°CHAPTER 31°

4K 79 3
                                    

  -JACINE's POV-

ILANG araw ko nang tinatawagan si lorenz pero kahit isa sa mga tawag ko hindi siya sumasagot.
Ilang araw na din siyang hindi na nag papakita sakin.
Ano bang nangyari sa lalaking yun.
Bakit hindi na siya umuwi sa bahay.
Oo nga pala tumira na kami sa iisang bubong.

Hays, san na ba kasi yung lalaking yun.
Nag alala na ako sa kanya.
Sana lang hindi niya ako niloko.
Sana lang nasa maayos lang siya ngayon.

Nasa mall ako ngayon nag lilibot boring na kasi sa bahay kaya ito bumili ako ng mga grocery's.
Habang pumipili ako ay may naaninag akong isang lalaki na bumili ng mga gamit ng pang baby sa kabalang store.
Teka? Tama ba ako?

Si..si lorenz yun.
May kasamang babae?
Nabitawan ko ang mga pinamili ko at hindi ko nakayanan na umagos ang mga luha ko.
Siya yun eh, siya yun hindi ako pweding mag kamali.

P-papaanong nangyari ito?
Bakit ganito?

Lumabas ako sa grocery station at pinuntahan ang kinaroroonan nila.
Wala akong paki kong pinagtitinginan na ako ng iba.
Gusto ko lang malinawan kung bakit ganito.

Hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pamimili.
Doon ko nalang napansin na yung babaeng kasama niya ay ang matalik kong kaibigan.

"L-lorenz?" iyak kung sambit.

Lumingon naman sila sakin at nanlaki pa ang mga mata nila pareho ng makita ako.
Tumingin ako sa mag kahawak nilang kamay para akong sinaksak ng milyong beses.
At yun tyan ng kaibigan ko nasa apat na buwan na.

Halata na ang umbok nito.
Ako dapat ang kasama niya ngayon.
Ako dapat ang nasa tabi niya ngayon.
Pero bakit ganito?

"J-jacine? What are you doing here? Diba sabi ko sayo sa bahay kalang." galit na sambit ni lorenz sakin at halos sisigaw na ito sa galit.

Matamis akong ngumiti dito kahit masakit sakin.
Pinilit ko paring mag pakatatag.

"A-ano to lorenz? Ito ba ang ginagawa mo sa loob ng dalawang linggo na wala ka sa bahay? Binuntis mo pa siya? Ano ako lorenz? Ano ako jan sa buhay mo? Diba sabi mo mahal mo ako? Bakit mo nagawa sakin to? I-niwan ko si enzo dahil sayo! Dahil sayo lorenz! Dahil minahal kita! Pero ano tong ginawa mo? Pinag mukha mo lang akong tanga! Tanga na umaasa na babalik ka! Na umaasang mahal mo pa ako!" lakas loob kong sigaw sa harapan nila.

Kahit maraming nanonood samin ay wala akong pakialam.
Gusto ko lang mailabas ang sakit na nasa puso ko.
Hindi ko naibigay noon kay enzo ang pangangailangan niya pero kay lorenz nabigay ko lahat yun.

May rason ako kung bakit ko siya iniwan.
Mahal ko si enzo higit pa sa buhay ko.
Pero nung dumating si lorenz nasira lahat ng iyun.

"Isn't obvious jacine? Mahal ko si kylen hindi kita mahal. Kaya pwede ba wag ka ng umasa na babalikan pa kita. Mag karoon na kami ng pamilya." doon na bumuhos ang mga luha ko sa huling sinabi niya.

Para ako dinudurog at pinapatay ng ilang beses, bakit siya pa?
Bakit ang matalik ko pang kaibigan?
Nagkulang ba ako?
May mali ba sakin?
Bakit nila ako ginaganito?
Nag sawa na ba siya kaya niya ako iniwan.

Pano nalang ang anak namin?
Pano ako? Pano ko bubuhayin mag isa ang anak namin?
Pano ko bibigyan ng masayang pamilya ang anak ko.
Hindi ko kaya.

I'm 3months pregnant at si lorenz ang ama nito.
Isa ito sa mga dahilan ko kung bakit ko iniwan si enzo.
Ayaw kong masaktan siya.

Pero nasaktan ko na siya ng emotionally.
Hindi niya alam ang totoong dahilan kong bakit ako nakipag hiwalay sa kanya.

Hindi nila alam kong ano ang pinag daanan ko.

Hindi nila alam ang pag durusa na naranasan ko.
Wala siyang alam.
At yan ang pinagsisisihan ko.

"L-lorenz? NO! Hindi pwede lorenz, please don't do this to me." pag mamakaawa ko sa kanya.

Gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako.
Pero hindi ko kaya sa kalagayan na to.
Hindi ko kaya mas mabuti pang mawala na lang tong nasa sinapupunan ko.
Wala rin namang silbi ang lahat.
Wala na siya, ano pa bang silbi ng pag aalaga ko dito.

"Sorry Jac. Alis na kami." naiwan akong luhaan sa loob.

Wala na, iniwan na niya ako.
Iniwan na niya kami.
Wala nang bubuo sa masasaya naming pamilya.

"I'm sorry baby. Hindi kita mabibigyan ng masayang pamilya." mahinang sabi ko sa batang nasa sinapupunan ko.

Naramdaman ko nalang na nahihilo na ako at bumagsak na ako sa sahig.
Sana mawala nalang ako.
Wala ng silbi ang lahat.
Wala na.  

You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon