The JEALOUS GUY

354 30 12
                                    

MARIA'S P.O.V.

"Iya? Bakit ang aga mo?" Tanong ni Lory habang papasok ako sa bahay nila.

Maaga akong umalis ng palasyo ng wala man lang nakakaalam at hindi ako nagpaalam kahit kanino.

"Wala lang gusto ko lang makita ka." Sagot ko.

"Talaga? Nakakapagtaka naman yata naisip mo ko bigla. Wala ba kayong pupuntahan ni Kaye ngayon?" Tanong nya.

"Wala." Mabilis na sagot ko.

"Hindi kayo magsasanay? Sa pagkakaalam ko di ba dapat binabantayan mo sya?" Tanong nya.

"Oo pero..." Hindi ko alam sasabihin ko. Sa totoo lang kaya ako umalis ng maaga sa palasyo dahil ayaw ko munang makita si Kaye dahil sa mga nangyari kagabi.

"Pero?" Tanong ni Lory.

"Mamaya na lang gusto ko munang pumunta dito." Sagot ko.

"Gusto mo ba talagang pumunta dito o gusto mo syang iwasan?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Ano bang sinasabi mo? Bakit ko naman sya iiwasan?" Tanong ko.

"Nabanggit kasi nya sa akin na iniiwasan mo daw sya." Sagot nya.

"Nasabi nya yun?" Tanong ko.

"Oo nasabi nya lang sa akin pero bakit nga ba talaga nandito ka? Ano bang problema?" Tanong nya.

Napatingin lang ako sa kanya. Napapaisip ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya para mailabas ko kung anung nararamdaman ko simula pa kagabi. Baka sakaling matulungan nya ako at mabigyan ng payo pero kapag sinabi ko sa kanya para ko na ding sinabi kung anong sikreto naming dalawa ni Kaye.

"Iya? Ayos ka lang?" Tanong nya ng hindi na ako nagsalita.

"Ayos lang ako. Nasaan si Lucas?" Iniba ko na lang agad yung usapan.

"Maaga syang umalis ngayon may pupuntahan kasi sila." Sagot nya.

"Pupuntahan?" Tanong ko.

"Oo at ang pagkakaalam ko kasama nya sila Kael at iba pang mandirigma para maghanap ng mga armas." Sagot nya.

"Ano? Si Kael?!" Gulat na tanong ko.

"Oo bakit?" Tanong nya.

"Kung kasama sya sinong nagbabantay kay Adam ngayon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam baka si Nesa at saka isa pa hindi naman na kailangan pangbantayan ni Kael si Adam dahil nandun naman si Nesa para gamutin sya." Sagot nya.

"Hindi! Hindi nya dapat iniwan si Adam ng wala pa ako. Mauna na ko Lory salamat." Nagmadali akong lumabas ng bahay nila at nagmadaling pumunta sa pagamutan.

Tinatawag pa ako ni Lory pero hindi ko na sya pinansin. Tumatakbo na ako ng mabilis para lang makarating ako sa pupuntahan ko at ng makarating na ako nakita ko si Nesa na tinitignan si Adam.

"Iya? Bakit parang nagmamadali ka? Anong problema?" Tanong agad ni Nesa ng makita nya kong pumasok sa loob.

"Ha? Wala. Gusto ko lang makita si Adam. Kamusta na sya?" Tanong ko.

"Sa ngayon mukha namang maayos na sya. Sana lang ay magising na sya para mas matignan ko ng maayos yung kalagayan nya." Sagot nya.

"Ganun ba. Sana nga magising na sya para naman mabawasan na yung pag-aalala ng lahat para sa kanya." Sabi ko sabay upo sa upuan sa tabi ng higaan ni Adam.

"Balita ko nga nagkakaproblema tayo ngayon sa mga armas dahil halos lahat nakuha ng mga kalaban. Nakakatakot lang isipin na baka ito pa ang maging dahilan ng paghina ng pwersa natin." Sabi ni Nesa.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon