Chapter 27: Results

12.2K 185 23
                                    

Chapter 27: Results

Isa isa nang rumampa ang mga kandidato suot ang kanilang formal attire. Palakpakan ang sigawan ang lahat nang pumasok si Enan suot ang kanyang sobrang garang suit.

Parang totoong modelo ang kanyang lakad, bawat tigil niya titignan niya ang lahat, taas noo at may pagka astang sigurado sa sarili. “Perfect” bulong ni Antons sabay napabomba ng kamay sa ere pagkat kuhang kuha ni Enan ang tamang lakad, tamang asta ng isang modelo.

Sinumpong muli ang kapiluyan ng binata, binuksan niya coat niya sabay nilagay ang mga kamay sa kanyang baywang sabay dinaanan ang kanyang kapwa kanindato isa isa.

Hinarap niya yung crowd, napailing sabay ngisi sabay naglakad palapit sa dulo sabay muling sinara ang kanyang coat sabay nag elegant turn para bumalik na sa kanyang pwesto. Pinalakpakan siya ng husto kaya si Enan napangiti nalang.

Nagtungo na ang mga host sa gitna ng stage para simulant na ang question and answer portion. Doseng kandidato ang natapos, nagtungo na si Enan sa harapan pero tulad ng ginagawa ng mga hosts e kinikilala pa nila ng husto ang bawat kandidato.

“Fernando Gomez, so we can call you Enan right?” tanong ng female host. “Of course but I would not take offense if you called me love, crush or even papa Enan” landi ng binata kaya naghalakhakan ang crowd.

“So Enan how are you feeling right now?” tanong ng female host. “I feel fabulous of course” sagot ng binata kaya nakiliti niya utak ng crowd. “Where did you get the confidence to join the competition?” tanong ng male host.

Di sumagot si Enan, ngumiti lang siya kaya inulit ng host yung tanong kaya nag boo na yung crowd. “Oh was that question for me? I am sorry but that question is best suited for the twelve alleged ‘gwapo’ behind me. I don’t know where they got the confidence to join this competition knowing that I am one of the candidates” sagot ni Enan kaya nagpalakpakan ang lahat at nagtawanan.

“So how was the experience? Was it difficult? Was there pressure?” tanong ng female host. “Being someone like me I am used to this. This is the daily life of a…” sabi ni Enan sabay inagaw yung mic sabay tinutok sa crowd. “ARTISTAHIN!!” sigaw nila kaya sigawan at tawanan ulit ang lahat.

“So are you ready for your question?” tanong ng male host. “Yes sir” sagot ng binata with full confidence. Napatingin ang lahat sa isang lalakeng judge sa harapan. “Hello Enan, so your question is, why should we pick you as mister Commerce?” tanong ng hurado.

Kinuha ni Enan yung microphone sabay huminga ng malalim. “With all due respect, I am not expecting you to pick me. Wag niyo na po pahirapan sarili niyo makipaglaban sa inyong isipan. Tradionally the twelve behind me have the best chances of winning, a candidate like me should not have even joined at all”

“The winner of this competition will be the face, the representative of the college of Commerce. I know you do not want our college to be the laughing stock of the whole University. If that happens then you will be able to feel what I feel everyday”

“Lalaitin tayo, pagtatawanan tayo, walang tigil yan. Pag ako ang pinanalo niyo mararamdaman niyo pano ako nabubuhay araw araw. Pero buhay pa naman ako, nakakayanan ko pa ngumiti”

“If ever a miracle happens and I get chosen, If I am here right now proving myself to everyone then you can expect that I will not let our college down. I will stand up and show everyone that we have more to offer, just like what I did today”

“But even if I will be able to do that, you all are not like me. You may not be able to handle the insults that will come our way. Why would you choose me? I have what it takes to represent our college. Whatever these twelve behind me can do, I can do it too..perhaps even better”

Artistahin: Take TwoKde žijí příběhy. Začni objevovat