•CHAPTER 18•

4.4K 93 0
                                    

  -ENZO's POV-

NANLAMIG naman akong napalingon sa likuran ko at nakita ko siyang gulat na gulat at nakatulala pang naka tingin samin ng bastardong to.

Bakit pa siya nag balik.
Sa tingin niya.
Kinalimutan ko na ang lahat.
Nakatatak parin sa utak ko ang kagagohan na ginawa nila.

Oo, nakalimutan ko na nga.
Pero ngayon na nag pakita ulit siya sakin.
Kusang bumabalik ang mga masasakit na nakaraan ko.

Kaya mag sama silang mga walang kwenta.
Niyukom ko lang ang kamao ko at pinigilan ang sarili.

"B-babe? What are you doing here? Diba sabi ko sayo wag ka ng pumunta dito." kalmadong sabi ni lorenzo na my halong galit at poot.

"A-ano to lorenz? B-bakit n-agpatayan na kayo ni- ni e-nzo?" utal nitong sabi at palipat lipat ng tingin saming dalawa.

"Umalis ka dito jacine." mahinahong sambit ko at pumikit ng mariin.

"D-diba sabi mo lorenz hindi mo ito gagawin!"

"Just leave jacine! Away kapatid namin ito, kaya umalis ka dito."

"Hindi kita kapatid." pag singit ko at tumingin sa gawi ni lorenz na nakahawak sa kamay ni jacine.

Aminin kong nasasaktan parin ako hanggang ngayon.
Pero matagal na yun.
It's fucking 8 years past.
Binaon ko na sa lupa yun.

At pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na mamahalin pa ang babaeng sumira sa pagkatao ko.

"E-enz-"

"Just fucking leave!!" Sigaw ko sa kanya at tinulak siya palayo sa pintuan.

Nanlaki naman ang mga mata ni lorenz sa ginawa ko kaya na suntok niya ako sa tyan.

"Hayop ka! Subukan mong saktan ang girlfriend ko! Ipapatikim ko sayo ang kamao ko!" gigil na sigaw nito sakin.

"Wala akong pakialam sa malandi mong girlfriend, kahit mag landian pa kayo sa harapan ko! Wala akong pakialam! Dahil my mahal na ako!"

Sigaw ko pabalik sa kanya at kwenilyuhan.

"Ito tatandaan mo lorenzo, wala kang makukuha sakin kahit anong yaman ng ama ko. At sisiguraduhin ko ring mamatay mo na ako bago mo makuha lahat lahat ng pag-aari ko." tinulak ko siya sa sahig at pinatikim sa kanya ang pang huli kong suntok.

Kaya napasuka naman ito.
Tinakbuhan naman agad ni jacine si lorenzo na naka handusay sa sahig at wala ng malay.

"E-enzo! I'm sorry! I rea-lly really sorry. Sana mapatawad mo ako dahil sinaktan kita. Tanggap ko lahat ng mga masasakit mong salita dahil tama ka! Isa akong malandi pero sana enzo patawarin mo ako. Hindi ko ito ginusto, mahal kita hanggang ngayon enzo mahal na mahal.
At hindi na iyon mag babago pa."

Naiiyak niyang sambit tsaka niyapos ako ng yakap.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng awa.
Gusto ko siyang patawarin.
Gusto ko siyang patahimikin.

Pero my parte sa puso ko na di ko na siya kayang mahalin pa.
Tama na nasaktan na niya ako ng lubusan.

Ayaw ko ng ma-ulit ang pang loloko niya.
Kuntento na ako ngayon kong ano at sino ako.
Na walang Jacine na nag eexist sa buhay ko.

"Tama na jacine, matagal na yun at kinalimutan na kita. Hindi na kita mahal."

Mariin kong sambit at tinulak siya sa pagkakayakap sakin.
Ayaw ko ng ma ulit ang nakaraan.
Kinalimutan ko na ang lahat.
Kinalimutan ko na ang babaeng pinakamamahal ko.

"Tandaan mo to enzo! Babalikan kita.!"

Banta niya at tuluyan na akong tumalikod.
Wala akong panahon para makipag awayan sa mga walang kwentang pag uusapan.
Binaon ko na sa langit at lupa ang lahat.

You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu