Chapter 21: Hype

11.1K 172 19
                                    

Chapter 21: Hype

Biyernes ng umaga sinundo nina Clarisse at Shan si Enan. “Pare diba sabi ko sa iyo wag niyo na ako susunduin kasi sayang sa gas” sabi ni Enan sabay pumasok naman siya ng kotse. “Grabe ang mahal na nga ng gasoline, mas mura kung magcocommute ako. O ano pa tinatanga tanga mo, drive” banat niya pero hindi natawa ang kanyang mga kaibigan.

“Oh..bad news?” tanong ni Enan. “Di mo pa alam? O nagpapanggap ka lang?” tanong ni Clarisse. “Tell me, ano yon? Is Shan pregnant? Is Greg a real monkey now? What?” tanong ni Enan.

“Some people posted posters of you” sabi ni Clarisse. “Pare ayaw lang namin mabigla ka kasi medyo harsh yung mga nakalagay don” sabi ni Shan. Huminga ng malalim si Enan sabay pumikit, “I will be fine pare ko. Sige na drive” sabi ng binata.

Habang nasa daan napalingon si Clarisse, “Enan hindi lang yung posters, may website pa nga kung saan they are really making fun of you” sumbong ng dalaga. “I will be fine, stay positive lang” sabi ni Enan. “Pare nung nakita namin nasaktan kami, we are just worried na baka magwala ka kasi pare ibang level na ng panlalait e” sabi ni Shan.

Samantala sa parking area napasugod si Greg, Tommy at Jason sa kotse ni Earl. “Hoy gago ka alam namin ikaw yung nagpost ng mga yon!” sigaw ni Greg. “Hey back off! I don’t know what youre talking about” sagot ni Earl sabay ngisi.

“Anong hindi mo alam? Eto gago ka! Invitation sa pageant tapos starring si Enan sa katawan ng Cracken?! Gago ka ah! Tapos yung iba katawan ni Godzilla. Ang childish mo hayop ka pero bully ka na masyado” sigaw ni Greg.

“Oh ngayon ko lang nakita yan ha, nakakatawa” sabi ni Earl sabay ngisi. “Ano gusto mo, tara dito na” sabi ni Greg kaya inawat na siya nina Tommy at Jason. “Pero favorite ko yung mukha ni Enan sa katawan ni Chucky, don’t you think it makes him cute?” landi ni Earl.

Bumitaw ng suntok si Greg pero hindi ito tumama sa mukha ni Earl. Nakarinig sila ng busina kaya paglingon nila nakita na nila kotse ni Shan. Napasugod si Greg at pinakita yung poster na kinuha niya. Lumabas si Enan, tinignan yung poster sabay tinignan si Earl.

“You cant prove it!” sabi ni Earl sabay tawa. Pinunit lang ni Enan yung poster sabay nauna nang naglakad. Sumama na mga kaibigan niya kaya si Earl natawa at tinawag ang kanyang mga kasama. “Kunan niyo ng video dali, gusto ko mavideo yung facial reaction niya pag makita niya yung posters sa campus” utos niya.

Pagpasok nila ng campus napatigil ang grupo ni Enan. “Iba” bigkas ni Clarisse habang pinagmamasdan nila yung isang poster na nakapaskil sa bulletin board. Isang silhouette ng isang lalake na naka suit sabay nakasulat yung date ng event at oras sa baba kasama na ang isang QR code sa gilid.

Napanganga si Earl, “What the hell..we didn’t post those” bulong niya. Lalo siya nainis pagkat nagkalat ang mga estudyante sa campus at lahat tinututok phones nila para mapasok yung website na nakaencode sa QR code.

“Phone mo dali” sabi ni Clarisse kaya nilabas ni Enan phone niya, ginamit ni Clarisse yung QR scanner kaya biglang nagbukas ang isang website kung saan may naka embed na video.

Nagkumpulan sila para panoorin yung video. Ilang segundo lumipas napangiti si Enan at napakamot habang mga kaibigan niya natuwa at labis na nakiliti ang kanilang utak. Lahat ng nasa campus napatingin din kay Enan at lahat nagbigay ng thumb up sign. “Astig mo tol!” sigaw pa nung isa kaya si Earl nainis at nilabas din phone niya.

“Wow do you know who did this?” tanong ni Clarisse. “Not sure pero may idea ako” sabi ng binata. “Tol ang galing men, shit parang teaser ng isang sine lang e. Wow men artistahint level na promotion ito ha” sabi ni Greg.

Artistahin: Take TwoWhere stories live. Discover now