°CHAPTER 48°

3.6K 77 0
                                    

  -ARRNY's POV-

ILANG buwan ang lumipas at unti unti ng lumalaki ang tyan ko.
Isang buwan nalang at lalabas na si baby.
Hindi pa ako naka pag pacheck up dahil busy ako sa pag aasikaso ng mga papeles namin papuntang singapore.
Yeah, pupunta ako ng singapore at duon na ako mamuhay kasama ang anak ko.

Sa loob ng ilang buwan ay unti unti naring bumabalik sa dati si enzo.
Mabuti nalang at natapos ko na yung pag aaral ko.

Hindi ko na kailangan pang pumasok kasi nga buntis ako kaya nag o-online nalang ako para matapos ko yung collage ko.
At sa mabuting palad ay naging succesful ang pag aaral ko.

At sa nangyari nung nakaraang buwan.
Nalaman rin namin na hindi kay enzo yung bata pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya sinasabi sakin na may ex-girlfriend pala siya.

At sa mga buwan na yun ay maraming nangyari na secreto ang nabubunyag.
Katulad ng kay darwin kapatid niya pala ang ex-girlfriend ni enzo noon.
At hindi rin niya alam yun.

At ngayon ko lang din nalaman na si lorenzo ay half brother ni enzo.
Kaya gulong gulo ako non nung nalaman ko.

Nagtataka na rin ako sa mga kinikilos ni enzo.
Ibang iba na siya ngayon.
At kitang kita ko sa mga kilos niya na may pinagbago siya.
Iwan ko kung bakit siya nag kaganon.

Simula kasi nung nangyari yung pag sugod dito ni darwin at nung nakita niya yung ex girlfriend nag iba na ang timpla ng pananalita niya.

At mismo sa mga mata ko nakita ko siyang may ibang katalik.
Masakit para sakin na gawin yun ng taong mahal mo sayo.

At wala na rin siyang pakialam sakin.
Gabi-gabi ko nga nilalabas ang mga luha kong kusang nag pigil.
Siguro ngayon, kailangan ko muna siyang layuan.

Hindi ko naintindihan kung ano nararamdaman niya.
Pero sana naman iniisip niya ako at ang magiging anak niya.

Minsan naisip ko na bakit ko pa ba siya binigyan ng pagkakataong ipaparamdam sakin na mahal niya nga ako.
Naniniwala ako sa kanya na paninindigan niya ang mga salitang binitiwan niya.

Umaasa ako na mag babago siya.
Pero hindi ganon ang nangyari eh, sa huli ako lang din ang nasasaktan.

"Arrny? Umiiyak ka na naman." biglang sulpot ni cath sa harapan ko.

"Ako umiiyak?" takang tanong ko sa kanya at sabay turo ko sa sarili ko.

"Oo, umiiyak ka na naman. Please arrny, alalahanin mo ang baby mo. Nakakasama yan para sa kanya." napa iwas naman ako ng tingin sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

Tama nga siya umiiyak nga ako.
Nag luluksa ako sa sakit at hirap na pinapakita sakin ni enzo.
Akala ko ba nag bago na nga siya.
Pero mali ako.
Maling mali ako.

"Bakit ganito cath? Bakit? Bakit niya ginawa sakin to?" iyak kong sambit kaya niyakap niya naman ako.

"Shhh, tahan na arrny. Lahat naman tayo dadaan sa pagsubok. Lahat naman ng problema ay malulutasan. Subukan mo siyang kausapin at baka makinig siya sayo." sabay punas nito sa mga luha ko.

"Hindi na cath, sapat na yung nakita at nasaksihan ko. Ano pa bang dapat kong sabihin sa kanya. Wala na cath, wala na akong dapat pang sabihin sa kanya. Lahat ng akala ko ay Mali pala. Sana hindi ko nalang siya binigyan ng pagkakataong magbago. Dahil lahat ng iyon ay hindi pala maaaring mangyari." hagulhul kong sambit.

-FLASH BACK-

PAPUNTA ako sa principal's Office ngayon dahil mag sasign out na ako bilang studyante na papasok araw araw.
Pero pinagpatuloy ko iyon sa pamamagitan ng online educ.

You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedWhere stories live. Discover now