The TRIAL

280 23 12
                                    

Author's Note muna ako ha.

Sorry nakalimutan kong mag-ctto dun sa picture na inaattached ko sa last update ko. Thanks sa picture annakaye926 😊.

And thanks din sa picture na inaattached ko ngayon sa chapter na 'to grabe kakatuwa yung pagkakaedit kay Kaye Cal😄😊. Inedit ko lang yung background para sakto sa story hehe. Thanks sa gwapong si PrinsipeJadie 😂.

Hi din pala kay anaid22kaye na nagpasmile sa akin dahil sa sweet nyang comment😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hi din pala kay anaid22kaye na nagpasmile sa akin dahil sa sweet nyang comment😊.

Okay game! Enjoy!













*****


MARIA'S P.O.V.

"Bakit ba sobrang tigas ng ulo mo Adam? Hindi ba't ang sabi ko sayo ay manatili ka sa pagamutan!" Galit na sabi ko pagkarating ko sa bahay nya.

Hindi nya ako inimik at nagpatuloy lang sya sa ginagawa nyang paglilinis ng bahay nya.

"Adam tara na bumalik na tayo." Sabi ko pero hindi pa din sya nagsasalita.

"Adam ano ba?! Gusto mo ba talagang sapilitan kitang hilain pabalik?" Naiinis na tanong ko.

"Umalis ka na Iya hindi ako sasama sayo." Sabi nya.

"Huwag mo na kong pahirapan Adam nakikiusap ako kailangan kong bumalik agad sa palasyo dahil gusto kong makausap si Kaye kahit saglit lang bago sila umalis." Pakiusap ko.

"Huwag mo na akong intindihin Maria unahin mo na si Kaye dahil mukhang matatagalan ang pagbabalik nya." Sabi nya.

"Pero Adam hindi kita dapat iwan dito kaya nakikiusap ako sumama ka na pabalik sa akin o di kaya samahan mo lang ako saglit pabalik sa palasyo bago tayo mag-usap tungkol dito. Nakikiusap ako Adam kahit saglit lang ayaw kong malagay sa alanganin ang buhay mo lalo na ngayon na malakas ang hinala ko na gusto ka talagang patayin ng espiya." Sabi ko at napahinto sya bigla sa ginagawa nya. Tumingin sya sa akin at lumapit.

"Maria hindi dapat ako ang binabantayan mo. Mas importante ang taong palihim nilang kukunin sayo. Umalis ka na bago pa mahuli ang lahat." Sabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Aalis sya at mawawala ng ilang araw hindi ba?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Adam hindi kita kayang iwan dito." Sagot ko.

"Maria inuulit ko hindi ako ang dapat mong protektahan, si Kaye. Umalis ka na dito." Sabi nya ulit.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon