Magsasalita pa sana ako pero napaisip ako sa sinabi nya. Kung tutuusin tama sya, dapat kong unahin si Kaye dahil sya naman talaga ang pinakaimportante dito. Mawawala sya ng ilang araw at wala ako sa tabi nya para bantayan sya.

"Maria umalis ka na habang may oras ka pa." Sabi nya.

"Babalikan kita." Sabi ko sabay takbo palabas. Kailangan kong maabutan si Kaye. Kailangan kong magmadali.


































*****

KAYE'S P.O.V.

"Nasaan ka na ba Iya? Bakit ang tagal mo?" Mahinang sabi ko habang hinihintay kong dumating si Iya.

"Handa na ba lahat?" Narinig kong tanong ni Kael sa ibang makakasama namin.

"Hinahanda na lang ang iba pangdadalhin." Sagot ng kausap nya.

"Sige siguraduhin nyong nasa maayos ang lahat para hindi tayo magkaroon ng problema." Sagot ni Kael.

Sana lang matagalan sila sa pag-aayos habang hinihintay kong makabalik si Iya. Kailangan ko munang makausap sya bago ako umalis.

"Kaye." Tawag ni Kael. Napalingon ako sa kanya. "Nakahanda ka na ba?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko.

"Hinihintay mo ba si Iya?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko ulit.

"Mamaya lang aalis na tayo at sana lang dumating sya bago tayo makumpleto." Sabi nya.

"Sana nga." Mahinang sabi ko.

Hindi na nagsalita ulit si Kael mukhang naramdaman nya na ayaw ko syang kausap kaya nagpakabusy na lang sya sa ibang bagay. Napapaisip tuloy ako kung nakapagpaalam na ba sya kay Nesa kaya handang handa na syang umalis ngayon.

Lumipas pa ang ilang minuto wala pa din si Iya. Ano na bang nangyari sa kanya? Bakit ba inuna nya na naman si Adam? Hindi nya ba narinig na aalis kami ngayon at matatagalan ang pagbalik namin at hindi man lang ba nya naisip na magpaalam ng maayos sa akin? Nakakainis na talaga sya.

"Nakahanda na lahat!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga kasamahan namin.

"Magsipaghanda na sa pag-alis." Sabi ni Kael.

"Ano ba Iya nasaan ka na?"

Nagsimula na silang magsipaglakad at sumakay sa kanya-kanya nilang kabayo pero ako hindi pa din umaalis sa pwesto ko.

"Kaye aalis na kayo." Narinig kong sabi ng hari. Napatingin na lang ako sa kanya. "Sige na sumunod ka na sa kanila." Utos nya at wala na akong nagawa kundi sundin sya. Aalis ako ng hindi man lang nakakapagpaalam kay Iya ng maayos.

Sumakay na ko sa kabayo ko at sumunod na sa iba. Dahan-dahan lang ang takbo nila kaya naabutin ko din sila. Nasa likuran nila ako habang tinitignan ko sila isa-isa. Nasa harapan si Kael dahil sya ang tumatayong leader sa lahat.

Medyo nakakalayo na kami sa palasyo at hindi pa din maalis sa isip ko si Iya. Sana lang hindi matagalan ang pagbalik namin dahil hindi talaga ako sanay na wala sya at hindi ko nakikita.

"Kaye!"

May narinig akong sumigaw sa pangalan ko. Pinahinto ko agad yung kabayo ko at hinanap kung saan galing yung sigaw hanggang sa mahanap ko sya. Napangiti ako ng makita ko si Iya na sakay ng kabayo nya at humahabol sa amin.

"Iya."

"Mabuti na lang at hindi pa kayo nakakalayo." Sabi nya.

"Akala ko kinalimutan mo na ko." Sabi ko.

Fall In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon