang sya sa kalagayan ko.

Tumayo na lang ako dahil kahit anung gawin ko hindi na ako makatulog. Lumabas ako ng kwarto ko at gaya ng inaasahan ko wala na lahat ng tao sa palasyo pero na lang sa hari. Nakita ko syang nakatayo sa malayo at parang may malalim na iniisip.

"Magandang umaga." Bati ko. Napatingin sya sa akin.

"Magandang umaga Kaye. Kamusta ang iyong pakiramdam?" Tanong nya.

"Medyo maayos na pero masakit pa din yung sugat ko." Sagot ko.

"Mabuti naman at maayos ka na." Nakangiting sabi nya sabay iwas ulit ng tingin sa akin.

"Nasaan sila?" Tanong ko kahit alam ko naman yung sagot.

"Nagsasanay." Simpleng sagot nya.

"Eh si.... si Iya?" Tanong ko. Napatingin sya sa akin.

"Kanina ko pa sya hindi nakikita." Sagot nya.

"Baka naman tulog pa?" Patanong na sabi ko dahil hindi ako sigurado sa sinabi ko imposible kasing tulog pa sya.

"Maaga daw syang umalis kanina sabi ng nakakita sa kanya." Sabi nya.

"Saan daw nagpunta?" Tanong ko.

"Hindi ko alam pero kung nasaan man sya alam kong babalik din sya." Sagot nya.

"Hahanapin ko na lang sya." Sabi ko.

"Wag na mas makakabuti kung magpahinga ka na lang. Kilala ko si Iya babalik din sya mamaya kaya wag ka ng mag-alala." Sabi nya.

Hindi na ako nagsalita. Sigurado naman akong babalik sya pero iniisip ko lang baka bumalik na naman sya dun sa bundok na yun at baka mamaya may mga kalaban na naman doon na makakita sa kanya.

"May nasabi na ba sayo si Iya tungkol sa pagsasanay nyong dalawa?" Tanong nya.

"Meron." Simpleng sagot ko.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon