[SAM 39: #Dare or beer II]

9 2 0
                                    

A/n: Before anything else gusto ko lang sanang mag thank you in advance sa mga nagbabasa nito ngayon. Hoping na sana madami pa ang makapagbasa nito.

By the way, this is the continuation of the last chapter.





Chapter 39|Dare or beer II





Wth! Bakit niya iyon ginawa?





Napatingin kaming lahat kay Psyche na inuubos ang isang shot glass na punong puno ng beer.





Aba! Akala niya madadala niya ako sa pagtanggap niya ng parusa na dapat na sa akin. Hindi! Bahala siya diyan malasing. Mga tao nga naman nagiging uhaw pagdating sa pag-ibig—este sa alak.





"Kuya, bakit ikaw iyong uminom? Dapat si ate grace, ano ba iyan! Andaya niyo pareho ni kuya Eros."reklamo ni Cupid sabay pout.





"D-dahil alam ko namang hindi niya gagawin iyong dare kaya ako na lang gumawa."paliwanag nito habang seryosong nakatingin pa din sa akin.





"P-pero kahit na,"




Biglang napunta sakin ang kanilang atensiyon at panay ang tingin nila sa akin lalong lalo na iyong hipong si Noemi.





"K-kahit na ano? Sige nga gawin mo nga iyong dare."





Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pansin kong kanina pa inis na inis si Noemi sa akin.




I raised my eyebrow then started smirking.





"Mukhang lasing ka na ata."




He fake a smile at nag smirk din kagaya ko.







"So, simulan mo ng paikutin ang bote."bigla niyang sabi at wala ako sa isip na kinuha iyong bote at pinaikot ito.






Parang lutang na lutang ako na parang wala ng kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko.





Ano ba kasing nangyayari?




Pare-pareho kaming nagulat ng si Psyche ang tapatan ng empty bottle. Aktong tinitigan niya ko mata sa mata. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin hanggang sa ako na iyong umiwas ng tingin.




"So, ano iyong dare mo?"tanong niya dahilan para mainis ako ng hindi ko alam.




Still, inis na inis na talaga ako sa kaniya simula pa kanina.





Calm down Grace, matatapos din ito.




Kinalma ko muna ang sarili ko bago sinimulang magsalita.






"Ibigay mo sa akin iyong shot glass na may lamang beer."



"Ha? Nababaliw ka na ba? Alam ko na ang iniisip mo kaya wag mo ng itanggi na bumabawi ka lang."malakas niyang sabi dahilan para sa akin naman tumingin silang lahat.






"It's a dare. Hindi mo ba kayang gawin iyon? So simple, imposible naman ata na hindi mo iyon kayang gawin."





"Fine."matipid niyang sabi kasabay ng pag abot niya ng shot glass sa akin.





Aktong kukunin ko na sana sa mga kamay niya iyong baso ng laking gulat ko na lamang ng kunin ito ni Patrick at agad na ininom katulad ng ginawa ni Psyche kanina.





Wth! Sasabay pa ang isang ito!




"The dare was done."sambit nito habang nagpupunas ng kaunting alak sa gilid ng labi niya.




"Akin dapat iyon Pat. Hindi mo na sana kinuha."mahinang sambit ko dahilan para mapangiti siya ng kaunti.








"Ayaw kitang malasing. Ibang klase ka kasi kapag nalalasing."







Agad kinuha ni Psyche ang bote at muling pinaikot ito at kung mamalasin nga naman na sa akin na naman tumigil iyong bote.






May mahika ba na meron sa boteng iyan at parang sinasadyang paglaruan kami ni Psyche.





He cleared his throat before he started to talk.



"I dare you to—



At bigla siyang tumigil at muling tumingin sa akin.





"What?"curious kong tanong sa kaniya.






"I dare you to hug me."





Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at laking gulat naming lahat ng biglang tumayo si Noemi at biglang nag walk out pabalik sa rest house.





But Psyche? Still, hindi niya pa din sinusundan si Noemi.





"A-ano? sabi ko na nga bang hindi mo kaya."pagbasag niya sa katahimikan.






"Lasing ka na ata pare."biglang sambit ni Patrick na ngayon ay nakatingin kay Psyche.





"L-lasing? Isang baso pa lang iyon tapos sasabihin mong lasing na agad ako! Baka ikaw!"







Pansamantalang itinigil muna namin ang laro at ako na mismo ang nagpipilit sa kanila na bumalik na sa rest house. Pinasundan namin kay Cupid si Noemi kaya naiwan na lang kaming lima dito habang nagpaiwan sina bebs at sir Eros saglit.






"Halata na sa itsura mong lasing ka na kaya kung ako sayo sundan mo si Noemi at baka magalit pa iyon sayo."mahinahong sambit ni  Patrick kay Psyche.




He smirked.






"Hindi nga ako lasing! At wala akong pakialam kung magalit man iyon sa akin!"






"Magiging asawa mo na din iyon kaya wag mong hahayaan na masaktan siya! Kaibigan ko din si Noemi."




He smirked still avoiding my gaze.





"Ano bang alam mo sa salitang masaktan? Manakit or any other term of that?"




His tone was cold and serious.





"Wala. Wala kang maisagot dahil gawain mo ata ang manakit ng damdamin ng iba."




Gulong gulo ako sa mga sinasabi niya kaya aminadong pinilit ko ng hilahin si Patrick ngunit ayaw pa nito.





"Psyche tama na!"rinig kong sambit ni sir Eros sa kapatid niya.






"Walang aalis! Maglalaro pa tayo!"pagpupumilit niya.





"Hindi na! Tama na Psyche! Bumalik ka na sa rest house para matapos na ito!"Biglang sambit ko ng manlaki ang mga mata ko ng higitin niya ako sa braso.





"Psyche, sige na bumalik ka na!"pag aalis ko ng kamay niya na nakahawak ngayon sa braso ko.





"Oo, babalik ako pangako iyan, at isa iyan sa mga katotohanang gusto kong sabihin sayo." mahinang saad niya kasunod ng pag alis niya mismo ng pagkakahawak sa braso ko.




Tinitigan na lang namin siyang naglakad palayo sa amin imbes na bumalik siya sa rest house ay mas pinili niyang pumunta sa may dalampasigan.




What's wrong with him?




What's wrong with my dear self?





Bakit biglang ganito na lang ang nararamdaman ko sa kaniya?





And I can't deny the fact that I still in love with him.





Im still in love with the stranger.

Stranger and Me Where stories live. Discover now