Chapter 17: Discovery

12.2K 178 15
                                    

Chapter 17: Discovery

Sabado pumasyal si Enan sa condo ni Cristine, pagbukas ng pinto humaplos si Enan sa kanyang puso. “Pasok ka” sabi ng artista. “Hindi, nakita na kita. Kumpleto na araw ko. Kay thanks bye” sabi ni Enan kaya natawa si Cristine, hinila ang binata at niyakap ng mahigpit.

“He is so sweet” sabi ni Joanna kaya nagulat ang binata. “What she is she doing here?” tanong ni Enan sabay napatitig nanaman sa legs ng magandang artista. “Tiny she is seducing me again o, I am doing my best not to look at her” banat ng binata kaya nagtawanan ang mga dalaga.

“Narinig ko nanaman boses ng antipatiko” sabi ni Jelly na lumabas ng kwarto si Noemi. Pareho sila nakasuot ng sando at maisking shorts kaya napahawak si Enan sa bibig niya. “Lord ano ba kasalanan ko? Kina Tiny, pinakita mo sa akin sexy na katawan nila ni Clarisse na nakabikini tapos babawiin mo saya ko at papakita mo katawan ni Jelly na nakabikini”

“Ngayon inaakit nanaman ako ni Joanna..ang iski ng shorts niya tapos..ipapakita mo yung dalawang yon naka pipi shorts din? Why?! What did I do to deserve this punishment?” sigaw ni Enan sabay lumuhod at tinaas ang dalawang kamay.

Tinignan niya legs ni Joanna, dahan dahan niya tinignan legs nung dalawang bading. “Ayaw na tuloy mag save sa memory ko! May bahid na!” drama niya kaya lumapit si Jelly at pinagkukurot ang binata sa pisngi.

“Dito muna sila makikitira habang di pa pwede yung kabilang unit” sabi ni Cristine. “Oh okay, pero okay ka lang ba sineseduce nila ako ng ganito Tiny?” sumbong ng binata. “If you keep looking at her legs then magkakaproblema tayo” sabi ng dalaga.

“Hindi ko naman tinitignan e, sila ang tumatawag sa mga mata ko. Ganyan din naman ako sa legs mo e. Pero bakit kasi kailangan pa maiski isusuot mo? Kulang nalang panty na yang shorts mo e. Tignan mo ginagaya ka nung dalawa, hoy kayong dalawa umayos kayo”

“Ang jewels natin kailangan din huminga. Sila wala sila jewels kaya pwede at bagay nila” sabi ni Enan. “Enough labs, anyway off namin today pero tinatamad kami lumabas” sabi ni Cristine. “Okay lang naman kahit dito nalang tayo, anything you need me to do?” tanong ni Enan.

“Ate, sige na pilitin mo na siya” sabi ni Joanna. “Please pag tungkol sa video ito ayaw ko pa masira ang Cyberspace” sabi ni Enan. “Ate” sabi ni Joanna. “Sige sige, labas you take a video of us then gagawa kami ng vids” sabi ni Cristine.

“For what?” tanong ni Enan. “Don’t you know pwede din pagkakitaan tong Youtube? If you get a lot of views you earn money too” sabi ni Joanna. “Ows? So kumikita ka talaga noon diyan?” tanong ng binata. “Uhuhmm..kaya nga ang daming tao pag nakakita ng magandang video they download it and upload sa account nila sa sila yung kikita e”

“Pero pag established ka na at madami ka na followers then bihira nalang mangyari yon kasi sisitain sila nung followers mo and you can file a complaint. Sayang din yung kita no” sabi ni Joanna.

Ilang minuto lumipas inupload ni Joanna yung Gwiyomi video nila ni Cristine. “Now all I have to do is tweet this link…post ko din sa FB page ko and that’s it” sabi ni Joanna. Nagulat si Enan pagkat isang minuto palang lumipas nakarami na agad ng retweets yung post ni Joanna.

“Wow..ganyan ang aristahin..ang bilis o” sabi ni Enan. “Pero di naman ako ganon kasikat tulad nung mga Hollywood stars no. Pag sila grabe siguro isang oras palang naka one million views na. Happy na ako pag naka ten thousand views” sabi ni Joanna. “Holy cow! Tignan mo to naka one hundred agad? Kapopost mo palang ng link ha” sabi ng binata.

Isang oras lumipas tulala si Enan, “Grabe, nagtrending pa kayo o” sabi niya. “O ano, yang ang mga totoong artistahin” sabi ni Jelly. “So you want me to make a video then you will pos the links? Then all your fans will attack and bash me?” tanong ni Enan.

Artistahin: Take TwoWhere stories live. Discover now