Chapter 20: Kaibigan

11.8K 182 18
                                    

Chapter 20: Kaibigan

Kinabukasan sa tambayan tahimik si Enan kaya pati mga kaibigan niya hindi kumikibo. “O ano Enan tara na, back out na?” tanong ni Clarisse. “Tol, okay lang mag back out. Sagot kita” sabi ni Greg. “Oo nga kami na bahala kay Earl” sabi ni Jason.

“Thanks guys but pinasok ko to kaya dapat panindigan ko. Di naman maganda malait na pangit tapos duwag pa” sabi ni Enan. Tumabi sa kanya si Shan, “Okay then, alam mo pare nung pinilit nila ako isali takot din naman ako noon e” sabi niya.

“Pero di masyado kasi alam mo naman gwapo ka. Ganon din nararamdaman ko pare” biro ni Enan. “Seryosong usapan, I can help you. Di ko naman sinasabi na expert ako pero I have been there and I won diba?” sabi ni Shan. “I know pare pero ako sasali ako knowing there is no chance in hell I will win” sabi ni Enan.

“Malay mo pare, tignan mo sa miss Universe nga nananalo na mga exotic breed” sabi ni Greg. “Pero maganda parin naman sila” sabi ni Enan. “Kailangan na itatag ang Team Enan” sabi ni Tommy. “Anong team Enan, dapat Team Artistahin” sabi ni Greg kaya napangiti si Enan.

“Pinapasaya niyo talaga ako, ang sarap magkaaroon ng mga kaibigan na katulad niyo” sabi ni Enan. “Grabe nasan na yung confidence? You know what yung ginagawa mong skit? Dapat ganon ka e” sabi ni Clarisse kaya nagulat si Enan. “Oo nga pare, pag sinasabi mo artistahin ka kahit hindi totoo e napapaniwala kami e” banat ni Greg kaya natawa na si Enan.

“Goodlluck Enan!” narinig nilang sigaw mula sa malayo. Isang grupo ng mga babae ang nakita nila na kumakaway. “We will cheer for you!” sigaw ng isa kaya napangiti ang binata at napakaway din. “O tignan mo na pare, meron kang kakampi, di lang kami” sabi ni Shan. “Ano ka ba? Babae mga yon e, understood na no. Artistahin nga siya e” sabi ni Greg.

“Yung iba nahihiya lang magsabi kasi nandito si Clarisse e, layo ka nga saglit. Tignan mo dadami papansin kay Enan” banat ni Tommy. “Guys, tama na, napasaya niyo na ako” sabi ni Enan. “Pare ano bang mawawala sa iyo? Nabilib nga ako sa ginawa mo kahapon. That took guts pare. Pasensya ka na sa sasabihin ko ha, pero mula sa kapwa mong alam mo na…”

“Ang laki ng balls mo kahapon pre, yung ginawa mo na pumirma ka ng ganon. Pare di ko alam pano nagkasya balls mo diyan sa pantalon mo. Ako matapang ako pero kumpara sa iyo kahapon pre? Balls ko parang pellets kahapon habang sa iyo bala ng canon pre” sabi ni Greg kaya naghalakhakan ang lahat.

“Some will laugh at you but there will be those who will be able to appreciate what you did” sabi ni Clarisse. “Pare itayo mo bandila natin. We are discriminated and oppressed. Ikaw ang pag asa namin. Pare stand up for us, kung naghahanap ka ng ipaglalaban, do it for people like us” sabi ni Greg.

“Tao parin naman tayo e, di lang tayo nakikilala kasi unang tingin palang nahusgaan na tayo” dagdag ni Greg sabay nagfist bump yung dalawa. “I will help you” sabi ni Shan. “Wag mo solohin, we will help you” sabi ni Tommy.

Huminga ng malalim si Enan sabay napangiti, “Ipapaalam ko muna it okay Tiny kasi baka makasira pa ako sa image niya” sabi ng binata. “But this is not about her, its about you” sabi ni Clarisse. “I know but..we are a couple so if they come bashing me, her career too will take a blow” sabi ng binata.

Habang nagklaklase biglang pinatawag si Enan ng dean. Nagtungo ang binata sa opisina ng dean at doon pinaupo siya. “Mister Gomez, we talked about you during our meeting yesterday afternoon” sabi ng matanda.

“Aalisin niyo po ako alam ko” sabi ng binata. “Of course not, pag ginawa namin yon para ka narin namin nilait at minaliit. I called you here just to ask you is your decision final?” tanong ni dean Torres.

Artistahin: Take TwoOnde histórias criam vida. Descubra agora