°CHAPTER 42°

3.7K 81 0
                                    

  -ARRNY's POV-

NAKARAMDAM naman ako ng pag bukas ng pinto at pag sara din kaya lumingon ako kung sino yun.
Ganun nalang ang gulat ko ng may napakagwapong lalaki ang nakatayo na sa harapan ko.
At may dala dala pa itong pink roses.
Yes! Favorite ko iyun saka niya ito nilapag sa around table na katabi ng kama ko.

W-wait?? Baka namalik mata lang ako.
Sinuri ko siya ng maigi mula paa hanggang ulo.
Ghod! Si-si enzo?
Seriously? Andito na agad siya.

Ang mga mapupula niyang pisngi, matangos na ilong, blond messy hair, saka ang magaganda niyang pilik mata, at ang red kissable lips niya.
Ghod! Bakit ba ang gwapo ng nilalang na to.

"Done checking me?"

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko para bang may nag kakarera sa puso ko sa sobrang bilis.
Ang lambing ng boses niya.
I miss him.
Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko lang.
Kaya napa iwas naman ako ng tingin.

God! Naiiyak na ako.
Ewan ko kong bakit basta pakiramdam ko nandito na sa harapan ko ang matagal ko ng hinahanap hanap.

"Hey, why are you crying." tarantang saad nito at agad na umupo sa gilid ko saka pinunasan ang kanina ko pang luha na gustong lumabas.

"Please tell me? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? May kailangan kaba sabihin mo lang sakin? Please wag ka ng umiiyak. It's hurt me a lot." sabi nito at niyakap ako ng mahigpit saka hinahaplos haplos ang mahaba kong buhok sa likod.

Ewan ko pero pakiramdam ko ito yung lagi kong hinahanap hanap sa kanya.
Gumagaan ang mabigat kong nararamdaman sa tuwing andito siya sa tabi ko.
Baka siguro na miss ko lang siya.

"I-im so-rry." iyak na sambit ko at niyakap din siya pabalik.

"No, wala kang kasalanan okay. Shhh tahan na. Ako dapat hihingi sayo ng sorry dahil nasaktan kita. K-kung hindi mo pa ako mapapatawad okay lang sakin. Handa naman akong mag hintay, basta wag mo lang ilayo sakin ang bata." may nararamdaman naman akong likido sa balikat ko at doon ko nalang narealize na umiiyak na pala siya.

Seriously? Umiiyak siya.
This is the second time na umiiyak siya.
Siguro ito na yung panahon para patawarin ko na siya.

Responsibilidad rin naman niya ito kaya ano pa bang rason ko para ilayo ko siya sa kanya.
Kailangan din naman ng bata ang kanyang ama.
Lahat naman tayo nag karoon ng kasalanan.
Pero napapatawad rin natin.

Matagal na ng mangyari iyon.
Kaya tanggapin ko nalang ito ng buong puso ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"Nangyari na yun okay. Kaya wag kanang umiyak diyan kala mo siguro di kita tatanggapin." natatawang saad ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Talaga? Pinapatawad mo na ako?" di makapaniwalang sabi nito at hinawakan paang dalawang kamay ko.

Tumango lang ako at kinagat ang ibabang labi ko para hindi umiyak.
Tears of joy siguro to kaya ako umiiyak.
Baka pati si baby nakikisabay rin sa drama namin ng daddy niya.

"Oh? Bakit ka umiyak? Hindi kaba masaya?" biglang tanong ko kasi umiyak siya eh, nakaka badtrip kasi nakisabay pa.

"Hindi, masaya lang ako kasi finally makakasama na kita at si baby." nagulat naman kong hinimas yung maliit ko pang tyan saka hinalikan.

"Alam mo ba kung gaano ako kalungkot nung pinagtaboyan mo ako. Araw araw kitang iniisip, araw araw kitang inaalala. Para na akong baliw na sinisisi ang sarili ko nung nangyari ang mga araw na yun. Pero umaasa parin ako na mapapatawad mo rin ako." saad nito at ngumiti ng napakatamis.

"Mahal mo ba talaga ako enzo?" biglang tanong ko sa kanya ewan ko kung bakit yung mga salitang yun ang lumabas sa bibig ko.

"Higit pa sa buhay ko arrny, mahal na mahal kita. At hindi na yun magbabago pa. Simula nung dumating ka sa buhay ko, simula nung una kitang nakilala, simula nung lagi kitang nakikita Ikaw na yung sinisigaw ng damdamin ko. " sabay turo sa dibdib niya kaya napatawa nalang ako ng mahina.

"Ikaw yung tipo na babae na madaling pangarapin pero mahirap abutin. Kaya ako obsess na obsess sayo. Na gusto kong akin kalang at wala ng iba pang makakakuha sayo mula sakin." grabe feeling ko iiyak na naman ako.

"Kaya kong mag bago para sayo, kaya kong baguhin ang sarili ko para sayo para sa magiging pamilya natin. Handa ko yun gawin para sayo. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sayo. Mailigtas lang kita." wala na lumabas na talaga naiiyak na naman ako.

Lintek na luha to.
Hindi napapagod sa kakalabas.

"Tama na okay, lalo mo lang akong pinapaiyak eh," sabay hampas ng mahina sa balikat niya.

"Mahal din kita pero dadaan ka muna sa mahirap na ligaw at kapag hindi mo yun magawa wala kang yakap at makatabi sa pag tulog na matanggap mula sakin. Maniniwala lang ako sayo kapag pinapakita mo talaga sakin kung gaano mo ako kamahal." seryosong sambit ko ningitian siya ng pagkatamis tamis.

"I will do it for you my queen. Kahit gaano pa kahirap gagawin ko parin maiparamdam ko lang sayo na totoo ang pagmamahal ko." sambit nito at mabilis ako na hinahalikan smack lang naman yun saka sa noo at niyakap ko na rin siya ng mahigpit.

Pakiramdam ko secure na secure ako kapag andiyan siya lagi sa tabi ko at binabantayan ako.
Wala na akong maihihiling pa kundi ang maging masaya na.
Na sa wakas napatawad ko narin siya.
At makakasama ko narin siya hanggang sa katapusan ng kwento.

Sana nga kami parin hanggang sa huli.
At sana mapatunayan niya lahat ng sinabi niya.
Mahal ko siya at siya lang ang bukod tangi kong hinahanap hanap...  

You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedWhere stories live. Discover now