The PAST

300 28 24
                                    

And here I am again!

Nasa YT na nga pala ang official music video ng The Labo Song. Super trending ang petmalu na video na ito dahil sobrang nasaktan sila😂 (kayo lang wag nyo kong isama masaya ako😂) Sobrang swerte ni Ate mong girl kasi haha. Panuorin nyo ng panuorin para mamanhid yang mga puso nyo sa sakit at para makadagdag kayo sa views. Kaya ako nag-aattached ng mga video ni Kikal dito para makadagdag sa mga views kaya panuorin nyo hindi yan pang display lang😂.

Anyways. Mag-update ulit ako dahil mahirap kayong bitinin kasi ang ganda na ng mangyayari sa story. May kilig at aminan na mangyayari! Abangan!😂🤣😃😄 #spoilersiauthor

Enjoy mga KIYA KIYA Pembarya😂.















*****

MARIA'S P.O.V.

Alam nya na at nangyari na ang kinatatakutan ko. Nakita nya si Ama at ang masakit pa dito hindi ko man lang nakausap si Ama at iniwan ko lang sya sa ganung kalagayan.

Nasaktan ako sa mga narinig ko kanina mula kay Kaye at sa mga sinabi ng hari. Narinig ko lahat ng pinag-usapan nila. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito gaya ng kagustuhan ni Kaye na gawin na ang misyon nya.

Kung pwede ko lang sanang aminin sa kanya na ako si Maria at patayin nya na ako para matapos na lahat pero hindi ko kaya dahil hindi ganun kadaling tanggapin yung kamatayan ko.

Gusto ko pang mabuhay at mamuhay ng normal gaya ng iba pero hindi ko na magagawa yun dahil ipinangak na akong bitbit ang sumpang ito. Nakatadhanang mamatay ako sa kamay ng taong pinoprotektahan ko ngayon.

Kung kumampi at pumayag lang ako sa kagustuhan ng kapatid ko alam kong hindi mangyayari ang lahat ng ito sa akin. Hindi ako mahihirapan ng ganito pero hindi ko din kayang makitang mahirapan ang lahat ng taong wala naman ginawang kasalanan.

Ayaw kong pumanig sa kasamaan ng kapatid ko. Pinalaki ako sa paniniwalang kailangan silang sugpuin pero hindi ayun ang paniniwalang gusto ng puso ko. Mabuti akong tao at puro kabutihan lang ang dapat kong gawin.

Buong gabi akong gising kakaisip kay Ama at sa kakaisip ng dapat kong gawin kay Kaye. Alam kong sya na naman ang makakasama ko buong araw simula bukas at hindi na madaling gawin yun para sa akin dahil kailangan kong ipakita sa kanya na wala lang lahat para sa akin ang nangyari sa amin ngayon.

Umaga na pero gising pa din ako at ilang oras na lang pasikat na ang araw. Pinilit kong makatulog pero hindi pa din ako inaantok kaya bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto ko. Maglalakad na lang muna ako sa palasyo.

Pagkalabas ko ng kwarto ko umupo muna ako sa upuan kung saan tanaw ang hardin ng palasyo. Naalala ko bigla si Anna. Mahilig sya sa mga bulaklak kaya tuwing umaga sinisigurado nyang may sariwang bulaklak sa akin kwarto. Sigurado akong sa kanya 'tong hardin na nakikita ko ngayon.

"Bakit ang aga mong magising?" Nagulat ako sa boses na narinig ko.

"Hindi ako makatulog. Ikaw bakit gising ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Parehas tayo." Sagot nya sabay upo sa tabi ko.

"Malapit ng sumikat yung araw matulog ka na." Utos ko.

"Hindi na maaga din akong aalis mamaya para samahan yung mga bata." Sabi nya.

"Sasamahan na kita." Sabi ko.

"Talaga sasama ka na? Himala." Nakangising sabi nya.

"Oo baka kasi kung saan-saan ka na naman magpunta." Sabi ko.

"Lahat naman ng gusto kong puntahan bawal." Sabi nya.

"Pumunta ka na kung saan mo gusto pero wag sa malayo dahil delikado para sayo." Sabi ko.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon