"Hindi pa ko tapos sa 'yo" napatigil sa paglalakad si Min ae at humarap sa school president gamit ang kanyang masamang tingin.

"You're not my mother para sabihin sa akin ang dapat kong gawin"

"Inaasahan kong sasabihin mo 'yan. Siguro dapat kitang turuan ng leksyon upang sa susunod ay matutuo kang gumalang sa mga nakakataas" Bakas sa kayang ngiti ang masamang balak.

Kaagad na itinulak ni Min ae si Angelu sa pinakamalapit na mesa upang lumayo ito sa kanya. Pinagkrus ni Min ae ang kanyang braso upang salagin ang atakeng ibinigay ng student president sa kanya.

"Hindi hindi ako susunod sa isang student president na tagilid ang pag-iisip!" inis na wika ni Min ae bago pa man siya tumama sa pader na nasa kanyang likod.

Mabilis na nagsipag-alisan ang mga estudyante sa paligid ni Min ae. Ang lahat ng kababaihan ay takot sa student president dahil sa oras na suwain nila ang utos nito ay ganito ang nangyayari -lalo na kung ang utos na ito'y may kinalaman sa special A class kung saan naroroon ang twelve prince.

"I see, ikaw lang naman din ang kilala kong rule breaker pagdating sa akin. Iniisip ko tuloy na baka ginagawa mo ito ay dahil hindi mo ako matalo" ngumiti siya may halong pang-aasar.

Mas lalong dumami ang mga nakapalibot na mga baging sa paligid ni Min ae. Sinubukan nitong umalis sa pagkakagapos ngunit parami nang parami ang mga baging sa kanyang katawan. Kaagad namang lumapit si Angelu sa kanyang kaibigan ngunit kaagad siyang nahawakan ng dalawa pang kasamahan ng Student president upang pigilan.

"Teka, bitawan niyo nga ako! Bakit ba kayo sumusunod sa presidenteng may baluktot na pag-iisip!" kaagad na dumapo ang kamay nito sa pisngi ni Angelu na naging dahilan ng kanyang pagtahimik.

Inis namang lumingon si Min ae sa Student president kasabay ng pagbabago ng kanyang mata dahill sa galit. Hinablot ng student president ang buhok ni Angelu at iniharap ito muli sa kanya.

"Hindi mo ba napapansin magkalayo ang estado niyo kaya't bakit niyo gustong mapapalapit sa kanila? Para magpapansin, para makipagsosyo kahit hindi kayo pantay?"

Mas lalong nanikit ang mata ni Min ae matapos nitong makita ang pagkakahawak ng Student president sa kanyang kaibigang si Angelu na halos bumaon na ang kuko sa pisngi ng kaibigan. Napigtas ang ilang mga ugat sa katawan ni Min ae. Muling nagkakaroon ng guhit ang kanyang mukha na tila nagbabalat. Kumakawala sa kanyang katawan ang kapangyarihan na tulad ng dragon subalit napigil ang pagpapalit ng kanyang anyo matapos na lumapat ang isang kamay sa kanyang ulo.

"What was that?"

Nabigla ang lahat sa narinig nilang boses. Hindi maiwasang manlaki ang mata ni Angelu sa nakita niyang binata sa tabi ng kaibigan si Min ae. Kaagad na napabitaw ang Student president sa pagkakahawak sa kanyang mukha at umayos ng tayo. Marahas siyang binitawan ng mga kasama ng student president dahilan upang mapaluhod siya sa sahig.

Nagtama ang mata nila ng binatang humawak sa kanyang ulo. Ang malakas na tibok ng kanyang puso ang tanging naririnig niya sa mga oras na iyon. Tinginan siya ng binata gamit ang kulay abo nitong mata na tila ba punong-puno ng pag-aalala. Nakita niya itong ngumiti ng tila ba sarkastiko bagay na nagpakunot ng kanyang noo.

"My dear, mukha kang kawawang bata sa itsura mo" nakangiti nitong wika habang inaalis ang mga baging sa katawan ni Min ae.

