Chapter 26: Enan

12.3K 197 19
                                    

Chapter 26: Enan

“Are you ready?!” sigaw ng male host kaya nagsigawan na ang lahat. “Wow, so without further adieou, here are the candidates in their summer attire” sigaw ng female host.

Tumugtog na ang musika, napaindak ang lahat sa mala Reggae beat. Isa isa nang pumasok ang mga kandidato, lahat nakasuot ng Hawaiin polo shirts na maluwag, shorts at shades. Luminya sila pero natatawa ang lahat pagkat tanging si Enan ang may dala ng sako.

Sabay sabay sila nagpaikot, isa isa umabante ang mga kandidato para rumampa. Habang naglalakad si Andrew e lahat nakatingin kay Enan kung saan palandi niyang binubuksan ang kanyang polo.

Hindi niya tinuloy pagbukas, sakto lamang pagbukas at pinasikat konti ang kanyang dibdib. Natatawa na nanay at tatay niya pagkat sina Violet, Cristine, Joanna, Clarisse, Denise, nobya niya at yung dalawang bading hindi na mapakali at kumakapit sa kanilang mga upuan.

Turn na ni Enan, papunta palang siya sa gitna pero sina Jelly at Noemi nagtayuan na at nagtialian. Tinawanan tuloy sila pero nung nasa gitna na si Enan tumigil siya sabay pwersahang binuksan ang kanyang polo. Kalahati ng katawan niya naexpose, nagsisigaw na talaga sina Jelly at Noemi, napatayo narin si Clarisse at ibang mga babae nang hinaplos ni Enan ang kanyang katawan.

Naglakad siya ng dahan dahan, hinayaan ng binata malaglag polo niya off shoulders para tuluyang ipasikat ang kanyang katawan. Di magkaumayaw ang mga babae sa crowd, nakakabinging tilian, sigawan ang naganap kaya tumayo si Enan sa harapan ng stage, tinignan ang lahat sabay tuluyang inalis ang kanyang polo.

May nilabas si Enan sa sako, sumabog sa katatawanan ang lahat nang makita ang dala niyang rice cooker. Inakap niya ito gamit isang braso sabay hinaplos ang kanyang magandang katawan sabay taas noo na ngumisi.

“Papa Enan nagugutom na ako!!!” sigaw ni Jelly kaya dumagundong talaga ang ingay sa buong gym. Ang daming lumapit na mga babae at pinagkukuha ng litrato si Enan kaya ang binata nagflying kiss sa kanila sabay bumalik na sa pwesto.

Muling rumampa isa isa ang mga kandidato, tanging si Enan ang walang pantaas pagkat nahihiya na mga kalaban niya mag alis pagkat wala silang ibubuga sa ganda ng kanyang katawan. Taas noo ang binata, lumalakas kumpyansya niya pagkat nakikita niya sa crowd ang mga babaeng nagtatalunan at nagsisigawan para sa kanya.

Naglakad ang binata papunta sa female host sabay inagaw microphone nito. “So how do you like me now?” tanong niya sa crowd sabay naglakad siya papunta sa gitna, tinaas ang kanyang mga kamay sabay nagpaikot dahan dahan para ipasikat ang kanyang katawan.

Pagkaalis nila sa stage tumindi ang tawanan nang nagbiro ang female host, pagtungtong niya sa stage may dala siyang kutsara at tinidor. “Now calm down partner” sabi ng male host. “Kahit unli rice pa!” sigaw ng female host kaya tumindi ang tawanan.

“Whoa, parang nagbago ata ihip ng hanging partner. Napansin mo ba?” tanong ng male host. “Ha? Ano?” Lalabas ba ulit sila?” sagot ng partner niya kaya laugh trip nanaman ang lahat.

“Okay, everyone calm down. Lets give our candidates time to prepare for their talent portion” sabi ng male host. “Kailagan daw ako sa back stage” sabi ng kasama niya kaya napailing nalang yung male host sa pagpapatawa ng kanyang kasama.

Ilang minuto lumipas sumalang na si Andrew sa stage. May nagtitilian parin pero mas madami nang natatawa pagkat halatang pilit lang pagsasayaw ng binata. “Whooo gusto namin si Enan!” sigaw ni Greg kaya madaming sumunod sa pagsigaw niya.

Nadistract tuloy si Andrew, dumagundong ang sigaw ng marami at tinatawag ang pangalan ni Enan. “Enan! Enan! Enan!” walang tigil nilang sinigaw habang nagsasayaw pa yung unang kandidato.

Artistahin: Take TwoWhere stories live. Discover now