[SAM 27: #Shame]

20 6 1
                                    














Chapter 27|Shame








"Hoy Ignacio! Kapag hindi mo binura iyang picture namin ni Patrick makikita mo! Stalker ka!" I said in gritted teeth habang idinuduro duro ko pa siya ng tuluyan na kong makapasok sa opisina niya.





Guess what kung bakit ako andito? Bakit pa nga ba? Tuturuan ko lang ng leksiyon ang lalaking kaharap ko--ang lalaking may ari ng kompaniyang ginagawan ko ngayon ng eskandalo.




Pansin kong nagulat silang lahat ng kalampagin ko iyong pinto ng opisina niya.






Alam kong maraming nakatingin ngayon sakin. Pati na rin ang ibang proofreaders ng publishing company niya ay nasa akin ang atensiyon.







"Everyone leave!"ma-awtoridad niyang sabi sa lahat ng tao sa loob ng opisina kasunod ng mabilis nilang paglisan.







I can clearly see on his face that his mad---no furious, and sad at the same time.






He turned his back on me.




"Huwag mo kong tatalikuran Ignacio!"naiinis kong sambit sa kaniya habang kitang kita kong naikuyom niya ang mga kamao niya hanggang sa mamuti iyon.





He smirked."Ang lakas ng loob mong sabihan akong stalker! Tapos hanggang dito ba naman ay susundan mo ko! Ikaw ang stalker sa ating dalawa!"






Hindi ako agad nakakilos nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko kasabay ng pagtitig niya sakin ng diretso sa mata.






"Sumusobra ka na! Wala kang karapatan na gawin sakin ang bagay na ito!"hiyaw ko.






"And you're making a scene, Miss Lozano. You have no idea kung anong klaseng eksena ang ginawa mo in front of my employers,"sabi niya ng puno ng pagkairita.




"Ang mabuti pa, umalis ka na agad sa kompaniya ko habang nakapagpipigil pa ko."malamig niyang sabi.





Parang sinampal ako ng ilang ulit. Ako pa ang dapat umalis? Ako pa ang uuwing luhaan? My goodness! Wala siyang hiyang gago siya!




Para makabawi ay muli kong itinaas ang noo ko at matatag siyang tiningnan. Hindi ko dapat ipahalata na kinakabahan ako. Hindi dapat ako magpatalo sa lalaking ito!




"Hindi ako aalis hangga't hindi ko pa nabubura iyong mga pictures na iyon!"saad ko kasunod ng biglaan kong pagkapa sa bulsa niya.





"Hey, hey! What are you doing?"sabi ni Psyche habang iniiwas ang sarili niya.






"Manahimik kang lalaki ka! Ginagalit mo akong gago ka! Akin na ang cell phone mo para mabura ko na ang mga walang kwentang pictures na iyon nang hindi ko na makita iyang pagmumukha mo,"nanggigigil kong sabi habang kinakapa ko pa rin ang bulsa ng pantalon niya.





"Stop it!"reklamo niya.






Hindi ko na lang pinansin si Psyche at nagpatuloy lang sa pagkapa sa pantalon niya. Agad na nabuhayan ang dugo ko ng makapa ko na ang hinahanap ko sa kanang bulsa niya pero dahil sa pag-iwas niya ng kamay ay iba tuloy ang nahawakan ko.






...I froze in an instant.






My eyes gets widen after I've found out kung ano man iyong nahawakan ko. Agad kong binalingan ng tingin si Psyche ng makita kong nanlaki rin ang mga mata niya.






Bakit kasi sa dinami dami ng pwedeng mahawakan ay ang pagkalalaki pa nito? My goodness Grace!





Parang napaso ang aking kamay at agad na tinanggal iyon.






Anak ng patola, Grace! Nakakahiya ka! Hiyaw ng aking isip.



Gusto ko ng magwala dahil sa nangyari.





Napalunok ako ng laway sa sobrang frustration."B-ba-bakit kasi ang likot mo? Iyan tuloy!"pakunwaring reklamo ko.





Tumikhim siya bago magsalita. "Sinabi ko bang mangapa ka ng ano?"





Biglang kumunot ang noo ko."Dapat sana ay maayos mong ibinigay sakin iyang cell phone mo para hindi ito nangyari!"






He fake a laughed."What? Ako pa ang dapat ng magbigay ng cell phone sayo! Diba nga ayaw kong ibigay ito sayo!"






I shifted my gaze from him.
"Kahit na, idedemanda kita!"I exclaimed.





He smirked."Ako pa ang idedemanda mo? Ako na nga iyong nawalan ng dignidad!"






I raised my eyebrow.






"Huwag ka kasing kapa ng kapa ng pantalon ng may pantalon!"dagdag niya.





Sa sobrang inis ay agad ko siyang inihampas sa dibdib.







Para pagtakpan ang kahihiyang nangyari ay agad akong nag walkout at tuluyan na ngang lumabas ng opisina.







Napasigaw ako ng malakas tuwing naaalala ko iyong nangyari. Para kasing sirang plaka na paulit ulit na nagpe-play sa utak ko iyong ginawa ko.






Nakakahiya ako! Hiyaw ko sa isip.





Palabas na sana ako ng glass door ng saktong madaanan ko si bebs kasama si Eros.




Kumunot ang noo niya.





"Bebs, pumasok ka sa loob? What brings you here?"tanong niya.







Hinarap ko siyang nakabusangot ang mukha ko. Halos nabura na nga iyong kaunting make-up na inilagay ko.





"Anong ginawa sayo ng kapatid ko?"tanong ni Eros sakin.






Mapait akong ngumiti sa kanila bago pa ko magsalita.






"Nakakahiya ako!"sambit ko kasunod ng pagpadyak ko palayo sa kanila--sa kompaniya, maging kay Psyche Ignacio.

Stranger and Me जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें