Chapter 2: Pagtanggap

14.4K 183 13
                                    

Chapter 2: Pagtanggap

Sa may hardin tinititigan ni Enan si Clarisse kaya napapataas ang kilay ni Cristine. “Labs bakit mo siya tinitignan?” tanong niya. Napalunok si Enan sabay napakamot sa ulo. “Ah kasi Tiny..” bigkas ng binata sabay nagmurmur kaya walang narinig ang artista.

Biglang tumawa si Clarisse kaya pati si Jelly napataas na ang kilay. “Nahihiya siya, gusto pa daw niya ng buko juice” sabi ni Clarisse. “Why didn’t you tell me? Labs wag ka mahihiya dito, kung may gusto ka sabihin mo lang” sabi ni Cristine.

“Hindi ko naman pwedeng sabihin na ikaw, alam ko naman pinaghihirapan ang ganon e” biglang banat ni Enan kaya namilipit bigla sa kilig si Cristine habang si Jelly tumalikod at nagpigil ng tili. “You want more buko? Wait lang, next time just tell me okay?” lambing ng artista.

Ilang saglit dumating yung kasambahay, may dala siyang dalawang buko na bagong tabas. Paglapag sa lamesa agad sila niyakap ni Enan bago pa makalapit si Jelly. Dinilaan ng binata yung mga straw sabay ngumisi. “Mahiya ka naman, you are so barbaric. Have some manners hindi mo bahay ito” sabi ni Jelly.

“Coconut breasts milk is best for baby Enan” landi ng binata, sabay siya sumipsip sa dalawang straw kaya napatawa niya si Cristine, si Clarisse naman napahiyaw pagkat lumabas yung buko juice sa kanyang ilong. “Bastos” sigaw ng dalaga kaya lalong natawa yung artista.

“Hilig niya gawin yon, basta pag umiinom ako magpapatawa siya” sumbong ni Clarisse. “Enan that is not nice, and Jelly is right. Sige na ibaba mo na yung isa, hindi na niya kukunin yan” lambing ni Cristine.

“Sorry kasi wala masyado ganito sa atin, yung fresh talaga” sabi ng binata kaya naaliw si Cristine pagkat sarap na sarap talaga si Enan sa pag inom ng buko juice. Ilang minuto lumipas pinatawag na sila para kumain ng tanghalian, pumasok na sila lahat pero sina Enan at Clarisse tumayo sa isang sulok at nahihiyang lumapit.

“Mga anak halina kayo” sabi ng ina ni Cristine kaya lumapit yung dalawa. “Ampon kain na raw” sabi ni Enan kay Jelly kaya napatawa niya ang lahat. Pagkatapos magdasal tumayo si Jospehine at nilagyan ng pagkain ang plato ng anak niyang babae. Biglang nahiya si Enan nang pinagsisilbihan siya ng ina ng artista, “Hala ako na po, kaya ko po” sabi niya.

“Ako na anak, bisita ka namin dito” lambing ni Josephine, ang ina ni Cristine. Nang matapos malagyan ng pagkain plato niya napatingin siya agad kay Jelly, “Ay hindi ka nilagyan? E di alam mo na sino lang ang mga bisita dito” banat niya. Natawa ang mga kamag anak ni Cristine, si Jelly tumayo at inabot yung plato ng ulam sabay inarapan ang binata.

“Pasensya na po kayo patawa talaga si Enan” sabi ni Clarisse. “Ayos lang iha, mas gusto pa namin ang ganyan kasi napapasaya ang lahat” sabi ni Josephine. Nagsimula na sila kumain maliban kay Enan na pinagmamasdan ang lahat.

“Labs bakit hindi ka kumakain?” tanong ni Cristine. “Di ko alam pano” bulong ng binata kaya muling natawa ng ang lahat. “What do you mean di mo alam pano?” tanong ni Cristine. “Syempre kailangan ko muna alamin ano style ng pagkain niyo dito. Kung sosyal, kailangan nakalawit tong pinky ko tapos slow motion sa pagkain hanggang sa paglunok at kailangan laging nakangiti kahit na nanguya mo na yung black pepper, ipush mo ang smile kahit namimilipit ka na at nagpalit palit na lokasyon ng toes mo” sabi ng binata.

Halakhakan ang lahat kaya lalong naaliw si Cristine sa binata. “Meron naman yung pormal, para kang robot, nakatindig ka ng tuwid, pag nakagat mo black pepper bawal magpakita ng emosyon. Kailangan kagalang galang ka parin. At pang huli yung normal na kain, pagkagat sa black pepper…pweh..pweh..legal yon” hirit ng binata kaya halos mamatay na sa tawa ang lahat dahil sa kanya.

“Enan just eat, normal mode” lambing ni Cristine kaya ngumiti ang binata at nagsimula nang kumain. Nung makailang subo ang binata bigla siya bumagal pagkat pansin niya laging nakatingin sa kanya ang parents ni Cristine at kapatid nito. “Why are they looking at me?” bulong ng binata.

Artistahin: Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon