•CHAPTER 17•

4.6K 93 0
                                    

  -ARRNY's POV-

NAGISING nalang ako sa sakit ng buong katawan ko.
Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at hinilot hilot ang sentido ko.

Luminga linga naman ako sa paligid at doon ko nalang na realized na wala ako sa kwarto ko.

"Teka? Hindi ko ito kwarto ah?"

Sambit ko at umupo sa kama.

Bumukas naman ang pintuan at doon iniluwa ang isang makisig na lalaki habang my dala dalang pagkain.

"Good Morning Miss.Arrny. Kain na po kayo."

Sambit niya habang naka ngiti ng todo.
Anong nakain niya at my pangiti ngiti pa siyang nalalaman.
Psh!

"Kaninong bahay to? At nasaan ako? Anong ginawa niyo sakin?"

Sunod sunod na tanong ko at akmang tatayo na sana pero hindi pa kakayanin ng katawan ko.

"Wag ka munang gumalaw jan. Si boss na ang bahalang mag paliwanang sayo."

Tanging sabi niya at nilapag sa maliit na lamesa ang dala niyang pagkain.

"Sige salamat. Makakaalis kana."

Tumango lang ito at lumabas na sa kwarto.
Malaki naman ito at malinis.
Mukhang hindi lang ito bahay lang kundi mansyon ito.
My terrace din ito sa labas.

Binuksan ko naman ang sliding door at nilanghap ko agad ang hangin.
Nasa second floor pala ako ngayon at tanaw na tanaw ko ang mga tao na nasa labas nitong mansyon.

Bawat sulok nitong mansyon ay maraming nakabantay.
At my dala dalang mga baril.
Kaya natakot naman ako.
Kanino ba itong mansyon?

"Bakit hanggang ngayon wala pa si boss? Ano na bang nangyari sa kanya? Mag tatanghali na, nag alala na ako. Pano nalang yung babaeng niligtas niya at tatanungin tayo kung nasaan si boss. Anong isasagot natin.?"

Rinig kung sabi nung babae na naka sando at naka short above the knee.

Nasa ibaba sila at naka upo sa around table.
Mga anim silang lahat dalawang babae at apat na lalaki.

"Basta, hintayin nalang muna natin siya malaki ang tiwala natin sa kanya. Alam kung makakaya niya iyon. Alam kung hindi siya gagawa ng hakbang kung alam niyang hindi ito ikapapahamak ni arrny."
Seryosong sagot ng lalaking naka tayo at naka cross arm pa.

Anong pinagsasabi nila?
Di kaya si enzo ang sinasabi nila?

Kung ganon nag paiwan siya doon at nakipaglaban sa mga taong dumukot sakin.?

Sino ba kasi yung lorenz na sinabi nila.?
At ganon nalang ang galit nito kay enzo.

-FLASH BACK-

"Arrny? Arrny? Shit! Fxck!" sunod sunod na narinig kong mura sa isang lalaki.

Napangiti na lamang akong napagtanto kung sino siya.

"E-enz-o du-mating ka!" mahinang sambit ko ngumiti lang ito na my halong pag alala.

"Shhh! Andito na ako, ililigtas na kita."
sambit niya at tinanggal ang mga naka tali sakin.

Bago ako nawalan ng malay ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi na nag pagaan sa nararamdaman ko.

"I'm sorrg hindi kita na protektahan." at hinalikan niya ako sa noo.

-END OF FLASH BACK-

Hindi ko na alam ang susunod na nangyayari dahil nawalan na ako ng malay.

Tama ba ako ng hinala.
Kung ganon, si enzo nga ang nagliligtas sakin.
Pero pano niya nagawang iligtas ako sa ganong sitwasyon.

Masyadong mapanganib ang lugar na iyon.

You Are Mine ( Mr.Vice Presedent Fudijenzo Obsession ) •BOOK 1• CompletedWhere stories live. Discover now