[SAM 38: #Dare or beer?]

12 3 0
                                    




Chapter 38|Dare or beer?




"Okay, we will play a dare or beer game."


Tahimik kaming nakikinig kay Cupid sa kung ano man ang kaniyang sinasabi tungkol sa laro dahil siya lang naman ang may alam nito.




"Beer?"tanong ni bebs na katabi ko lang ngayon at kaharap ko pa ang gagong si Psyche.




Ngumiti ito si Cupid sa kaniya na parang maganda ang kaniyang iniisip.




"Yes, beer nga ate Gee. Meron tayong mechanics ng laro may isa sa atin ang magpapaikot ng empty bottle tapos kung sino ang matuturo nito ay siya ang tatanggap ng dare, to make it short kung sino ang nagpaikot ng bote ay siya ang magbibigay ng dare at ang taong maituro ng bote ang siya namang tatanggap ng dare." nakangiti nitong sabi.



"Eh ano naman iyong dare?"biglang tanong ni Pat dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya.




"Hmm it depends, ang dare ay nakadepende sa gusto ng taong magbibigay ng dare but the most important thing is kailangang masunod ng player ang dare sa kaniya para hindi na siya humarap ng consequences." paliwanag niya.


"Kuya Eros paabot nga ng beers."


Pare-parehong nanlaki ang mga mata namin ng iabot ni Eros ang isang bucket ng beer.



"Ito ang consequence. Kailangang ubusin ng player ang beer sa loob ng shot glass. Take note pupunuin ang shot glass at hindi tayo magpoproceed sa next player kung hindi ito nauubos  and the most exciting part is, bawat isa sa atin ay aamin ng isang katotohanan pagkatapos ng laro."tuwang tuwa niya pang sabi.



"Ano ready na ba?"



Sabay sabay kaming tumango sa kaniya pagkatapos niyang magsalita ng biglang niyang pinaikot ang empty bottle ng kusang tumapat ito kay bebs.



"Ready? Here's my dare ate Gee. Mag strip dance ka sa harap ni kuya Eros."



Lahat kami natawa sa dare ni Cupid kay bebs except Psyche na kanina pa nakabusangot ang mukha at panay ang tingin sa akin. Hanggang dito ba naman ganiyan ang itsura niya. Mukhang ang laki ng galit ng gagong ito sa akin.




"Ayoko nga! Iba na lang nakakahiya."pagrereklamo ni bebs.



"Bawal maglipat ng dare it's either susundin mo o agad kang magpapakalasing."



She started pouting her lips at pansin kong tumayo na siya at agad inumpisahan ang pagsasayaw sa harap ni sir Eros kasabay ng careless whisper na pinatugtog ni Cupid.




Kita kong kanina pa tawang tawa si sir Eros kay bebs habang sumasayaw. Hindi kasi gusto ni bebs ang sumayaw ng walang practice nagmumukha siyang baliw na hindi na alam kung ano pa ang susunod na step.





Tumigil si bebs hanggang matapos ang tugtog. Imagine that magmumukha lang akong tanga dito kapag sa akin naibigay iyong dare. I wish na sana hindi sa akin tumapat ang empty bottle.





Hinawakan na ni bebs ang bote at sinimulan na itong paikutin ng saktong tumapat ito kay sir Eros. Bumabawi si bebs kay sir.





"Dahil tawang tawa ka kanina sa sayaw ko, gawin mo din iyong ginawa ko kanina."



Pansin kong mukhang ayaw pang gawin iyon ni sir Eros pero mas pinili niya pa din gawin iyon para lang kay bebs. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Punong puno ng pagmamahal ang nakikita ko sa kanilang mga mata. I like the way they treat each other like a bestfriend, parang mag tropa lang hindi iyong sobrang sweet na parang si hipon na katabi ni Psyche.



Letse!


Nakakadiri silang tignan.



Natapos ang nakakatawang pagsasayaw ni sir Eros sa harap ni bebs ng aktong tumigil naman ang bote kay Cupid ng paikutin niya na ito.



"Dahil pareho kaming pinahiya mo, here's my dare for you."


Halatang kinakabahan si Cupid sa ibibigay na dare ng kuya niya.



"Humingi ka ng balot doon sa lalaking nakaupo."sambit ni sir Eros sabay turo sa lalaking mag-isang kumakain ng balot.



"Iws. Ayoko nga! Mabuti naman kung gwapo iyon kuya." maarteng sabi nito.




"Andaya mo Kupido! Lapitan mo kasi tapos hihingi ka lang naman."




"Ayoko nga diba! Akin na iyang shot glass at lagyan mo na ko ng beer."



Aktong nilagyan na ito ni sir Eros ng beer kasunod ng biglaan niyang pag shot nito.



Lahat kami ay napatingin kay sir Eros matapos niya itong inumin.



"Oh bat ikaw iyong uminom? Akin iyon parusa ko iyon! Ano ba naman iyan kuya di mo ba gets iyong laro?"iritang sabi ni Cupid sa kuya niya.




"Wala ka naman sinabi na hindi pwede na iba iyong tumanggap ng parusa at isa pa bawal ka pang uminom ng alak! Mga kalokohan mo naman!"



Cupid started pouting her lips na parang bata. Napakabait na kuya si sir Eros hindi katulad ng kuya niyang si Psyche. Sabagay kambal nga sila at totoo na magkaiba nga sila ng ugali, si sir Eros na mabait at si Psyche na ewan basta halo halong kasamaan ang naroon kay Psyche.



"A-ate Grace,"



"Ate Grace."


Nabalik ako sa wisyo ng mapansin kong lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin.



"Ikaw na,"



Rinig kong bulong sa akin ni Patrick na katabi ko lang naman.




"Ate grace, ayos ka lang? Kanina pa kita tinatawag eh."



"A-ah, Oo ayos lang ako. Ano ba iyong dare mo?"kinakabahang tanong ko sa kaniya.



Napalunok ako ng laway ng makita kong nag iisip pa siya at muling tumingin sa akin.


"Yakapin mo si kuya Psyche."



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at biglang nagtama ang mga mata namin ni Psyche ng aktong tumingin ako sa kaniya na kaharap ko lang.



"Ate Grace, you'll accept my dare or beer?"




"Beer."




Napatingin ako kay Psyche ng siya mismo ang sumagot at agad na ininom ang beer.


Wth! Bakit niya iyon ginawa?

Stranger and Me Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