[SAM 25: #Drunk]

18 6 0
                                    















Chapter 25|Drunk






Hawak ko pa rin ang shot glass ng mag isa akong umiinom dito sa loob ng bar. Nagkalat ang amoy ng alak, sigarilyo maging ang mga naghahalikan. And it is the things you should expect once you entered this place. A place that will help you to forget.





"Party! Party!"magkabilaan ang ingay na maririnig mo sa buong paligid ng Avendas bar.






Natatandaan ko pang pagmamay ari ito ng isa sa mga classmate ko nong highschool. We didn't expect na magkakaron siya ng bar, hindi naman sa parang wala siyang future dati but isa kasi siya sa religious person na nakilala ko, ni ayaw nga non marinig ang kahit isa sa amin na magmura tapos sa bar pa iyong nakatadhanang patakbuhin niya--life is so cruel right?




Agad kong inubos ang laman ng shot glass kasabay ng kaunting chaser. Panandalian akong napatingin sa oras ng makita kong parang unti unti na itong bumabaliktad. Am I drunk? Tsk baliw! Nakainom nga ko!





Pinipilit kong imulat ang mga mata ko kahit ang totoo niyan ay gustong gusto ko ng matulog. Napagpasiyahan kong kunin iyong jacket na nakalagay sa couch at pilitin ang sarili kong tumayo at maglakad. I can't managed to drive a car.





Paliko liko akong naglalakad ng maramdaman kong bumangga ako sa isang matigas na bagay. Hinawakan ko ito ng magulat ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga na ngayon ay langhap na langhap ko na. It feels like were sharing the same air we breath.





"Miss, your drunk!"rinig kong sambit niya.





I laughed."A-al-alam k-ko!"pahinto hinto kong sabi sa kanya.





"Miss, umuwi na tayo!"pagpipilit niya.






"S-si-sino ka b-ba ha?"saad ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.





"Hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko." saad ng lalaki.






I smirked."H-hindi a-ako sa-sama say-o kung hin-di ka si P-Psyche!"
Mahinang sambit ko sa kaniya.





Rinig kong tumawa siya sa sinabi ko. Inayos niya ng kaunti ang posisyon ko bago siya muling magsalita.







"A-ah, bakit sino ba iyang Psyche na iyan?"nagaalangang tanong niya sakin.





"Shhh! w-wag ka n-ngang ma-ingay d-diyan! B-baka marinig ka ni babe!"





"Kasama mo boyfriend mo?"






Stranger and Me Where stories live. Discover now