•CHAPTER 13•

4.8K 94 0
                                    

-HER's POV-

PAGKATAPOS namin mag usap ni Lorenz ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.
Kahit nakatira na kami sa iisang bubong.
Hindi ko magawang mahalin si Lorenz.
Dahil hanggang ngayon si Enzo parin ang nasa puso ko.


Ayaw kong saktan niya si enzo dahil nasasaktan ako.
Nagui-guilty ako sa ginawa ko sa kanya noon.


Iniwan ko nalang siya na parang bola at pinagmukha sa kanya na mas mahal ko pa si lorenz kahit labag sa kalooban ko ang pinaplano niya.


8years na ang nakalipas.
It's 8 damn years.
Sa loob ng walong taon.
Hindi ko nagawang mahalin ang lalaking kasama ko ngayon sa hinaharap.


Lahat ng sinabi ko noon.
Puro kasinungalingan lang.
Kailangan kong iwan si Enzo para hindi na siya masaktan pa.
At bilang kapalit, nag paubaya ako kay lorenz binigay ko sa kanya ang kinakailangan niya.


Na hindi ko nagawang ibigay kay enzo.
Hindi ko ginusto ang lahat.

Hindi ko ginusto na makasama ang lalaking hindi ko minahal.


All this years.
Iniisip ko parin na sana mapatawad ako ni enzo.
Sana makinig siya sa mga paliwanag ko.
Cause still now, mahal ko parin siya.

Mahal na mahal ko parin siya.


Hindi ko maiwasang hindi maiyak tuwing iniisip ko ang kagagahang ginawa ko.
Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko.
Kung bakit ko pa siya iniwan at pinagpalit sa kapatid niya.


Na hindi ko man lang siya pinaglaban.
At hindi ko pinaglaban ang pagmamahalan namin.  


"Hey! Babe? Bakit ka umiyak? My masama ba sayo?"


Napahinto ako sa pag iisip ng nag salita si Lorenz sa likuran ko at binack hug ako.


Umiling iling lang ako at palihim na pinunasan ang mga luha ko.
Ayaw kung makita niya akong umiiyak.
Lalo't na si enzo ang dahilan.


"Na! Wala ito. Bakit ka pala nandito? Akala ko my pupuntahan ka ngayon?"


Sambit ko at marahas na tinggal ang mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.
Wala akong naramdaman kahit kunti kay lorenz.


Hindi ko siya mahal.


Pinilit niya lang akong sumama sa kanya,para makapag higante kay enzo.


"Hindi na importante sakin ang pupuntahan ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang babaeng minamahal ko."


Sagot niya at mabilis akong hinalikan sa labi.


Umaasa akong mapatawad ako ni Enzo sa oras na magkatagpo man ang landas namin.
Alam ko hanggang ngayon, Malaki parin ang galit niya sakin.
Kaya sinisisi ko parin ang sarili ko.


Ako ang dahilan kaya siya nag bago.
Ako ang dahilan kong bakit niya pinaglaruan ang mga babae tapos iiwan nalang na parang bola.


Ako ang dahilan kong bakit niya pinaiyak at saktan ang mga babae.
Ako ang dahilan kong bakit siya naging isang womanizer.


At dahil sakin, malaki ang galit niya.
Wala naman sigurong tao na hindi masasaktan.


Ngayon lang ako nagising sa katotohan.
Mahal na mahal ko si Enzo.
At gagawin ko ang lahat.

Maibalik lang kami sa dati.


Alam kong madali lang siyang mag patawad.
At alam kong maintindihan niya ako.
Babawiin ko ulit siya.
Akin lang siya.


-ARRNY's POV-

MATAPOS ang buong klase na walang gurong pumasok ay niligpit ko na ang lahat ng gamit ko.
Nag siuwian nadin yung iba.


Naiwan naman kaming lima dito sa loob.
Habang ito si Enzo.
Pasulyap sulyap sakin.
Psh! Nakakairita siya.


Si benedict din nakatayo lang at mukhang nakatingin sakin habang naka pamulsa siya.

His look is creepy.
Parang may binabalak siya.
Nagsimula na akong mag lakad palabas at nakasunod lang si Cath at Darwin sakin.


Ganun din si Enzo.
Tahimik lang nakasunod samin.


Psh! Anyare dito at tahimik ata?
Ays, mabuti na yun para walang mangasar sakin.
Tsk!


Ngayon na pala ako uuwi samin.
Nag paalam na din ako kay Mrs.Salvana na uuwi muna ako samin.
Nag pasundo na rin ako kay Kuya Deff.
Nasa labas na siguro yun.


"Arrny? My susundo ba sayo ngayon?" Tanong ni Cath at tumabi sakin.


"Oo,si kuya deff. Day off na kasi ang ibang drivers namin. Sabi kasi sakin ni mommy kanina, bukas pa daw ang day off ni kuya deff." paliwanag ko at ngumiti.


"Okay Arrny,mag co-commute nalang kami ni Darwin."


Tumango lang ako at nakipag beso sa kanya.
Nasa labas na kami ng gate at kitang kita ko mula dito ang ferrari ni mommy.


Kumaway na ako kay cath na pasakay na sa taxi.
At ngumiti pa ito bago tuluyang pumasok sa loob.


Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng my humila sakin sa likod.


At hindi ko na nagawang sumigaw pa.
Dahil tinakpan niya na ang bibig ko.




And everything went black...

You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora