Chapter 5: Paramdam

13.1K 158 8
                                    

Chapter 5: Paramdam

Kinabukasan pag gising ni Jelly agad siya nagbukas ng bintana ng kwarto niya. Pagtingin niya sa baba nakita niya si Enan na naglalakad lakad paikot at mukhang kinakabahan.

Bumaba siya at agad lumabas ng bahay para tignan ang binata. “Security guard ang peg?” biro ni Jelly. “Uy gising na ba siya? Ano sabi niya? Ano reaksyon niya?” tanong ni Enan. “Hoy umayos ka nga. Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ni Jelly.

“Basta, so tulog pa siya? Uy samahan mo nga ako sa taas may kukunin tayo sa kwarto niya” makaawa ng binata. “Ano kukunin mo sa kwarto niya? What is your problem? You look so worried” tanong ni Jelly.

“Tsk, bahala na. Pero hindi, teka ano ba kasi naisip ko. Shit, this is bad” sabi ng binata. “What did you do?” tanong ni Jelly. “Ewan ko, mali ata ako. Hala, okay na nga ganito e. Baka masira ang lahat. Oh men” bigkas ni Enan.

Samantala sa kwarto ng artista, nagpaikot si Cristine sa kama. May kakaiba siyang bango na naamoy kaya dahan dahan niya minulat ang kanyang mga mata. Halos maduling siya, agad siya napangiti nang makita ang isang pulang rosas sa kanyang unan.

Inamoy ni Cristine yung bulaklak, naupo siya hawak yung bulaklak sabay muling nahiga at napangiti. Samantala sa kwarto ni Clarisse, naglalakad lakad ang dalaga habang hawak ang phone niya at kausap si Shan sa Skype.

“Okay ka lang ba diyan?” tanong ni Shan. “Of course, nandito naman si Enan e. He wont let anything happen to me and you know that” sagot ng dalaga. “Oo nga, anyway kailan kayo babalik?” tanong ng binata.

Napatigil si Clarisse nang makita si Cristine sa hallway na mala slow motion na naglalakad hawak ang isang isang pulang rosas at bulaklak nito nakadikit sa dulo ng kanyang ilong. Kitang kita ni Clarisse yung ngiti ng artista, napaupo siya sabay nakaramdam ng kirot sa kanyang puso kaya pumikit siya at nagsimangot.

“Hey, are you okay?” tanong ni Shan. “Yeah..call you later tinatawag ako sa baba. Kakahiya naman kasi mom niya tumatawag” sabi ng dalaga sabay pinatay phone niya. Sinundan ni Clarisse si Cristine, dumistansya siya konti pagkat sobrang bagal nagpababa ng hagdanan ang artista.

Sa salas napatingala si Oscar, nakita niya yung ngiti ng anak niya at yung hawak nitong rosas. “Good morning daddy” pacute ni Cristine, napangiti si Oscar, si Josephine naman napasugod sa salas nang marinig boses ng anak niya.

“Anak, ano ba favorite ni..” bigkas niya pero nakita din yung ngiti ng dalaga at hawak nitong rosas. Sinalubong niya si Cristine, isang daliri ng matanda napahaplos as bulaklak sabay nakiamoy konti. “He left it on my pillow..saw it when I woke up” sabi ng dalaga.

“Ang sweet naman” sabi ni Josephine kaya lalong napangiti si Cristine. Naglakad yung mag ina papunta sa kusina, si Clarisse bababa sana pero nagpigil at bumalik nalang sa kanyang kwarto.

Si Jelly pumasok sa backdoor, nakita niya si Cristine na wala sa sarili, ang dalaga nakangiti, parang sumasayaw ng mabagal habang inaamoy yung rosas. “Wow, san galing yan?” lambing ng bading. Tinignan lang siya ng artista, nginitian sabay naglakad palayo habang inaamoy yung rosas.

Papasok na sana si Enan pero nakasalubong niya si Cristine. Nagkatitigan sila, nag ngitian sabay dahan dahan naglakad patungo sa isa’t isa. Nagkaharap sila, walang nagsalita pero pareho lang silang nakatingi. “Why?” bulong ng dalaga.

“Para dito” bulong ni Enan sabay hinaplos ng binata palambing yung pisngi ng dalaga. Napangiti si Cristine, “Yan o..para makita ko yan” bulong ng binata kaya lalong napangiti ang dalaga.

Di maintindihan ni Cristine ang nararamdaman niya kaya dahan dahan siya tumalikod, naglakad palayo pero nilingon ang binata at muling nginitian. Pumasok sa bahay ang dalaga, si Enan bumalik sa hardin at naglakad lakad at nagpipigil ng saya.

Artistahin: Take TwoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant