[SAM 24: #Walkout]

15 6 0
                                    











Chapter 24|Walkout








Nanatili akong nakaupo matapos akong pumayag sa inalok niyang lunch. Andito kami ngayon sa may Palmas restaurant na medyo malapit lang naman sa LZN company.




I can't manage to talk even to smile. Kanina pa ko nakayuko habang magkaharap kami ngayon sa iisang mesa. Kasalanan ko kung bakit medyo ramdam ko na ang sakit ng batok ko.



"What do you want to eat?"



Agad akong napaangat ng ulo ko at muli ko na namang nakita ang mga mata niya. Those cold eyes really means a lot. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawang sabihin sa akin lalo na't magkaharap kami ngayon.



"H-ha?"napangiwi kong tanong sa kanya kahit ang totoo niyan ay rinig ko naman talaga ang sinabi niya.



"Uhm, Anong gusto mong kainin?"paguulit niya sa tanong niya.



"Ah! Kahit ano."matipid kong sagot sa kanya.




"You sure?"



"I'm always sure."saad ko.




Pansin ko ang paglalagay ng waiter ng mga order namin sa mini table habang wala pa rin saming dalawa ang umiimik.



"Uhm, can I ask something?"



Agad akong natigil sa pagsubo ng beef steak ng magsalita siya.




"Ano ba iyon?"





"Uhm, ano na bang pinagkakaabalahan mo ngayon? Maayos ba iyong trabaho mo? Or should I say, natupad mo ba iyong greatest dream mo?"




Panandaliang naibaba ko iyong kutsara pati iyong tinidor na hawak ko.




"Uhm, Oo naman and besides ay may sarili na rin akong kompaniya at gaya ng dati ay natupad ko nga iyong greatest dream ko. Ikaw?"sambit ko ng muli kong makita ang ngiti niya.




"I'm happy for you, Uhm iyong akin naman ay hindi ko naabot iyong greatest dream ko but God had given me a very great opportunity that's why I studied abroad--that's why I leave."




Napanganga ako sa mga sinabi niya. Bakit hindi niya sinabi na mag-aaral pala siya sa abroad kaya siya umalis? My goodness pinahirapan niya lang ako mag-isip ng kahit na anong bagay, kahit pagkamatay ay naisip ko na.




"H-ha? Bakit di mo sinabi?" sambit ko dahilan para manlaki ang mga mata niya.




"Kasi--k-kasi a-ano."nauutal utal niyang sabi.





"Ano? K-kasi ano?"I raised my eyebrow ng mapansin kong napayuko siya.



"Hoy! Bakit n---




"Kasingagustokita!"mabilis niyang sambit dahilan para wala kong maintindihan kahit isa man lang na salita.




Napalinga linga ko sa paligid ng mapansin kong nakatingin ngayon samin iyong ibang kumakain sa loob ng restaurant dahil sa lakas ng pagkakasabi niya.




"A-ano? Wala kong naintindihan sa sinabi mo?"muli kong tanong sa kaniya.




Pansin kong napakamot siya ng ulo kaya palihim akong napatawa sa ginawa niya. Kilalang kilala ko si Alexis--he's the man of the hour, uubusin niya ang oras mo para hindi niya masabi iyong sasabihin niya na hindi siya komportableng sabihin ito.




"Ah, wala iyon! pwedeng iba na lang pag-usapan natin?"tanong niya dahilan parang tumango lang ako sa kanya. Wala kong masabi--I'm lost for words hinding hindi ko nga rin alam kung ano pa iyong mga sasabihin ko sa kaniya sa mga panahon na wala siya. Do I need to mention Patrick on our small talk about our break up?




I smiled. Genuine. "Uhm, kelan ka pa bumalik dito?"tanong ko sa kanya kasunod ng pagsubo ko sa beef steak na kanina ko pa gustong lantakan. Nakakasuka kasi iyong maraming pasta na isinubo ni Psyche kanina.



"Uhm, a few days ago. Bumalik ako kahit naiisip ko na wala naman akong babalikan but I choose to see you."



I took a big sip on the ice tea na katabi ng plato ng steak. "A-ah." I'm lost for words, walang lumalabas na mga salita sa bibig ko. Bakit parang hindi ako komportable na kausap siya.




"Ah, Kelan ka ba babalik dun sa states?"napangiwi kong tanong sa kanya.




"Kararating ko lang."he simply said.


"Ale--



Natigil ako ng agad niyang putulin ang sasabihin ko.



"May nagugustuhan ka na ba?"



Halos maibuga ko iyong ice tea na iniinom ko dahil sa tanong niya.




I laughed."Anong klaseng tanong iyan?"saad ko habang hindi pa rin maalis sa labi ko ang malaking ngiti.




"Just answer me. Meron na ba o wala?"




Nagkatitigan kami ngayon sa mata. He's eyes were cold. It made me chilled. Nakaka-pangilabot it feels like na parang gusto niyang sagutin ko iyong tanong niya.




"Honestly."simula ko.


"Nasaktan na nga ko! magu-gustuhan pa kaya!"matapang kong saad sa kanya dahilan para kumunot ang noo niya.




"You mean break up?"curious niyang tanong sakin habang kanina pa nilalamig tong kamay ko.




I smiled bitterly."Yes and it hurts na malalaman mong nagawa niya kong ipagpalit sa isa pa nating best friend."sambit ko habang pinipilit kong pigilan ang pagbasag ng boses ko.




Hanggang ngayon ay di ko makayanang tanggapin ang katotohanan na ipinagpalit ako ni Patrick sa best friend ko--kay Janine. I just want to know the truth, the story behind our shitty break up.




Napatingin ako sa lalaking kaharap ko at muling nanliit ang tingin ko sa kaniya ng umpisahan niya ng magsalita.



"I know this--at inaamin kong isa ako sa dahilan kung bakit ka---



Hindi ko na ipinagpatuloy ang pakikinig sa paliwanag niya at dali daling umalis habang nakalatag ang best friend bracelet na ipinakita niya kanina.



...Everything is just a lie.

Stranger and Me Where stories live. Discover now