"K-kris?" nauutal na wika nito kasabay ng pagnunumbalik ng kanyang mata sa normal nitong kulay.

Tinulungan siya nitong tumayo samantalang hindi pa rin siya makapaniwalang harap-harapan na niyang nakikita ang taong nagpapangiti sa kanya kahit sa malayo, ang taong palaging laman ng isip niya sa tuwing nag-iisa siya, ang taong hinahangaan niya.

"Hindi ko aakalaing ang tinatawag nilang second placer sa magic games eh kayang igapos ng student president" Wika nito sa kanya habang nakapamewang.

Pakiramdam niya isa siyang basong nabasag sa mga oras na 'yon. Napanganga siya -internally, dahil sa kakaibang tono ng pananalita ng binata. Tonong nanghuhusga at panlalait, malayong-malayo sa inaasahan niya.

Maging si Angelu na tinutulungang tumayo ni Tao ay kaagad na napanganga sa narinig mula kay Kris. Nakita niyang hinila nito ang kaibigan niya at hinawakan sa balikat. Parehong rumerehistro sa mukha ng dalawang dalaga ang nangyayari sa kanilang paligid.

"Anong ginagawa niya kay Min ae?" tanong ni Angelu kay Tao na kaagad namang napakibit balikat.

"Sa dinami dami ng p'wede niyong bullyhin bakit itong girlfriend ko pa?" seryosong wika ni Kris.

Kulang nalang lumabas ang isang malaking tandang pananong sa mukha ni Min ae sa mga oras na 'yon. Kaagad na nagbulungan ang mga estudyante sa loob ng canteen at ang lahat ay nakatingin sa kinaroroonan ni Kris at Min ae.

"G-girlfriend?" hindi makapaniwalang wika ng student president.

"Yes, ang tinatawag mong mababang klase ng estudyante ay girlfriend ko. Wala akong natatandaan na sinabi ko o ng mga kaibigan ko na hindi maaring lumapit ang ordinaryong estudyante sa amin. Ang gusto lang namin ay itrato niyo kami bilang isang estudyante hindi bilang isang nakakataas na estudyante sa A class" seryosong wika ni Kris sa student president

Napakagat ito ng ibabang labi at naging mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. "You're ruining my damn reputation" Simpleng yumuko ang Student president sa kabila ng inis na kanyang nararamdaman.

Kaagad na hinila ni Kris si Min ae papalabas ng canteen. Parehong sinundan ng tingin ni Angelu at Tao ang dalawa habang papalabas. Hindi pa rin nila malaman kung ano ang nangyayari sa pagitan ni Min ae at Kris.

Halos kamuntik nang madapa si Min ae dahil sa ginagawang paghila ni Kris sa kanya patungo sa gilid na bahagi ng canteen sa labas. "Let go!" inis na wika ni Min ae bago niya bawiin ang braso niya mula kay Kris

"Say thank you" utos ni Kris sa kanya.

"What's with the attitude" pagkokontrol ni Min ae sa kanyang inis.

"Just do it."

Nanatiling tahimik si Min ae sa mga oras na 'yon at nakipagsukatan ng tingin sa binata. Hindi niya aakalaing ang lalaking kanyang nagustuhan ay nagtataglay ng kakaibang ugali -major turn off.

"Or maybe give me a kiss as a sign of gratitude" marahang ipinikit ni Min ae ang kanyang mata at bumuntong hininga ng malalim habang pilit na ikinakalma ang sarili.

"I might punch him right now" Inis na wika ni Min ae sa kanyang isipian.

"Or maybe let me see your panties. It would be fun" natatawang wika nito.

Sarkastikong napangiti si Min ae sa narinig kasabay nang dahan dahang paglapit niya sa binata. Kaagad siyang napakuyom ng kamao at mabilis na naglakad kasabay ng pagsuntok niya sa mukha ng binata na kaagad namang napa-atras sa ginawa niya.

"Nakakaturn off ka!"



-----
REVISED
Next Chapters magiging mahahaba na ito :)
VOTE | COMMENT | RECOMMEND


EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now